UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 19 Daniel’s Point of View “Alam mong ayaw ni Papa ang pagkakaroon ng girlfriend ng di pa tayo nakatapos tapos hayan may girlfriend ka nap ala. Isusumbong talaga kita sa kanya!” “Makapagsalita ka parang ako lang ah. Buti nga hindi ko isinusumbog kay Papa ang mga kalokohan mo.” “Patay ka talaga sa akin mamaya pag-uwi,” pabulung-bulong niyang sagot. Nang tumigil ang isang isang jeep ay sumakay na ako. Sumunod siya pero hindi tumabi sa akin. Kinukutuban na ako ng hindi maganda. Natatakot. Alam kong magsasabi si James at hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko lalo pa’t alam kong si James ang paniniwalaan ni Papa. Si James kasi ang paborito niya kaya kinakabahan na ako. Naisip kong dahil sa pagmamahalan naming ni Janine, n

