UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 20 Daniel’s Point of View “Ito naman bigla ka naman nagagalit agad.” Pagsaway ni Mama kay Papa. “Mabuti na yung maliwanag sa kanila na kahit kailan, wala dapat susuway sa akin. Wala munang girlfriend, wala ring magiging bakla sa pamilya o makipagkaibigan sa mga baklang salot na ‘yan. Makinig ka Daniel, alam ko malambot ka pero ang babae ay sa lalaki at walang ginawa ang Diyos para sa bakla. Ngayon kung magbabakla ka rin lang o kaya magkaroon ng karelasyong lalaki, limutin mo nang may pamilya ka. Huwag kang magkakamali dahil itatakwil kita.” Yumuko ako. Di ba dapat alam ni Papa na hindi ako ganoon? Bakit ba parang ang hirap nang matanggal sa utak niya ang pagbibihis ko sa Barbie dati ng kapatid ko? Bakit ba y

