UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 16 Daniel’s Point of View Napalunok ako. Alam kong ako na ang binabanggit niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanyang na diretso. "May pagkakataon na sana magkakilala kami at maging magkaibigan kung hindi lang dumating si Robi. Nakita ko na siya noon sa canteen kaya gumawa ako ng paraan para may rason na magkakilala kami. Nasobrahan kong ibinunggo ang tray sa kaniya pero siya din pala ay kumilos palapit sa akin kaya hindi ko nakontrol ang pagtapon ng coke sa akin. Sayang ang plano. Dapat no'n siya ang matatapunan ng coke dahil nagkataong may dala akong reserbang uniform ng pinsan ko na ipapahiram ko sana sa kaniya. At kung sana hindi dumating si Robi. Nagmiryenda na lang sana kami sa malapit na fastfood sa school para kunyari pambawi niya s

