UNFAITHFULLY YOURS
Joemar Ancheta
Chapter 15
Daniel’s Point of View
.
“Tara na. Uwi na tayo. Kung may ga kaibigan ka, imbitahin mo dahil may konti tayong salu-salo?”
Ganoon lang. Hindi ako binati ni Papa. Parang wala lang na sa dami naming graduates, ako ang valedictorian. Baka kasi nasanay na siya na lagi akong nangunguna sa klase ko. Hindi na bago pa iyon sa kanya. Pero kung may dapat akong ikatuwa noon? Iyon ay ang nakita kong pagiging proud na proud sa akin noon si James. Hawak-hawak pa niya noon ang aking mga medalya. Masayang masaya si Mama sa aking nakamit na karangalan. Sana pati rin si Papa. Sana pagdating ng araw na magmamahala ako at mag-uuwi ng mahal ko sa bahay ay bigyan ako ng tiwala na hindi ko sisirain ang aking pangakong makatapos kahit pa may kasintahan ako.
Mabilis ang pagdaan ng araw. Namimiss ko na si Janine. Hindi ko nga alam kung seryoso siya sa mga sinabi niya noong graduation namin pero binigyan ako no’n ng pag-asa. Pag-asa na siyang nagpa-excite sa akin na sana pasukan na. Kahit pa gusto ni Papa na sa ibang school ako mag-aral ay ipinaglaban ko talaga ang school na sinabi ko kay Janine. Sa unang pagkakataon, napapayag ko si Papa sa gusto ko. Sa unag pagkakataon, hindi niya ipinilit sa akin ang desisyon niya kaya kahit papaano ay nagbigay iyon ng pag-asa nab aka pwede na. Pwede na din paminsan-misan ay baliin ang kanyang mga patakaran. Na baka mapapayagan na niya akong magkaroon din ng kasintahan.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Pasukan. Gusto ko nang makitang muli si Janine. Pumili ako ng mauupuan sa likod at malapit sa pintuan. Mahiyain kasi talaga ako kaya iniwasan kong umupo sa harap. Bakante pa ang katabi kong upuan sa kanan noon. Nang dumating ang aming instructor ay tumahimik ang lahat. May hawak siyang classcards namin.
“I will be calling one by one and when I call on your name, please stand and introduce yourself, okey?”
“Yes, ma’am.” Sabay-sabay na sagot ng aking mga kaklase. Hindi ko man lang nagawang ibuka ang aking labi.
Inisa-isa niyang tinawag ang mga pangalan.Tumayo ang natawag. Nagpakilala at nagtanong ng ilang impormasyon. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Ito kasi yung ayaw ko. Yung nagpapakilala at tinitignan ng karamihan. Yung nagiging sentro ang atensiyon. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Kailangang makilala ako ng instructor namin at nang aking mga magiging kaklase. Natigilan ako nang tinawag ang pangalang Janine Cruz.
"Here ma'am." Boses malapit sa pintuan. Napalingon ako. Nakita ko siya. Ibig sabihin seryoso siya sa sinabi niya noong Graduation. Biglang bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Hindi ako makahinga. Sa higit dalawang buwan naming hindi pagkikita ay parang lalo siyang naging mas maputi at maganda mas nagiging mahubok na ang kanyang katawan, mas tumangkad, mahaba ang maitim at straight niyang buhok. Mas umangat ang kanyang maladyosang kagandahan.
Nagtama ang aming mga paningin. Ngumiti siya. Lumabas ang mga malalalim niyang biloy at ang mapuputi niyang pantay na ngipin. Kumindat siya sa akin. Ngumiti lang ako. Noon alam kong may kasangga na ako. May bubuo na sa bawat araw ko. May inpirasyon na ako sa pagpasok ng maaga.
"Oh my God. Salamat naman at umabot pa pala ako." Pahabol niya na nadinig ng iba naming kaklase kaya sila natawa. Umupo siya sa tabi ko.
"Kita mo? Magkaklase tayo di ba?" bulong niya sa akin. Kinikilabutan ako lalo pa't naamoy ko ang kaniyang pabango. Ni hindi ko siya malingon sa nararamdaman kong nerbiyos.
“So what now Miss Cruz? Are you going to tell us about you?”
“Can I have a rest po muna? If you don’t mind po?”
“So kami ang mag-adjust?”
“Please po ma’am?”
Nagtawanan ang aming mga kaklase.
“Okey, alright. I’ll ask Daniel Reyes?”
“Po?” naguguluhang tanong ko.
“Ang sabi ni Miss Cruz, pahinga muna siya sandali? Do you think it is fair na tayo maagang nagigising at nagmamadali pumasok para hindi mahuli at siya na late gumising ay humihingi ng favor na iba na muna ang tatawagin kong magpakilala?”
“Why not give her a chance po? Lahat po tayo nagsisimula pa lang? Can we still give her the chance to settle po?”
“Okey mukhang sina Mr. Reyes at Miss Cruz ay kampi. Sige. Dahil diyan at dahil first day naman ng school year, bibigyan ko muna kayo ng 15 minutes to ask question sa akin o sa mga kaklase ninyo para kahit papaano ay magkakapalagayang loob tayong lahat. But please tone down your voice ha?”
Nagsimulang umingay ang buong klase.
"Kumusta ang bakasyon Daniel." Pamamasag niya sa katahimikan ko.
"Ayos lang. Ikaw?”
“Eto, nakulong sa bahay. Kaya pumusyaw pa lalo.”
Tipid ang aking ngiti. Maputi na siya dati, lalo pa siyang pumuti pero lalo niya iyong ikinaganda. Hindi ko lang sa kanya masabi dahil sobra talaga akong natotorpe pa rin.
“Kumusta na kayo ni Robi?" sa wakas naitanong ko rin ang matagal ko nang gustong tanungin. Last graduation ko pa ito gustong itanong sa kanya at sa wakas, makakakuha na ako ng sagot.
"Robi?”
“Oo, si Robi. Yung…”
“Ah si Robi,” hindi na niya pinatapos ang dapat ay sasabihin ko pa sana. “Yung ex ko. Wala na kami just before our graduation."
“Talaga? Anong nangyari?"
"Hindi ko pala talaga siya mahal.”
“Hmmn, okey kaya mo siya hiniwalayan?”
“Nope. Siya ang nakipaghiwalay. Sabi niya, he deserves better.”
“Hindi ka nasaktan?”
“Honestly? Hindi. Siguro kasi, may gusto akong iba kaso mukhang kumplikado e.”
"Pa’nong naging kumplikado?"
"Wala lang. Matagal ko nang crush 'yun. Siguro, first year high school pa lang kami. Mukha kasig may pagka-torpe.”
"Baka lang naman nahihiya. Kung first year high school pa lang kayo gusto mo na siya, baka naman ‘yan ay Puppy love lang?”
“No, I really belive that he’s my true love.”
Bumunot ako ng malalim na hininga. Ako ba ang pinariringgan niya? Pero bawal ang mag-assume. Mahirap nang mapahiya.
“True love agad?”
“Yes, nabigla ka ba?”
“I didn’t expect it.”
“Well alam kong hindi mo talaga expect kasi nga I was dating Robi then, so paano ako magkakaroon ng ibang true love.”
“Kilala ko ba siya?"
"May kilala ka bang initial na D.R." Naalala ko yung nabasa kong isinulat niya slum book.
"Kung initial lang na DR, marami.”
“And there you go, sure ako na kilala mo siya.”
“Talaga, sino?”
Ngumiti lang siya. Huminga ng malalim. "Pinalipat ako ni Mama ng school nang 2nd year high school hanggang third year high school dahil nga nalipat siya ng trabaho.”
“Ah okey, that explains kung bakit ka biglang nawala.”
“Oo. Nawala ko pero hindi natanggal sa isip ko yung crush ko na si DR kaya lumipat at bumalik uli ako sa school natin.”
Tumango ako. Nagdadasal na sana ako ang binalikan niya pero naging sila ni Robi. Kung isa-isahin ko ang DR na lalaki sa buong campus namin na gwapo, mauubos ang daliri ko sa kamay. Napakarami kaso ang ganoon ang initials.
“Si Robi ang binalikan mo, hindi ba?”
“Of course not kasi paano naman naging DR ang RR kung siya talaga. Saka kung talagang true love kami, hindi dapat kami naghiwalay.”
“Ano ba kasing nangyari sa inyo?”
“Well, hindi naman talaga love yung sa amin. Naging kami lang naman ni Robi dala ng kantiyaw ng mga pinsan ko. Lahat kasi sila may mga boyfriend at girlfriend na at ako na lang ang wala. Dahil sa madalas naming nakakasama si Robi sa mga jamming namin kaya naisipan nilang ipareha siya sa akin. Hayon to make it official, niligawan nya ako bago ang pasukan noong 4th year tayo. First day of school kami na. But it was indeed a mistake, I never love him. Kahit turuan ko ang puso ko, wala talaga. Hindi ako makaramdam ng something sa kanya. Hindi ako makakita ng spark o kahit kabog lang ng dibdib sa tuwing makikita ko siya sa umaga."
"Niligawan ka niya, sinagot mo at naging kayo ta's hindi mo naman pala mahal. Kawawa naman 'yung tao."
“Exactly, kawawa siya pero I never ever let him feel that way. Dahil nga sa sobrang ingat ko na mahalata niyang hindi ko siya mahal, nasobrahan ko yata ring magpa-beybi hanggang sa lumabas ang totoong gusto sa akin. Nang una hinayaan kong halikan ako, hawakan sa tagilran but not to have s*x with him. Hindi ako pumayag na may mangyari sa amin. Masyado pa akong bata para ibigay sa kanya ang sarili ko. Hanggang sa hayon, nagbago siya. Masyado na siyang nang mahirap pang i-handle. Gano’n pala ‘yon ano. Kung di mo mahal ang tao, you won’t able to give your best. Yung parang ang hirap gawin kahit mga simpleng demands lang niya. Hanggang sa siguro siya na rin ang nakahalatang di talaga kami swak at di ko basta-basta isusuko sa kanya ang gusto niya sa akin. In short, naramdaman siguro niya na hindi ko basta-basta isusuko ang sarili ko sa kanya lalo pa’t hindi ko naman talaga siya mahal.”
“Basta ka na lang ba hiniwalayan?”
“No naman. Siya actually ang unang nagluko. Kaya ako nagkaroon ng dahilan na hiwalayan na lang siya dalawang araw bago graduation natin kasi nga may bago na siya. Baka kasi ang babaeng iyon, naikakama niya at hindi ako.” napalingon ako sa iba naming kaklase. Nakapa-honest niya kasing magsalita. Diretso siya sa mga gusto niyang sabihin. “Saka alam ko, si DR talaga ang gusto ko, ang lalaking mamahalin ko, ag lalaking pagsusukuan ko ng lahat ko.”
“Sino kasi talaga yung DR na ‘yan?”
“Mailap. Laging naiwas. Pero kahit anong gawin kong isipin na ayaw niya sa akin kasi baka hindi ako maganda sa paningin niya, baka hindi ako ang babaeng gusto niya pero ewan ko ba, siya pa rin talaga ang gusto ko. Hindi na nga lang gusto e, alam kong mahal ko na siya.” Tumingin siya sa instructor namin na nakababa ang salamin sa may ilong niya na nakikipag-usap din sa iba naming mga kaklase. Saka siya muling tumitig sa akin. “Alam mo bang yung si DR panay ang iwas pero panay din lang ang tingin sa akin. Lagi ko kayang nahuhuli na nakatingin sa akin kaso umiiwas lang talaga siya kapag nilalapitan ko at iyon ang hindi ko talaga alam kung bakit."
Napalunok ako. Alam kong ako na ang binabanggit niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanyang na diretso.
"May pagkakataon na sana magkakilala kami at maging magkaibigan kung hindi lang dumating si Robi. Nakita ko na siya noon sa canteen kaya gumawa ako ng paraan para may rason na magkakilala kami. Nasobrahan kong ibinunggo ang tray sa kaniya pero siya din pala ay kumilos palapit sa akin kaya hindi ko nakontrol ang pagtapon ng coke sa akin. Sayang ang plano. Dapat no'n siya ang matatapunan ng coke dahil nagkataong may dala akong reserbang uniform ng pinsan ko na ipapahiram ko sana sa kaniya. At kung sana hindi dumating si Robi. Nagmiryenda na lang sana kami sa malapit na fastfood sa school para kunyari pambawi niya sa kasalanan ko sa kanya. Pulido na sana ang planong yun 'eh! Kaso pumalpak!"
Hindi ko alam ang magiging reaction ko no'n. Ni hindi ko siya kayang tignan habang nagsasalita siya. Torpe lang talaga ako. Ngunit masaya ako na naririnig siya ako pala talaga ang tinutukoy niya.