UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 35 Daniel’s Point of View Paglabas ni Mama sa kusina ay hinila ko si Janine. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. “I’m so happy!” “Why?” tanong ko. “Okey kami ni tita. Sana soon, maging okey din kami ni tito.” “Huwag ka nang mangarap, masasaktan ka lang kay Papa. Kay Mama, wala kang maging problema, sobrang bait niya. Kay Papa, huwag nang umasa.” “Malay mo lang.” “Tara maghain na tayo bhie. Huwag na lang natin pag-usapan pa si Papa.” Huminga ako ng malalim at sinimulan na naming ayusin ang hapag-kainan para sa unang pagsasalo-salo namin nina Mama at Vicky. Sana darating yung araw na kasama na rin sina James at Papa. Sana ma-welcome nila si J

