UNFAITHFULLY YOURS
Joemar Ancheta
Chapter 11
Cindy's Point of View
“Cindy?” bulong niya.
“Yes, I’m here.”
“Do you know how much I love you?”
“No. Do you??”
“Yes, I love you. I never love like this before.”
Hindi ko alam pero napaluha ako nang marinig koi yon.
“Ohh, she’s crying. Are you crying?”
“No.” pinunasan ko ang luha ko. “Why should I cry. Masaya ako na sa wakas may katulad mong nagmamahal na rin sa akin.”
“You don’t need to cry. I am always here for you basta huwag mo akong palalayasin at ipagpapalit ha?”
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”
“Kasi you know, I am always sober and wasted.”
“Okey lang ‘yon basta ba ako lang.”
“Of course naman. Ikaw at ikaw lang.”
Hinila niya ako at hinalikan sa labi. Nagpaubaya ako.
“I love you Ray,”bulong ko.
“I love you more,”sagot niya
Sa bisig niya ako nakatulog na may ngiti sa aking labi. Tanda na kuntento na ako sa pagmamahal na ibinibigay niya kahit pa sabihing hindi siya perpekto.
Kung noon ay nagsasabi siyang maghahanap siya ng trabaho, nang mga sumunod na buwan ay hindi ko na siya naringgan pa tungkol doon. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala namang problema sa ganoon basta ba ibigay din niya sa akin ang kanyag pagmamahal, loyalty at ang hilig ng katawan kong tanging siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong minahal ko siya. Malayo sa karanasan ko noon kay Mark. Kay Raymond, wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa aking mga kaibigan dahil wala siyang career ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya.
"Mako, pwede bang dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?" tanong niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan namin. Mako. Shortcut daw ng Mahal Ko. Kinikilig pa rin ako sa tuwing tinatawag niya ako ng ganoon.
"Okey lang naman. Dito na lang kayo basta behave lang Mako ha? Huwag nang lumabas kapag lasing at dapat totoong tropa lang. Totoong mga kaibigan mo lang ang dinadala mo rito."
"Oo naman. Mag-aapat na buwan na tayo Mako. Wala ka pa bang tiwala sa akin?"
"Nagtitiwala naman ako sa'yo pero syempre hindi ko pa naman ganoon kakilala ang mga kaibigan mo."
"Basta Mako. Ako ang bahala. Wala kang dapat ikatakot. Pahalik nga ako sa Mako ko?"
"Mwah! Sarap!" saka niya ako kikilitiin hanggang sa hindi ako makahinga. Mauuwi sa mahigpit na yakap at mainit na halik.
Ang minsan pinayagan kong inumang iyon kasama ng mga barkada niya ay naging palagian na. Ang pagtambay ng kaniyang mga tropa sa aking bahay ay hindi na nakakatuwa ngunit hindi ako nagreklamo sa kanya. Wala siyang narinig sa akin. Lalo pa't nililinis naman niya ang kanilang mga pinag-inuman. Wala rin naman nababasag o nasisira o kahit anong nawawala sa aking mga gamit sa condo. Nauubos lang ang stock naming pagkain sa ref at iba pang groceries naming ngunit ayos lang naman sa akin iyon. Kumikita ako. May nag-rerent sa iniwan kong bahay. Hindi ko naman siguro ikahihirap iyon lalo pa’t hindi naman siya nagpapabili ng mga mamahalin niyang mga gamit tulad ng sapatos at iba pa. Kung anong ibibili ko sa kanya, okey na iyon sa kanya. Masaya siya kahit small things lang. Kaya okey lang maubos ang stocks namin sa ref basta ang mahalaga sa akin ay ako lang ang karelasyon niya at wala ng iba pa. Nag-iiwan ako ng pantoma nila pati pampulutan basta huwag na huwag siyang aalis ng bahay huwag magdala ng kahit sinong babae.
Dahil sa kaniyang pagmamahal ay ipinagkatiwala ko ang lahat-lahat sa kaniya. Alam niya din kung saan ko inilalagay ang aking kaperahan, atm at iba pang mga mamahaling gadget ko. Dahil ni singko naman ay hindi niya ginagalaw ay nagiging kampante ako. Minsan nga dahil sa pagod ko at wala na din akong oras na mag-grocery at mamalengke ay siya na din lang ang naglalabas ng pera sa atm ko. Naibibigay niya sa akin ang pera na walang kulang kasama ng resibo ng kaniyang mga pinamili. Noon ay alam kong siya na nga ang lalaking para sa akin. Ang lalaking siya kong mamahalin habang buhay.
Hanggang isang madaling araw na umuwi ako galing sa trabaho ay nadatnan kong nakabukas na ang bahay. Kinabahan ako. Hinanap ko siya baka lang nakaligtaan niyang isara dahil sa kalasingan. Ngunit wala siya sa sala, sa kusina, sa kwarto pati na rin sa beranda at banyo. Mabilis kong tinignan ang alahas sa drawer ko at ang cash ko doon ngunit wala na. Simot na lahat.
Tinawagan ko siya ngunit out of coverage area na ang phone niya. Pati ang kanyang f*******: ay deactivated na. Naglaho na siya kasama ng iba ko pang mamahaling kasangkapan. Hindi pa rin ako naniniwala noon na nagawa sa akin ni Raymond ang bagay na iyon sa akin. Nalimas na lahat ng gamit ko, lahat ng naiwang cash sa aking pinaglalagyan at pati ang atm ko na iniwan ko sa kaniya dahil sinabi niyang kailangan niyang maggrocery para sa pagkain namin ng buong Linggo. Hindi na niya pinatawad pati ang mamahalin kong mga damit, sapatos, bags at gadgets. Nilimas ng pangalawang lalaking minahal ko at pinagkatiwalaan ang lahat ng pwedeng ibenta. Nanghina ako noon. Nang una ay hindi ko magawang umiyak dahil sa pagkabigla. Naupo ako sa sahig. Nanginig ang tuhod ko at nanlamig ang buo kong katawan. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang luhang umagos sa aking pisngi. Umiyak ako dahil ganoon lang ang isinukli niya sa tiwalang ipinagkaloob ko sa kaniya. Tiwala at pagmamahal ang isinugal ko pero iyon pa ang ganti niya sa akin. Nasaktan ako ng sobra-sobra at ipinangako ko sa aking sariling hindi ko na hahayaang mahulog pa ng ganito. Hinding-hindi na ako magpapakatanga. Mahirap ngunit sinikap kong muling tumayo sa sarili kong mga paa. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Kailangan kong muling lumaban. Nagawa ko na ito noon kay Mark, magagawa ko uli kay Raymond.
Hanggang sa isang hapon, napanood ko na lamang siya sa isang balita. Iyon pala ang kanyang trabaho kasama ng tropa. Magpapaibig ng mga babaeg mag-isa lang sa buhay. Kukunin ang tiwala at pagmamahal. Kapag sa tingin nila, buo na ang tiwala ng babae sa kanila saka nila lilimasin ang kayamanan ng kanilang bibiktimahin. Masakit na isa ako sa mga nabiktima ni Raymond ngunit nangyari na. Hindi na ako nagsampa ng reklamo. Sa dami ng mga naghahanap sa kanya at mga ninakawan niya, sapat na para mabulok siya sa bilangguan.
Dahil sa mga nangyaring iyon ay natutunan kong umiwas na muli pang magkagusto o magmahal. Madami naman ang nagkakagusto sa akin lalo na sa mga katrabaho ko ngunit pihikan lang siguro talaga ako lalo na kung walang maibubugang kaguwapuhan. Ewan ko ba, napakahilig ko talaga ng gwapo. Iyon ang isa talagang masasabing kahinaan ko. Kaya kahit nakaparaming nagkakagusto sa akin hindi na muna ako nag-eentertain. Tama na muna. Gusto ko munang ipahinga ang aking puso.
Turn-off din ako sa mga lalaking mayayabang. Kahit pa gaano kaguwapo kung ma-ere ay hindi ko talaga mapilit ang sarili kong magustuhan. Ngunit nakikipaglaro ako. Naghahanap ng kakamot sa aking kakatihan. Puwedeng makipag- one night stand pero huwag muna sa relasyon. Hindi na muna ako nangmahal ng basta-basta. Iwas ako sa lalaking kagaya ng dalawa kong nauna. Gusto kong masubukan sa mga may trabaho at pinag-aralan. Hindi lang dapat gwapo, dapat may career. Iyon talaga kasi ang mali sa akin, madali akong nagtitiwala. Masyado kong binabase ang pagmamahal ko sa hitsura. Nguni tang nangyaring iyon sa akin kina Mark at Raymond ay nagbigay ng kakaibang pagkahilig sa s*x. Hindi ko alam pero parang napakasarap na lang makipaglaro. Yung ako naman ang mang-iwan. Magpahabol. Gusto kong manakit. Gusto kong maranasan din ng lalaki ang maiwan at masaktan. Halos dalawang taon mula nang nagawan akong pagnakawan ni Raymond ay may dumating na namang bago sa buhay ko. Ang lalaking siyang pupuno at nagig malaking bahagi ng aking buhay. Lalaking siyang nagpadama sa akin ng tunay nang pagmamahal.