DANIEL BACK STORY

2056 Words
UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 12 Daniel Point of View   Ako si Daniel. Lumaki ako sa isang masaya at kumpletong pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si Papa kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si Mama ay isang kaya lagi lang siyang nasa bahay at dahil doon, siya  lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Noong mga bata pa kami, mapagmahal sa amin si Papa. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin. Kaya naman, labis naming ikinatutuwa kung sasabihin ni Mama sa amin na uuwi si Papa. Hindi na kami no’n matutulog. Excited na kami sa pagdating ni Papa. Pinagpupustahan pa namin ni James kung ano kaya ang pasalubong sa aming pagkain at laruan. Iyon ang mga masasayang alaala ko sa aming kabataan. Sana kung alam ko lang na may magbago, nanatili na lang kaming magkakapatid sa aming kabataan. Unang pagkakataong pinalo ako  ni Papa ay nang nagpatulong sa amin si Vicky na bihisan ang mga Barbie niya. Tinulungan naman namin siya ni James na damitan ang mga Barbie. Mala slang dahil dumating si Papa. Naabutan niya ako akong binibihisan ng damit ang Barbie. Nagkataon lang kasi na hawak na ni James ang robot na laruan niya nang makita kami kaya ako lang ang pinagdiskitahan ni Papa. Sa lahat daw ng ayaw niya ay ang magkaroon siya ng anak na bakla. Binantaan niya ako. Sa murang gulang ay naikintal sa aking isipan na bawal ang babak-bakla sa kaniyang pamamahay. Lagi niyang sinasabi, gusto niyang tularan ko si James na mahilig maglaro ng mga laruang panlalaki. Astig kumilos at puro mga lalaki din ang mga kalarong bata. Ngunit kahit anong pilit kong gawin, magkaiba talaga kami ni James ng interes. Hindi siya ako. Pero hindi naman iyon nangangahulugan na bakla ako. May mga lalaki lang talagang malamya kumilos. Pino. Alam ko sa sariling kong hindi ako bakla sa isip at puso. Maaring malamya na kay Papa ang aking kilos at pananalita dahil kay Mama. Hindi ko lang maintindihan kung bakit bakla ang tingin ni Papa sa akin. Siguro kasi sobra kong inalagaan si Vicky dahil abala si Mama sa gawaing bahay ako na ang umako sa responsibilidad niya sa aming bunso samantalang si James na kapatid ko ay lagalag. Noong nasa elementary na  kami, kung ang hilig ni James ay magbike kasama ang tropa niyang si Xian, ako naman ay maglaro ng bahay-bahayan o kaya Chinese garter kasama ng mga babae kong kaklase at ilang mga bakla naming kapitbahay. Nasama lang naman ako dahil iyon ang gustong laro ni Vicky. Para sa akin noon, wala namang mali roon. Nag-eenjoy rin naman ako. Nang nagkahilig si James sa paglalaro ng basketball ako naman ay varsity na ng Volleyball. Nang naglandi si James sa babae, ako naman ay nagkaroon na ng mga crush ding babae sa campus namin ngunit hindi ako nanligaw. Bawal pa kasi kay Papa na magkaroon kami ng girlfriend. Pag-aaral daw muna ang asikasuhin kaya pilit kong isinantabi ang nararamdaman ko. Iyon ang malayong pagkakaiba namin ni James. Siya pasaway, ako naman ay pilit nagpapaka-kuya. Pilit sumusunod sa bataw ni Papa. Minsan nga, naisip kong paborito lang siguro ni Papa si James kaya puwede lang siyang manligaw at magdala ng babae sa bahay ngunit ako, hanggang sa lihim lang na paghanga sa gusto ko sanang ligawan. Ayaw kong pagalitan ako ni Papa. Natatakot ako sa kaniyang mga banta. Ngunit kahit siguro gustuhin ko pang magdala ng babae sa bahay, hindi ko kaya dahil alam kong iba kung magalit si Papa. Noon palang alam ko na, may favorite lang talaga si Papa sa kanyang mga anak at alam kong hindi ako na panganay iyon. Pero okey lang, parents do have favorites at wala ako ro;n magagawa. Dahil sa magkaiba naming mga hilig ng kapatid kong si James, hindi na rin kami nagiging close. Sa kabilang banda, naging sobrang close naman namin ni Vicky. Kung si James ay sobra kung sumunod sa lahat ng mga patakaran ni Papa sa bahay, (kung nasa bahay lang naman si Papa kasi ibang James ang kasama namin kung nasa serbisyo si Papa) ako ay kaya ko lang sundin ang ilan. Bata pa lang ako, alam kong masaya ako sa pagiging ako. Wala akong pakialam kung ano ang itawag nila sa akin, bakla, syokla, bading, badash, paminta at kung anu-ano pa basta ang mahalaga alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ako bakla. Hindi ako nagkakagusto sa katulad ko ng kasarian. Hindi ako humahanggang sexually sa katulad kong lalaki. Ngunit kahit alam kong malambot ako kumpara kay James at iba ko pang mga kaklase ay hindi ako nagpa-apekto. Dumating na kasi sa puntong napapahiya na ako sa mga kaklase ko, sa mga teachers ko at iba ko pang babaeng crush. Naisip kong mainam siguro na baguhin ang ko ang aking kinalakhang malamyang kilos. Yung maging ako astig. Kaya nga lagi akong nanonood sa youtube kung paano ng aba maging siga. Napag-aaralan pala iyon? Hanggang sa unti-unti naging tigasin na rin akong kumilos, magsalita at manamit. Hindi dahil takot ako kay Papa kundi iyon talaga ang gusto kong bagong ako pagkatapos nila akong maliitin. Sa mga kaibigang bakla at babae na lang ako medyo mahirap umiwas. Hindi ko kasi sila pwedeng sabihang magbago sila ng kilos at pananalita. Pwede naman siguro akong umiwas ngunit ayaw ko namang magsolo. Malungkot ang walang kaibigan lalo na’t natutuwa ako kapag kasama ko ang mga kaklase kong bakla at mga babaeng bakla. Kung sakaling pipilitin ni Papa na baguhin ang mga kaibigan ko, alam kong hindi ko iyon kayang sundin. Hindi ko siya mapagbibigyan. Masaya ako sa kasama sila. Saka hindi koi yon kinakikitaan ng masama dahil alam ko naman sa sarili kong lalaki ako at walang kinalaman doon ang mga kaibigan ko. Kung gusto niyang magkaroon ng anak na susunod-sunod lang sa lahat ng gusto niya, nakikita ko iyon kay James ngunit hindi sa akin. Dahil sa ginawa kong pagbabago, dahil hindi na ako malamya at malambing magsalita, naging biglang iba ang tingin ng nakapaligid sa akin. Hindi na ako napagkakamalang bakla. Hindi na ako inaasar ng mga ibang tao. Madali kasi para sa atin ang manghusga base sa nakikita lang ng ating mga mata. Hindi naabot ng mata ang kalooban ng tao. Puso ang humuhusga doon pero nauunan ng mata ang damdamin. Oo nga't may mga kaibigan akong mga bakla at baklang babae ngunit nanatili ako sa kung ano ako dapat bilang tao. Kahit man lang sa paraang ganoon ay maipakita kong iginagalang ko pa din ang kagustuhan ni Papa na hindi na lalamya-lamya. Bukod doon, ayaw din niyang mag-uwi kami ng babae sa aming kuwarto. Habang nag-aaral at hindi pa nakatapos, bawal ang girlfriend sa bahay lalo na sa kuwarto. Sa akin, bawal kay James, nakakalusot pero alam ko iyon. Alam kong alam din ni Papa ngunit bakit hindi niya sinisita? Bakit parang ramdam na ramdam kong ang patakaran ni Papa ay hindi para sa lahat? Sa pagiging astigin kong kumilos lalo na tuloy dumami ang nahuhumaling sa akin. Yung mga bakla dati na akala’y bakla ako ay biglang nagbago. Humaharot na sila sa akin. Dumami na rin ang mga nagpaparamdam na mga babae. Yung lantaran na kug landiin ako? Pero hindi muna ako nagseryoso dahil nga sa dami ng mga patakaran si Papa sa bahay. Isa na dito ang dapat pagtulong sa lahat ng mga gawaing bahay. May curfew kami kaya hindi puwedeng umuwi ng lagpas alas otso na ng gabi. Kailangan laging magpaalam sa tuwing lalabas sa pintuan ng bahay. Kailangan din alam ni Mama kung anong oras kami umuwi. Ayaw din niyang magpapatulog kami sa aming kuwarto ng hindi namin kamag-anak o hindi niya kilala. May mga sari-sarili kaming kuwarto na magkakapatid ngunit parang wala din naman kaming privacy kasi hindi kami pinapahintulutang magkandado ng aming mga kuwarto. Nang bata ako lahat naman ng mga bilin ni Papa ay sadyang sinusunod ko. Ngunit nakasasawa din pala. Nakakasakal. Ako kasi yung tipong kung saan ako masaya, iyon ang gagawin ko. Masama na kung masamang anak ako pero masaya ako sa tuwing wala si Papa sa bahay. Nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Nakakauwi ako ng lagpas alas-otso ng gabi. Nalalaro ang mga gusto kong laro at nakakasama ang mga gusto kong kasama. Walang bawal. Kung gaano kahigpit si Papa ay siya namang kabait sa akin si Mama. Nagtitiwala siya sa akin. Alam niyang mabuti din naman akong anak. Sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hindi naibibigay ni Papa sa akin. Batid din naman kasi ni Mama na hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko at ini-enjoy ko lang ang aking pagiging kabataan. Pinapayagan din naman niya akong magpatulog ng mga barkada ko sa bahay lalo na kung sigurado naman akong hindi uuwi si Papa. Huwag lang munang babae. Ayaw niyang makabuntis ako sa murang edad. Marami din naman nagkakagusto sa aking mga babae. Ngunit basted muna sila sa akin. Hindi ko naman sila masisi dahil alam ko namang naka-aangat ako sa karamihan kung hitsura lang din ang pag-uusapan. Sabi nila, guwapo ako, matangkad at may maayos na pangangatawan. Madalas nga, kinikilig ang mga ibang baklang kamag-aral ko sa tuwing nakakasalubong nila ako at topic ako ng mga babaeng hindi ko pinapatulan. Natatakot kasi ako sab anta ni Papa. Kapag malamang may girlfriend o nag-uwi ng girlfriend sa bahay, wala na akong aasahan sa kanila. Alam kong hindi niya ako tinatakot pero si James na kapatid ko, hindi takot. Bakit ba siya matatakot e kahit nahuhuli siya parang wala lang kay Papa? Nabuo tulong yung selos ko, yung poot kay Papa dahil hindi siya patas sa aming magkapatid. Kailan ba ako unang nagkagusto? Kung tama ang pagkakatanda ko, nagsimula ang damdaming ito noong First Year High Shool ako. Malamya pa ako noong kumilos at magsalita. Hindi ko pa naaralang astig na pagkilos pero doon ko nasukat na hindi ako talaga bakla. Na hindi totoo ang perception ng ibang taosa akin. Kasi ramdam kong may espesyal akong nararamdaman sa babaeng iyon. Yung bang pakiramdam na parang hinahanap ko siya lagi mula sa flag ceremony hanggang sa flag retreat. Yung palakad-lakad para mapansin niya ako o makita ko siya. May kung anong kaba akong nararamdaman kapag nakikita ko at nahihiya naman akong kausapin siya. Kung nakakaharap ko siya ay umiiwas ako saka ako maiinis sa sarili ko kung bakit di ko siya kayang harapin. Si Janine. Siya ang unang nagpatibok sa aking puso. Unang araw namin noon sa high school nang mapansin ko siya. Flag ceremony namin nang mahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Maganda din siya. Maputi, matangkad, mahinhin kumilos at laging parang nakangiti ang kanyang mga bilugang mga mata. May kayabangan lang siguro dahil matalino pero iyon lang sa tingin ko at sa tingin ng mga tsismosa kong mga kaklase. Hindi siya palakaibigan. Hindi rin siya basta-basta nakikipag-usap kaya nasasabi ng iba na suplada siya at kapag magsalita naman aakalain din ng iba na mayabang dahil sa accent niya kung mag-english. Sa edad namin noong labintatlo, halos magkasingtangkad lang kami noon. Hindi din naman matangos ang kaniyang ilong ngunit binabagayan ito ng maganda na pagkakahulma ng kaniyang mga labi. Mapungay ang mga mata na lalong binigyan ng may kakapalan niyang kilay. Hindi ko alam kung bakit nang magtama ang aming mga paningin ay kinakabahan ako. Nahihiya akong salubungin ang kaniyang mga tingin. Kung hindi siya nakatingin ay tinititigan ko siya ngunit oras na tignan niya ako ay mabilis kong ibaling sa iba ang aking mga tingin. Nakakakaba kasi. Nakakawala ng sarili. Basta may kung anong humihigop sa aking pagkasino. Ngunit kadalasan nahuhuli ko din siyang nakatitig sa akin at mabilis din niyang ibinabaling ang kaniyang tingin sa iba. First year high school lang  kaming dalawa noon, magkaiba nga lang kami ng section. Gustung-gusto ko kapag oras ng recess namin kasi madalas ko siyang makita kasama ng mga tropa niya. Kung dumadaan ako sa kaniya ay napapansin kong napapatahimik siya. Ako naman ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib. Namumula. Natataranta. Ang mahirap pa ay hindi ko siya magawang kausapin o kahit ngitian man lang. Natotorpe talaga ako. Tinatanong ko sa aking sarili kung pag-ibig na nga ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD