“Wait lang guys, check ko muna yung house.” Paalam ni Vannessa bago siya naunang bumaba. Kaniya-kaniya naman kami ng ayos ng bag at mga gamit. Hindi nagtagal kumatok si Vannessa. Nakangiti niya kaming sinalubong bago nilajad ang bahay nila.
Malaki ang bahay nila Vannessa. Sa paraan niya pa lang ng pananamit ay mahahalata mo na talagang may kaya sila. Sinalubong kami ng isang may katandaang babae. Tumango ako bilang pagbati.
“Pasok kayo mga hija, hijo.” Bati niya sabay ngiti.
“Thank you for having us.” Sabay-sabay naming bati. Tumango siya at nakangiting inilahad ang bahay.
“Formal niyo naman.” Pabirong sabi ni Vannessa sabay tawa. Dumiretcho kami sa sala nila. Kaniya-kaniya kami ng upo. Maganda ang bahay nila sa loob. May chandelier pa sa center.
“Sumasabit ka ba diyan minsan, Van?” Pabirong tanong ni Iurii. Tumaas naman ang kilay ni Vannessa.
“Eh kung ikaw isabit ko diyan.” Sagot niya na nagpatawa sa’min.
“…hindi uuwi?” Napatingin ako kay Sasha sa isang gilid nang marinig ang mahinang bulong niya. Kausap niya pala si Vannessa. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring walang narinig.
“Let’s eat muna, before we start our rehearsal.” Yaya sa’min ni Vannessa. Tumango naman kami at sumunod sa kaniya papunta sa dining table.
Pagkarating namin dun ay nakahain na ang mga pagkain. Sabay-sabay kaming kumain. Niyaya pa namin sila manang na tinanggihan naman nila. After namin kumain, we decided na magpalit muna ng damit para mas comfortable.
“Gents, pwede kayo magpalit diyan sa c.r.” Sabi ni Vannessa sabay turo kung saan. “Kanan tapos sa dulo.” Tumango naman ang dalawa sabay kuha ng mga gamit nila.
“Thanks.” Sagot ni Daijon.
“Sa taas na kami. Nasa unang kwarto sa left yung room ko.” Dagdag pa ni Vannessa. Tumango nalang sila Daijon at Iurii bago dumiretcho sa c.r.
“Come on, girls! Tayo naman ang magpalit.” Sabi ni Vannessa saka kami hinila papuntabsa kwarto niya.
Pagkapasok namin ay bumungad ang white and red motif na room niya. The paint and furniture are white and her stuffs are red.
Dumiretcho si Sasha sa kama at agad humiga. Tumalon din pahiga sa kama si Vannessa. Tumingin sila sa akin at parang naghihintay na gayahin ko sila. Pinagpag pa ni Vannessa at Sasha ang kama na tila nagyayaya.
Dahan-dahan naman akong naglakad bago umupo.
“Hay, life. I wonder, kelan kaya tayo mag-o-OJT?” Sasha suddenly asked. Napaisip din ako. Oo nga, we’re gonna do OJT, kaya lang wala pang nadi-discuss and prof about that.
Vannessa shrugged.
“I don’t know. I just want to live my life to the fullest. You know YOLO.” She said. Sinundan niya pa ng tawa, but I can tell that she’s also thinking about her future. “Anyways, let’s go change. Para makapag-start na tayo.” Aya niya. Pumunta kami sa walk-in closet niya. Puro white and red din ang color ng mga damit niya.
“Pili ka lang diyan Av. Pajamas, lingeries, night gowns.” Sabi niya. Tiningnan ko ang mga pajamas niya, some of it ay may mga price tags pa. Halatang hindi pa nagagamit. Yun na lang ang pinili ko. “Underwears meron ka na?” She asked. Nahihiya naman akong tumango.
“Yes, may dala ako palagi, just in case.” Napatango-tango naman siya at ngumiti. “Diyan yung c.r ko. You can change there.” Tumango nalang ulit ako. Kinuha ko ang nakita kong isang pair ng white pajamas.
“Uh, Vannessa. May I borrow this one?”
“Sure.”
After changing lumabas na rin ako sa c.r. Dumiretcho kami ni Vannessa sa sala niya sa loob ng kwarto. Nandun na rin sila Daijon and Iurii.
“Nagpapalit pa si Sash.” She said. Tumango na lang kami at binuksan ang kaniya-kaniyang laptop.
“So, I believe okay na tayo sa bawat parts natin. And the presentation is already done.” Panimula ni Daijon. “For now, we’re going to rehears. Kami ni Av ang magiging panel.” Dugsong niya. Pumayag naman sila at nagsimula ng magset-up. Hindi rin nagtagal dumating na si Sasha at nagsimula na sila.
We asked them the questions na possible itanong. We also asked some questions na hindi nakasulat sa binigay namin sa kanila, para mas okay. So far, they can explain and answer the questions very well.
“I’m done na. I triple checked the presentation so far…” Napahinto ako sa pagsasalita ng makita naang makita kong tulog na sila. Napangiti ako sa hitsura nila. They look so adorable. I don’tknow if adorable was the right term. Nakasandal sa headboard si Vannessa at nakahilig sa balikat niya si Sasha. Si Iurii naman ay nakahiga na sa carpet habang mistulang nagtitipa sa keyboard.
“Thank you for your hard work.” I whispered. Sinave ko na ang presentation bago in-off ang laptop ko. In-off ko na rin ang mga laptops nila.
“Hey, Avalie. Sorry nakatulog ako.” Sabi ni Vannessa. Nagising ata siya nang kinuha ko ang laptop niya.
“I’m sorry. Did I wake you up? Done na ang presentation. Go back to sleep na.” Sabi ko.
“Oh, thank you. Let me help you with them. May guest room kami na naka-ready. Palipatin natin sila Daijon at Iurii kawawa naman sila kung sa sahig.” Sabi niya. Tumango ako at nilapitan si Daijon.
“Daijon.” Hinawakan ko ang balikat niya at bahagyang tinapik. “Wake up.” Mahinang gising ko. He groaned and stretched his arms. Unti-unti niyang minulat ang mata niya.
“Anong gagawin mo sa’kin?! Bata pa’ko!” Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Iurii. Bahagya pa akong napatalon. Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang malakas na kabog niyon. Napatingin ako sa kanila. Agad naman siyang binatukan ni Vannessa.
“Gago. ‘Wag ka ngang maingay baka magising si Sasha. Tsaka sinong magkaka-interes sa’yo?” Sagot niya. Napakamot naman sa ulo si Iurii bago tumayo.
“Huh? Laptop ko?” Tinuro ko ang table.
“In-off ko na. Masama yung radiation nun.” Sagot ko.
“Aww, thanks Av.” Sabi niya sabay kindat.
“Tara na, tara na.” Sabi ni Vannessa sabay nauna maglakad. Sumunod naman kami sa kaniya. Binuksan niya ang isang pinto. Pure white naman ang room na yun. “Here you go. Good night, gents.” Sabi niya.
“Thanks, Vannessa.” Si Daijon. Si Iurii naman ay agad nagpunta sa kama at nahiga.
“Welcome. Sa room ko matutulog si Avalie.” Tumango naman si Daijon. “Also, we have to wake up early. Mga 7, okay lang ba? I’m planning to leave early din kasi.”
“Alright.” Sagot naman ni Daijon. Tumango naman si Vannessa sabay ngiti. Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod na rin ako sa kaniya. “Good night, Av.” Napahinto ako at napatingin kay Daijon. Nakangiti siya sa’kin. Tumango lamang ako at ngumiti.
“Good night.”
Kinabukasan, maaga akong nagising, rather, hindi ako nakatulog. Iniisip ko pa rin ang nangyayari sa bahay at hindi talaga ako madali makatulog sa ibang bahay. Pumunta agad ako sa bathroom ni Vannessa at agad naghilamos at nagtoothbrush. Pagka-check ko sa orasan ay 4:30 am pa lang. Super aga pa pala.
I checked my phone kung may text mula sa bahay. Wala. Agad kong tinext ko si manang para magpadala ng bagong pair ng uniform dito. Nagreply naman agad siya dahil alam kong maagang magising si manang to prepare breakfast. Tatanungin ko pa sana siya about sa nangyari pero baka mamaya nalang ‘pag uwi sa house.
Dahan-dahan akong bumaba at doon na naghintay. May ilang maids na gising na kaya nilapitan nila ako to ask what I need. Umiling na lang ako at nagpatuloy na rin sila sa paglilinis.
“Ma’am uniform niyo raw po.” Sabi ng isang maid sabay abot ng isang paper bag.
“Thank you.” Sabi ko sabay kuha. Umakyat ulit ako ng second floor para doon nalang maligo.
“Ah… Sir Rusio… Ohh…” Napahinto ako sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa aking bibig.
Boses! Hindi mali! Ungol iyon ng isang babae. Napaatras ako at agad pumasok sa loob ng kwarto ni Vannessa. Napatalon ako sa gulat ng makita na nakatayo siya sa gilid at seryoso ang mukha.
“Vannessa…” Tawag ko. Humarap siya sa’kin at ngumiti.
“Uniform mo?” Tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango. “Narinig mo?” Tanong niya pa ulit. Tumango lang ulit ako. “Rusio is my Dad. A successful businessman. And that’s probably his new secretary. The reason why I want to leave early is para hindi natin sila maabutan.” Sabi niya. Ngumiti pa siya sa akin. Isang mapait na ngiti.
Lumapit ako sa kaniya at saka hinawakan ang kamay niya.
“I won’t tell anyone. I’m not going to judge you or your family.” Sagot ko.
“Please, I don’t need your pity.” Matapang na ani niya. Umiling ako at ngumiti.
“I don’t pity you.” Sagot ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Ngumiti siya at tumango.
So that’s what they’re talking about last night. Sasha knows.
“Kompirmadong may dalawang tao na ang nahawa sa sinasabing NCOV na nagmula sa bansang China.”
“Tsk, nakakatakot naman ang nangyayari ngayon.”
“Oo, nga ate. Kailangan kong tumawag sa Leyte ngayong para mangumusta.”
“What’s NCOV ba?” Biglang tanong ni Sasha. Narinig niya rin ata ang usapan ng ilang kasambahay nila Vannessa habang nag-uumagahan kami.
“Dunno. Virus daw e.” Sagot ni Vannessa. Panay ang tingin niya sa hagdan. Minamadali niya rin ang pagkain namin.
“Virus mula China. Rumor na dahil daw sa pagkain nila ng mga paniki.” Sabi ni Iurii. Nabilaukan naman ako sa narinig. Dali-dali akong uminom ng tubig. Hinampas naman siya ni Sasha at Vannessa.
“Siraulo! Kita mong nasa hapag.”
“Bilisan nalang natin.” Seryosong sabi ni Vannessa. Tumango naman kami at nagmadali.
After mag-ayos ay lumabas na rin kami at agad sumakay sa van nila. Saktong pagkasakay naming lahat ay nagpaalam saglit si Vannessa. May naiwan daw siya saglit sa loob. Inasar pa siya ni Iurii na pinagmamadali sila pero siya naman itong may naiwan. Suminghal lang si Vannessa at nagmamadaling pumasok sa loob.
Nagku-kwentuhan sila Daijon at Iurii samantalang sumandal lang si Sasha sa bintana, matutulog yata. Ako naman ay natanaw lamang din sa bintana. Saktong nahahip ng paningin ko ang pag-uusap ni Vannessa at nang Daddy niya. Babalewalain ko na lang sana ng makita ko ang pagsampal nito sa kaniya.
Sa gulat ko ay napaatras ako.
“Bakit Av?” Tanong ni Iurii. Nalilito naman akong tumingin sa kanila. Naghihintay ng sagot.
“May kumagat na langgam sa paa ko.” Sagot ko. Tumango na lang sila at nagpatuloy sa pag-uusap.
“Let’s go.” Sabi ni Vannessa sabay upo sa gitna namin ni Sasha.
“Sa wakas!” Pang-aasar ni Iurii, pero nanatiling tahimik si Vannessa. Nahalata niya yata na wala sa mood kaya tumahimik na lamang din siya. Pumikit si Vannessa at sumandal nalang din kay Sasha. Umiwas ako ng tingin at sumandal na lang din sa bintana.
“That’s all for my discussion. See you again tomorrow.” The professor said. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Nagpunta muna ako sa powder room para siguraduhing maayos at presentable ako tingnan. Nang maayos na ay dumiretcho na’ko sa next subject namin.
Presentation na.
Tabi-tabi kami nila Daijon, Iurii, Vannessa at Sasha sa isang row. The prof allowed us to seat by group naman so it’s okay.
“Kinakabahan ako.” Sabi ni Sasha habang nilalantakan ang chips.
“Ako rin gagi.” Si Iurii na kulang na lamang ay magsagawa ng ritual. Kami naman nila Vannessa at Daijon ay tahimik lang na pinapanood ang presentation ng mga blockmates.
“Wrong. Dapat mas in-explain pa nila in a way na clear. Kahit gaano kahaba ang explanation kung paikot-ikot at magulo ang dating—” Napahinto ako sa pagbulong nang maramdaman ang tingin ni Daijon. Humarap ako sa kaniya.
“Sorry.” Sabi ko. Nakakahiya. Naabutan niya akong kinakausap yung sarili ko. Now, I’m not just a weirdo. I am a weirdo-weirdo.
“No it’s okay. ‘Yun din ang napansin ko. Kahit ang prof nakakunot na ang noo. Masyado silang kabado.” Sabi niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“Next group.” Tawag ng prof. Tumayo ako at binitbit ang laptop. Kaniya-kaniya kami ng ayos ng sarili. Gaya sa rehearsal, nandun kami sa designated place namin. After I connected my laptop at nang masigurong nakalagay na sa presentation ay sabay-sabay kaming bumati.
“Hay! Finally! Nairaos din!” Sigaw ni Iurii sabay suntok sa hangin.
“Finally! Wohooo!” Si Sasha habang ngumunguya. “Kain tayo, my treat!” Anyaya niya.
“Ayan ang magandang narinig ko ngayon maliban sa highest tayo.” Sang-ayon ni Vannessa. Nag-high five pa sila at sabay na natawa.
Nakangiti lang si Daijon sa kanila.
“Av, ano g ka? Tara na!” Sabi ni Sasha sabay hila sa’kin.
“Wait lang. Hindi pa kasi ako nagpapaalam. Baka next time nalang.” Sabi ko. Humaba naman ang nguso niya at bumagsak ang balikat. “Mga next week siguro, treat ko. Kayo muna today.” Suhestiyon ko. Tumango naman siya at ngumiti.
“Hoy! Next week daw treat ni Avalie! Yiiieee! Panis kayo frEns na kami!” Sigaw ni Sasha. Nanlaki naman ang mga mata ni Vannessa. Lumapit siya kay Sasha at kunwaring nagpupunas ng luha.
“I’m so happy for you. Kami, friends na kami since day one.” Sabi niya. Gumaya naman si Sasha sa kaniya. Nagkukunwaring nagpupunas ng luha.
“Talaga? Ngayon masasabi ko na, na trio tayo.” Napailing na lang ako at napatawa. Lumapit si Daijon sa’kin.
“Hindi ka sasama? Hindi na rin ako sasama.” Sabi niya. Umiling naman ako hinampas siya sa balikat.
“Ano ka ba? Sinong aawat kila Vannessa at Iurii?” Pabiro kong tanong.
“Eh, hindi naman complete. Tsaka nandun naman si Sasha.” Sabi niya. Umiling ako at nginitian siya.
“Sumama ka na. Time to make new friends.” Sabi ko pa. Napangiti naman siya at bahagyang natawa.
“Wow, hindi ko akalaing sa’yo ko pa mismo maririnig ‘yan.” Pabiro niyang sabi. Natawa na lang din ako. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa.
Pagkasakay ko sa sasakyan namin ay tahimik lang ang naging byahe. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay.
Dumiretcho ako agad sa kwarto para magbihis. After that ay bumaba ako papunta sa kitchen para tanungin si Manang. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya.
“Manang.” Tawag ko. Napatalon pa siya sa gulat.
“Oh! Nakauwi ka na pala hija? Kamusta ang sleepober mo?” Tanong niya.
“Ayos lang po. Ano pong nangyari kagabi?” Deretchang tanong ko. Nag-iwas naman si manang ng tingin.
“Hija, mas mabuti siguro kung hindi na ako makikialam pa. Basta ang tandaan mo’y nandito ako para sa inyo.” Makahulugang sagot ni manang.
Hindi ako mapakali. May nararamdaman akong may nangyari pa maliban sa nangyari noong nakipag-dinner kami kila Daijon.
Bogsh!
Dali-dali akong tumakbo papunta ng sala nang makarinig ng nabasag. Nagulat pa ako ng makita sila Mom and Dad. Si mom na galit na galit at si dad na mistulang miserable. Parang gusto niyang hawakan si mom pero mailap si mom.
“U-Ulitin mo nga iyong sinabi mo? Hindi ko ata narinig ng tama.” Naghahabol nang hininga si mom.
“Mom… Dad…” Tawag ko pero parang walang nakakarinig sa’kin.
“Maura, please. Calm down.” Pakiusap ni Dad.
“Calm--- Calm down!? How can I f*****g calm down kung maririnig ko mula sa’yo na gusto mong patirahin ‘yang bastardong mong anak sa pamamahay ko?!” Sigaw ni Mom.
Tila nabingi ako. Wala akong maintindihan. Ano raw?
“What…?” Mahinang tanong ko matapos ang ilang segundo ng katahimikan. Nagulat pa sila ng makita ako.
“Avalie, anak…” Si Dad habang nakatingin sa’kin na tila nagmamakaawa. Si Mom naman ay seryoso at tila walang pakialam kung narinig ko man sila.
“Yes, Avalie. You have an older brother.” Kumpirma ni Mom. “At ang magaling mong ama, balak pang patirahin dito sa pamamahay ko.” Dugsong pa ni Mom.
“Ano na, Archulus? Ano ‘pa’? Sabihin mo na ngayon para isahang sakit na lang! Now you know na pauwi na si Mauree! Ano pa?! You have a plan to get back with her? Or you have a plan na maging isang happy family kayo nung kabit mo?! Maiintindihan ko, Archulus! Maiintindihan ko kung--- kung hindi mo’ko magagawang mahalin pero—bakit naman ganun?! Bakit naman… Bakit naman kailangan mo pang ipamukha sa’kin? Ang mali ko lang naman ay ang ipilit sa’yo itong tanginang pag--pagmamahal ko!” Sigaw ni Mom habang patuloy na umiiyak.
Hindi pumapasok sa utak ko. Wala ni isang salita ang naiintindihan ko.
“Minsan, naiisip ko… Kung sakaling nagkaanak kayo ni Mauree—kamuka rin ba ni Avalie?” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Walang magawa si Dad kung hindi ang makinig sa kaniya at tanggapin ang mga sinasabi niya.
Tumingin ako kay Dad. Nakatingin din siya sa’kin. Tila humihingi ng tawad.
“Anak, please let your Dad explain…” Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Nag-aabang ng sasabihin niya.
Nag-aabang kung ano ba talaga ang pinagmulan ng lahat. Kung sino ba’ko? Kasi kahit ako. Sa unang pagkakataon. Gulong-gulo ako… kung sino ba talaga ako.
______________________________________
xxorphicxx
FB: SHAN CALIXTRO
IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn
;