"Sige. Later nalang ulit. Bye!" Paalam ni Vannessa sabay kaway. Sabay-sabay kaming pumasok sa school, gamit pa rin ang van namin. Pero dahil hindi naman namin ka-blockmates sila Vannessa at Sasha ay sa ibang way sila pupunta. "Tara na, Sash."
"Oo, wait lang kasi." Inayos ni Sasha ang pagkakasukbit ng bag niya matapos itago sa loob ng bag niya ang chips na natira kagabi. Humarap siya sa amin bago ngumiti at kumaway. "Bye guys!" Ngumiti naman ako at kumaway. Si Daijon naman ay tumango lang samantalang si Iurii naman ay tatawa-tawang kumaway kay Sasha. Himas-himas niya ang braso niya na hinampas ata ni Vannessa. Umagang-umaga nag-aasaran sila.
"Let's go." Yaya sa'kin ni Daijon. Tumingin naman ako kay Iurii na nakasunod kila Vannessa. "Come on. Hayaan mo na 'yan." Inilahad niya ang kamay niya. Nagtataka naman akong tumingin doon. Tumikhim siya sabay nagpamaunang maglakad. Sumunod naman ako.
Pagkapasok sa room ay wala pa ang professor. Dumiretcho ako sa upuan ko samantalang hinarang naman ng mga lalaki si Daijon. Mga kaibigan ata nila ni Iurii. Hindi ko na lamang sila pinansin at nilabas nalang ang book ko bago sinimulang magbasa.
"Hey Uri! Bakit niyo ko iniwan? Hindi mo na ba ako lab? Sagot Uri!" Napahinto ako sa pagbabasa ng marinig ko si Iurii. Tama ba ang dinig ko? Uri? Sino? Dahan-dahan akong lumingon kay Daijon.
"I told you, don't call me Uri. She's the only one who's allowed to call me that." Seryoso siyang nakatingin kay Iurii. Nag-peace sign naman si Iurii sa kaniya sabay tingin sa'kin. Kinindatan ako ni Iurii bago dumiretcho sa seat niya at umupo. Napatingin ako sa libro ko bago unti-unting sinalubong ang tingin ni Daijon.
Break time namin kaya nagpasya akong dumiretcho sa music room. Sana lang wala si Daijon dun. Although hindi ko pa naman nac-confirm kung siya ba yung Uri na kaibigan ko or hindi. Maraming Uri sa mundo.
Dumiretcho ako sa piano. Pumindot ako ng ilang keys habang nag-iisip ng pwedeng tugtugin, hanggang sa hindi ko namalayang tinutugtog ko na ang Bubbly by Colbie.
I've been awake for a while now
You got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face...
I get "the tingles" in a silly place
Uri, are you still coming back? I'm still waiting for you. I will always wait for you. Napangisi ako sa kawalan. I'm not even sure kung babalik pa siya... Ikaw ba si... Daijon?
It starts in my toes
And I crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
That you make me smile
Please stay for a while now
"Ang tagal kong hindi narinig 'yang kantang yan, Av." Napatigil ako sa pagkanta ng biglang magsalita si Daijon.
"What do you mean? And... Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. Ngumiti siya at dahan-dahang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa tabi ko bago dahan-dahang humilig sa balikat ko. Nagulat naman ako kaya bahagyang tumaas ang balikat ko. Natawa siya ng bahagya bago umayos ng upo.
"I'm back, Av..." He looked straight into my eyes atsaka dahan-dahang ngumiti ng sinsero. "I'm sorry natagalan. As I promised you, bumalik na'ko. Pero hindi mo naman ako matandaan." Napatungo siya bago huminga ng malalim. "Natatandaan mo pa ba'ko? It's me..." humarap siya sa'kin bago ngumiti ng pagkalaki-laki, "Uri."
Napanganga naman ako. Siya yun? Eh? Eh??
"Can I hug you? Aish, basta yayakapin kita. Nagpaalam na'ko ah!" And he slowly enveloped his arms on me. The moment he embraced me I felt a familiar warmth na matagal na nang huli kong naramdaman. Unti-unting namuo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. I tried to hold back my tears pero wala rin. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap.
"Get off me." I said. Naramdaman ko naman ang pag-iling niya. Hinimas niya ang buhok ko na mas lalong nagpaiyak sa akin. Ilang years. Ilang years na wala siya at ngayon malalaman ko na yung nakakasama ko sa araw-araw. Malalaman ko na si Uri at Daijon ay iisa...
"I'm sorry ngayon lang ako. Hindi na'ko aalis sa tabi mo." Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Just cry, Av." Napapikit ako at patuloy umiyak sakaniya. He's my very first friend, and the very first person na sinabihan ko ng mga questions ko noon. Siya yung kasama ko noon palagi tapos umalis siya. Naiwan ako... mag-isa...
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Napabalikwas ako ng bangon ng ma-realize ko na wala ako sa kwarto ko. Lumingon ako sa paligid at doon lang nag-sink in sa'kin kung nasan ako at anong nangyari kanina. Napatingin ako kay Daijon na nakangiti sa'kin. Dali-dali akong tumayo at naglakad paalis.
"Hala! Teka lang, Av!" Mas lalo kong binilisan ang lakad. Bakit ako nakatulog? Damn, hindi na'ko naka-attend sa class ko. "Wait lang, Av! Pinaalam ko naman sa prof na masama pakiramdam mo. They thought nasa clinic ka, kaya it's okay. Come on, you can sleep if you want." Natatawang habol niya pa. Hinawakan niya ang braso ko, kaya napahinto ako. Hinarap ko siya. Inayos niya ang buhok ko na nagulo ata kanina.
"I need to go. Magagalit ang prof. Baka malaman nila mom and dad. Magagalit sila." Paliwanag ko. Tumango naman siya habang patuloy sap ag-aayos ng buhok ko. Napatingin ako sa paligid, wala naman masyadong tao dahil may class ng ganitong oras.
"Mamaya nalang tayo pumasok sa next class." Aya niya. Nagdadalawang-isip naman ako kung sasama ba'ko sa kaniya or hindi. Namalayan ko nalang na nakaupo na naman kami sa music room.
Nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos ng pag-iyak ko kanina. Baka asarin niya ako. Pasimple ko siyang nilingon.
"So, how are you? You okay?" Tanong niya. Tumango lang ako. Hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Natahimik kami. Walang nagsasalita ni isa hanggang sa basagin niy ang katahimikan. "I'm sorry." Biglang sabi niya.
"For what?" Tanong ko. I don't think may kailangan siya ihingi ng tawad. Ako nga yung umiyak sa kaniya ng walang dahilan.
"For leaving you. Though, kailangan talaga namin umalis para magkaroon ako ng visa sa Japan. What I mean is, I'm sorry. I'm not able to contact you for years." Paliwanag niya. "It's like, I leave you here hanging..." Natahimik naman kami ng ilang sandali.
"It's fine. I understand." Ngumiti ako sa kaniya. Samantalang nanatili siyang nakatungo.
"I want to know," napatingin ako sa kaniya, seryoso siyang tumingin sa akin sabay ngiti, "how have you been for the past years?" Napangisi ako sabay nagbaba ng tingin.
If there's a person na comfortable akong magkwento aside from tita mom, it's Uri. If there's a person aside from tita mom that I'm comfortable showing my weak side, it's him.
"Congrats, Av! I'm so proud of you!" Uri said. Naakalaki ng ngiti niya sabay bigay sa'kin ng isang box.
"Ano 'to Uri?" Nagtataka man, ay tinaggap ko pa rin.
"Gift ko! Congrats ulit!" Napangiti naman ako. Niyakap ko siya sabay nagpasalamat. Graduation namin ngayon. Valedictorian ako sa grade 6 batch namin, samantalang salutatorian naman si Uri. May gift din ako sa kaniya pero nasa car pa. Baka mamaya ko na lang ibigay.
Kakalas na sana ako sa yakap nang higpitan pa lalo ni Uri ang yakap. Natatawa naman ako at inaasar-asar ko pa siya, pero hinayaan ko na lang. Nagsimula na ang graduation. Wala sila mom and dad dahil busy sila, pero okay lang dahil nandito naman si tita mom. Siya ang magsasabit sa'kin ng medal.
After ng graduation ceremony ay nakita kong paalis na sila Uri. Dali-dali naman akong tumakbo para habulin siya dahil hindi ko pa nabibigay ang gift ko. Nakasunod sa'kin si tita mom pero maraming nagpapa-picture sa kaniya pero nakasunod naman ang yaya ko.
"Uri! Uri!" Sigaw ko. Kahit maingay ay napatingin siya sa akin. Huminto siya sa paglalakad kaya naman dali-dali akong lumapit sa kaniya. "May gift ako sa'yo. Wait lang nasa car." Sabay-sabay kaming nagpunta sa parking. Kinuha ko ang isang box na may lamang bracelet. May naka-engrave dun na Uri sa loob, pero sa labas may maliit na sun, naka-engrave lang din. "Congrats!" Tulala lang siya habang nakatingin sa box. Nagtaka naman ako kaya sinilip ko ang mukha niya. Nakita kong sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Hindi siya mapakali sa pagpahid ng luha niya.
"Sa-Salamat d-dito A-Avalie. Iingatan ko'to." Hihikbi-hikbi pa siya. Niyakap ko naman siya para patahanin. "So-Sorry k-kasi ngayon ko lang sasabihin na aalis kami. Pupunta kami ng Japan. Doon muna ako titira, kaya matagal tayong hindi magkikita. Pero pangako... babalik ako. Babalik ako para sa'yo." Itinaas niya pa ang kamay niya. Ngumiti naman ako at tumango. Binuksan niya ang regalo ko. Kinuha ko ito at isinuot sa kaniya. Ganun din ang ginawa namin sa regalo niyang kwintas.
Pagkatapos noon. Tinanaw ko ang sasakyan nila Uri habang unti-unti itong umaalis, hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Mom! I'm sorry. Please, babawi po ako, just don't do this." Sinusubukan kong pigilan si mom na sirain ang mga instruments ko. Hawak niya ang saxophone na pinakafavorite ko sa mga instruments ko.
"Ito ba, ha? Ang pinagkakaabalahan mo? Pinag-aral kita, hindi para mag-music, Avalie! Ngayon, wala nang music!" Sigaw niya sabay basag ng saxophone ko. Napahagulgol naman ako at napaupo sa sahig. Sinubukan kong hawakan ang mga piraso pero sinipa lang ito ni mom. "98? Really? I told you it has to be perfect! Bakit 98 lang?!"
"I—I'm s—sorry mom. Ako pa rin naman po ang pinakamataas."
"I don't care! Pinag-aral kita kaya dapat perfect! Do you understand?!" Napayuko lang ako habang dahan-dahang tumatango.
"Yes, mom..."
"Avalie, I want you to take Pol Sci kapag nag-college ka na." Si Dad habang naghahapunan kami.
"Yes, Dad."
"No. I want her to take engineering." Sabat ni mom. Napatungo na lang ako at hinayaan silang mag-decide kung anong kukuhanin kong course.
"Dito muna mags-stay ang mga pinsan mo, hija. Ni-rerenovate ang bahay nila. Get along." Si Dad. Tumango nalang ako habang hindi sila tinitingnan. They're my cousins from my father's side. Si Kuya Xyren, 4th-year high school, si Kuya Xenus, 2nd year at ang bunso si Xerun, grade 4.
I was busy doing my homework sa study room namin sa second floor. Mag-isa lang ako. Nasa baba si kuya Xenus kasama si Xerun. Naglalaro ata sila, while kuya Xyren's inside his room ata.
I heard the door creaked open kaya napatingin ako. Si kuya Xyren pala. Bumalik nalang ako sa pagbabasa.
"Need help?" Tanong niya. Umiling nalang ako.
"No, it's fine kuya." Pero kahit ganun, umupo pa rin siya at tinabihan ako. Umayos ako ng upo at nagpatuloy pa rin sa pagbabasa. Iniakbay ni kuya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko kaya naman umusod ako. Inilapit niya ang mukha niya at nakibasa sa book ko. Dahil masyado siyang malapit ay iniusog ko sakaniya papalapit. Nagkunwari nalang akong nagbabasa habang nagpa-plano kung paano ie-excuse ang sarili. I know it's nothing but I'm not comfortable. Akmang aalis na ako ng ilagay niya ang kamay niya sa hita ko. Hinimas-himas niya iyon kaya naman lumakas ang dagundong ng puso ko. "Ang bango ng buhok mo. What's your shampoo?" Nabigla ako pero hindi ako nagpahalata. Tumikhim lang ako at dahan-dahang tumayo.
"Kung ano po yung nasa c.r. A—Ah speaking of, c.r lang po ako." Paalam ko. Ngumiti naman siya at tumango. Pagkalabas ng study room ay dumiretcho ako sa kwarto ko at nag-lock. Pumunta ako sa kama ko at dumapa at doon unti-unting tumulo ang luha ko.
Since then, Kuya Xyren's actions' making me disgusted. The way he looked at me and the way he's laying his fingers on me. Kaya when I'm studying, I always locked myself inside my room. And when they finally leave our house, doon palang ako naging comfortable. I never had a chance to tell it to my mom because, they're not around. While I don't want to worry my tita mom.
"I will not recognize your work. For me, it's trash. Looks like the teachers are overestimating you ." My teacher said. Binagsak niya ang gawa kong project. She's the mother of one of my classmates. Yung top two namin, na hindi ko kasundo. "Ulitin mo yan or ibabagsak kita."
"Why will I give you a perfect grade? You're not perfect. My daughter's better than you." hindi pa ako nakakaalis kaya naman narinig ko ang mahina niyang bulong.
"Good job. You're doing good, hija, pero taasan mo pa, okay?"
"Yes, mom."
"That's great, hija. Keep it up!"
"Yes, dad."
After that, I focused my attention sa studies. I tried to fulfill my parent's satisfaction. I want to make them happy. I pursue engineering noong nag-college. And hanggang ngayon, I am being a monster student. No friends, after Uri. I also don't want to be friends with anyone, because for me some of them will just l use me for their studies. Groupmates are just groupmates, and so as my block mates.
Day after day mas nagiging aggressive ako as a student. Quiz bees, competitions hanggang sa lumaki nang lumaki ang gap namin ng mga nagiging ka-blockmates ko and even my schoolmates. But that's okay. Because I'm fine with myself.
"Where is he?" Napatingin ako kay Daijon. Katatapos ko lang mag-kwento ng mga nangyari, pero hindi naman lahat nakwento ko na.
"Sino?" Naguguluhang tanong ko. He looked at me with his dead eyes. Napalayo naman ako.
"Your cousin." Sagot niya. Umusog siya papalapit sa akin. "Ano pang ginawa niya sayo?" Napangiti naman ako at napailing.
"Wala na. It's okay. I'm fine now. Kasal naman na siya." Sagot ko. Ayoko nang isipin. Kasi it's all in the past now. Mas okay na mag-focus sa present and future. Nginitin ko siya to assure him.
"And it's fine now. Because I'm here. I'll help you." Ngumisi siya sa akin kaya natawa naman ako.
"Ikaw tumangkad ka lang at nagkalaman tumapang ka na. Dati, you're such a crybaby." Pang-aasar ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya pero napatawa nalang din. "Patingin nga anong mas malaki, yung likod mo o yung bag mo?"
"Ikaw!" Turo niya sa'kin. Nanghahamon naman akong tumingin sa kaniya.
"Ano? Ha? Ano?" Tatawa-tawa kong tanong.
"Wala! Porket walang nagbago sayo ginaganyan mo pa rin ako." Napakunot naman ng noo ko sabay tingin sa kaniya.
"Anong wala? Tumangkad kaya ako! I'm 5'7!"
"Parang wala naman." Mabilis niya akong tiningnan. "Tumangkad ka nga pero payat ka pa rin." Dugsong niya sabay tawa kahit wala namang nakakatawa.
"Balik na nga tayo. Last class mo na diba?" Tanong niya. Tumango naman ako. Kinuha ko ang bag ko na kinuha niya pala kanina sa room ko. Inayos niya na rin ang mga gamit bago sabay kaming naglakad. "Magka-blockmates kayo ni Iurii ngayon diba?" Tumango ulit ako. "Makiki-seat in nalang ako" Napatingin naman ako sa kaniya.
"Bakit? Wala ka na bang class?" Bakit biglang makikiseat-in 'to? Baka magalit ang professor. Although may mga nakikiseat-in din naman pero may mga problems sila sa subject na yun.
"Wala yung prof namin sa last class kaya okay lang yun." Sabay kaming pumasok kaya naman napatingin sa'min ang ilan sa mga classmates ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagdire-diretcho sa seat ko. Kunwari hindi ko rin kasama si Daijon.
"Excuse me. Pwede mahiram 'yang seat mo?" Tanong ni Daijon sa ka-blockmate ko. Natataranta naman itong tumango bago inayos ang bag. Lumipat siya sa likod kaya naman naupo na si Daijon sa tabi ko. "Parang nung elementary lang." Bulong niya sa'kin, excited.
"Edi magba-babysit na naman ako?" Pang-aasar ko pa. Pinanliitan niya naman ako ng mata bago umiling at ngumisi.
"Sige sige mamaya nalang. Anak ng—Pre anong ginagawa mo dito!?" Napatingin ako kay Iurii na kapapasok lang. Nagulat pa ang mga nadaanan niya sa biglaang pagtaas ng boses niya.
"Seat-in." Tipid na sagot ni Daijon.
"Eh? Wala ka namang problem sa subject na'to ah. Sabihin mo—" Sersyoso siyang tiningnan ni Daijon kaya naman tumahimik siya. "Hey Avalie! Sige upo na'ko." Biglang paalam niya. Tumango na lang ako at umayos na rin nang upo.
Hindi nagtagal nag-start na rin ang class. After magturo ng prof ay nag-iwan lang siya ng activity tapos ay umalis na rin. Pagkatapos ng class ay nakatanggap ako ng message from Vannessa. Magkita-kita raw kami sa min gate. Natanggap din ata nila Daijon ang message kaya sabay-sabay kaming pumunta.
"Hey! Okay ka na ba, Avalie?" Nilapitan ako ni Sasha at Vannessa. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila.
"In-excuse ka ni Daijon kanina sa subject natin kasi masama raw pakiramdam mo?" Napatango naman ako. Nginitian ko sila bago sumagot.
"Okay na'ko. By the way, bakit niyo pala kami pinatawag?" Nagtataka namang tumingin si Sasha sa'kin.
"Hala, diba ngayon na natin tatapusin yung presentation. Tapos magre-rehears tayo." Hindi pa nga pala kami tapos sa presentation, pero konti nalang naman. At yung rehearsal ay kung paano namin ip-present yung gawa namin. Nag-list kami ni Daijon ng mga probable questions para handa.
"Saan? Sa house ulit namin?" Tanong ko. "Hindi ko pa napapaalam." Inilabas ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Dad pero hindi siya sumasagot. Tinry kong tawagan si mom pero ganun din kaya naman tinawagan ko nalang si Manang. After ng ilang ring ay sinagot niya na rin.
"Don't talk to me!"
"Come on Maura. Ano pa bang gagawin ko?"
"Hello? Avalie?" Sagot ni Manang. Nakarinig pa'ko ng ilang lagabog sa kabilang linya.
"Sila mom and dad po ba yun? Ano pong nangyari?" Lumayo ako sa kanila Daijon bago pumunta sa isang gilid.
"A—Ah konting sagutan lang, hija. Huwag kang mag-alala. Pauwi ka na ba?" Tanong ni manang. Humina ang sigawan na naririnig ko kanina.
"Opo sana. Magpapaalam po sana ako kung pwede naming tapusin sa bahay yung presentation para bukas, pero mukhang hindi po...pwede."
"Ako nalang ang magpapaalam sa Daddy at Mommy mo, hija. Sa bahay nalang muna ng kaklase mo. Ako na ang bahala. Mag-text ka nalang din sa Daddy mo." Sagot ni manang.
"Pero baka po—"
"Sige na, hija. Ibababa ko na." Pinatay ni Manang ang telepono. Wala naman akong nagawa kaya lumapit ulit ako sa kanila.
"Ah... Hindi kasi pwede sa bahay." Sabi ko. Napaisip naman sila. Halata sa kanila na hindi alam kung paano ang gagawin dahil hindi naman ako pwede. Pero naisip ko ang sinabi ni manang. "Kanino nalang tayo gagawa?" Tanong ko. Nagliwanag naman ang mukha nila.
"Pwede sa'min!" Sagot ni Vannessa. Tumango naman kaming lahat at pumayag. Gamit ang van namin na naghihintay ay tinungo namin ang bahay nila Vannessa.
Inilabas ko ang cellphone ko at nag-compose ng message kila mom and dad.
'Mom, Dad, good evening po. Tatapusin lang po namin ang presentation namin para bukas. Magre-rehears na rin po kami kaya baka bukas na po ako makauwi. Kila Vannessa Swertz po kami mago-overnight ng mga ka-group ko.' Sent!
"First time mo 'to diba, Av?" Tanong ni Sasha. Tumango naman ako. "Nice! Sana sa susunod hindi na presentation ang reason." Ngumiti siya sa'kin. Inalok niya sa'kin ang chips na hawak niya. Inakbayan naman ako ni Vannessa. Napapagitnaan nila akong dalawa. Tatabi sana sa'kin si Daijon pero inunahan siya nila Sasha at Vannessa.
"Pahihiramin kita ng damit. Wala kang dala diba?" Tanong niya. Naalala ko naman na wala nga pala akong damit. Ipahihinto ko na sana sa isang convenience store pero pinigilan ako ni Vannessa. "Okay lang yan. May hindi pa naman ako nagagamit dun. Pajamas and lingeries." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi, pero feeling ko narinig nila. Kumindat pa siya sa'kin. Kahit nasa gilid ay inabot pa rin siya ni Sasha at binatukan.
"Baliw ka talaga. Hindi nagsusuot ng ganun si Avalie. Kita mong formal na formal siya oh." Napahagikhik naman si Vannessa.
"I'm just joking. Pero kung mas comfortable ka sa ganun sabihin mo lang." Dinugsungan niya pa yun ng tawa.
"Hey baka naiipit si Avalie sa inyo ah." Singit ni Daijon. Tumaas si Vannessa at sinilip sila sa likod. Nag-action pa siya na parang may harang sa pagitan nila.
"Hanggang dito lang usapan. Huwag kang nakikisali." Pang-aasar niya pa. Tumayo naman si Iurii at nilagpas ang ulo niya sa harang na sinasabi ni Vannessa.
"Ayan! Kasali na kami. Hawak ko si Daijon." Dumila pa siya kay Vannessa na parang nang-aasar. Pinitik naman ni Vannessa ng malakas ang noo niya kaya napahawak siya dito. Kita pa namin ang pula nun.
"Buti nga sayo." Sabi ni Vannessa sabay upo ng maayos. Tawa pa siya ng tawa pero napahinto siya ng magsalita si Sasha.
"Diyan nagsimula yung lolo't lola ko." Sabi ni Sasha sabay tawa.
"Anong nangyari sa lolo't lola mo pagkatapos, Sasha?" Nagtataka kong tanong. Kumuha ako ng chips at nilagay sa bibig ko. Ngumuya-nguya pa'ko habang naghihintay sa sagot ni Sasha.
"Ayun! May twelve na anak na." Sagot niya sabay tawa ng malakas. Nahirapan ako sa paglunok ng chips dahil sa pigil na tawa. Natawa na rin si Daijon samantalang nakaiwas ng tingin si Iurii. Namumula pa rin ang noo, pero mas mapula na ang pisngi. Si Vannessa naman ay nandidiring tumingin kay Iurii.
"Ew! Kinikilig ka? Crush mo'ko 'no?" Tanong niya. Nagpatuloy ang asaran hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyayari sa bahay.
_______________________________________
SONG: BUBBLY
_______________________________________
xxorphicxx
FB: SHAN CALIXTRO
IG: xxorphicxx/ shxnnnnn
;