Sofia PG "GAGA huwag mo akong inuunahan at hindi kita uurungan!" napasubsob sa tiladong sahig ang mukha ni Lexi. Sofia also did the same as Lexi did to her, hinila niya ang buhok ni Lexi at nang makabwuelo ay agad niya itong tinulak ng ubod nang lakas na siyang ikinatumba nito. "Bago ka mamisikal ay alamin mo muna kung kakayanin mo ako, gaga!" Maliit lang siya dito pero may backgound siya sa martial arts. Highschool pa siya ay nagboboxing na siya kasama si Ethan, si Gab naman ang kasa-kasama niya sa pag ta-taekwondo. "b***h ka talaga!" hihingal-hingal itong tumayo. Ang kaninang gown na suot nito ay wala na sa ayos at sabog na sabog na ang mahabang buhok nito. "Ulitin mo pa uli iyan at labi mo na mismo papuputukin ko!" Pero hindi natinag ang bruha at muli pang nagsalita. "Hindi ko ala

