Sofia "KAMUSTA kana Sofia?" Lang'ya bakit ang awkward? It was one question that caught her offguard. Hindi niya alam kung kinakamusta siya nito by means of the word itself o kinakamusta siya nito after Ethan. She had never heard of Tita Astrid matapos niyang marinig dito noon ang tila bangungot na katotohanang patay na si Ethan. Did she hear about her and Gab? Kaya ba ito tumawag? Pero wala silang napagusapan ni Gab tungkol dito. At lalong ayaw rin niyang pag-usapan. "Sofia?" Napahinga siya ng malalim at napalunok. "Mabu-ti naman po tita..." Isang dekada narin mula ng nawala si Ethan and she had been okay. Nakamove on na siya noon pa, and Gab had always been there for her. "Napatawag po kayo?" Narinig niya ang buntong hininga nito sa kabilang linya. "Kinakamusta lang kita, Sofia. I'

