Sofia "AYAN, you look more personalized than before." Nakangiti niyang pinagpag ang 'suppose' birthday gift niya kay Gab. It was the same album compilation of his stolen shots pero mas ginawa niyang mas personalized kaya nagdesisyon siyang hindi muna iyon ibigay. Maagang natapos ang isa niyang photoshoot sa MBT Mag kaya maaga rin siyang nakauwi. Tumayo siya mula sa kanyang studio desk bitbit ang album at tinungo ang isang chiffonier kung saan nakatago ang ilan sa kanyang mga nagawang scrapbook. Isinilid niya sa loob ang album saka lumabas ng kwarto. Gab's currently in Tagaytay dahil may kung ano itong project na inaasikaso doon. Napabuntong hiningang napaupo siya sa kanyang paboritong settee. Five days had passed since they were officially together as a couple. Wala sa loob siyang n

