bc

Caught by Love

book_age18+
235
FOLLOW
1.5K
READ
HE
heir/heiress
blue collar
drama
mystery
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Maria Veronica Montehermoso and Gabriel Marquez

chap-preview
Free preview
Caught by Love
Veronica “Hoy, wala akong raket ngayon. Baka puwede mo akong tulungan, ungas?” Nilingon naman ako ng puro tattoo na babaeng kapitbahay s***h takbuhan kapag sa mga ganitong raket ang usapan. Hindi ito nagsalita agad at humithit muna ng yosi bago ako tapunan ng tingin. “Makaungas ka, a,” anang babaeng patpat ang katawan. Sobrang payat, may sakit pa sa baga. “Alam kong gipit ka rin, kaya lang wala akong maibibigay sa iyo na raket ngayon. Wala pang naghahanap ng tauhan.” Nanlumo agad ako sa narinig. Ngayon pa lang ay inaatake na ako ng panghihina. Barya na lang ang natira sa pera ko dahil ipinambili ko ng gamot ni Tatay kanina sa drug store. “Ah! Kung papayag ka na raw pala, nandiyan lang si Bogart na naghihintay. Madatung iyon! Nakadali sa bebot niya kahapon. Tiyak bibigyan ka!” Gumuhit ang ngisi sa labi nito nang banggitin iyon. Nangapal ang batok ko at agad na nandiri. No way! Kupal si Bogart, ayoko roon. Palaging amoy higaan, lakas pa mambabae. Nakasimangot akong umalis sa tapat ni Osang matapos magpaalam. Diretso ako sa bahay namin na walang katao-tao. Sinalubong ako ng mga anak ni Rosalinda na sina Rossie, Rosa, at Rose. Tuluyan na itong nagpaampon sa akin, pati mga anak niya ay hindi ko na natanggihan dahil kawawa naman. Nangunsumi ako noon dahil ayokong dumami nang dumami sila kaya noong mabalitaan ko na may libreng kapon daw sa mga pusa, dinala ko silang lahat doon ilang taon na ang nakararaan. “Babies ko!” magiliw kong sigaw at pinagbubuhat ang mga matatanda nang pusa. Tatlo na lang silang mga anak ni Rosalinda na natira sa akin. Pumanaw ang iba, at si Rosalinda ay tuluyan na ring pumanaw noong nakaraang taon sa hindi ko malamang dahilan. Basta ko na lang naabutan na wala na siyang buhay sa maliit kong kuwarto. “Gutom na ba kayo? Sorry, wala pang pera si Mommy, e,” kausap ko sa mga ito habang patungo sa kusina. Padilim na sa labas pero wala pa rin si Tatay. Tiyak na iba na naman ang inaasikaso nito sa labas kasama ang mga kumpare niya. “Meow, meow!” “Halaaa!” bulalas ko at pinakatitigan si Rossie. Inilapit ko ang tainga sa tiyan nito nang marinig iyon na kumukulo. “Gutom na nga! Sorry, sorry!” Ibinaba ko ang mga ito na nakasampa sa balikat ko bago tumakbo palabas. Dali-dali akong bumili ng pagkain ng pusa sa kalapit na tindahan kahit gipit na gipit, sabay bili na rin ng tuyo at itlog para pang-ulam ko mamaya at ni Tatay. “Mga alaga mo lang ang tumataba sa inyo, a,” biro ni Aling Linda nang mapansin ang slim kong katawan. Ito ang may-ari ng tindahan ng mga pagkain at supplies para sa mga hayop.  Tinawanan ko lang ito bago umuwi. Sa bahay ay naabutan ko si Tatay na nakauwi na pala. Bagsak ito sa kawayang upuan at naghihihilik na. Napakamot tuloy ako ng ulo bago maghanda ng hapunan namin. Mukhang hindi na makakapaghapunan si Tatay dahil bagsak na ito sa kalasingan. Wala namang bago. Sinisira niya pa rin ang katawan niya. Sa gabing iyon ay mag-isa lang akong kumain sa maliit na mesa. Lalo lang iyong lumiit simula nang mawala rito ang dalawa kong kuya. Kahit naman batugan ang mga iyon at sakit sa ulo ay nami-miss ko pa rin sila at ang ingay nila. Kaya lang, wala akong magawa. Iniwan na nga ako ng mga kuya ko, iniwan pa ako ni Rosalinda na saksi sa mga pinagdaanan ko simula noong senior high ako. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko nang lubos ang mga naiwan sa akin na mga anak ni Rosalinda at poprotektahan. Ayokong mawalan ulit ng mahal sa buhay sa bahay na ito, ayokong maging mag-isa ulit sa pakiramdam. Buntong hininga akong nahiga sa papag ko na wala man lang kutson. Gabi-gabing kalbaryo dahil ang sakit sa katawan ng higaan ko, pero as usual, wala akong magawa. Katatapos ko lang kumain at maglinis ng sarili kaya naisipan kong magpahinga, katabi ang tatlo na nakasiksik sa akin at agad na nakatulog. Pag-open ko ng social media ay agad na nangunot ang noo ko nang mapansin na may nag-add sa akin na mukhang foreigner. Hindi ko alam kung bakit ito nag-friend request, e, ang tanging profile picture ko lang naman doon ay ang mga alaga ko na mukhang ewan ang mga hitsura. Nasa labas kami niyon dahil naisipan kong tumambay sa palayan tapos sumunod sa akin ang tatlo. Natulog sa kandungan ko kahit pa siksikan sila sa laki dahil kain, tulog at laro lang naman ang ginagawa. Si Rosa na hindi na kasya sa kandungan ko ay sumampa na lang sa balikat ko. Nag-selfie ako niyon nang hindi kita ang mukha, hanggang leeg lang kasama ang mga hita. Kita roon na parehong nakatihaya ang dalawa sa kandungan ko habang nakanganga. Literal na nakanganga kaya hanggang ngayon ay natatawa ako sa photo na iyon. Anyways, ini-stalk ko ang profile ng foreigner na nag-add sa akin. Kinilig pa ako dahil mukhang mayaman. Ang profile kasi nito ay lugar sa hindi ko alam kung saang bansa. Basta halatang hindi rito sa Pilipinas. Parang private property iyon tapos maraming puno. Ang ganda ng lugar. Tapos may itim na aso na nakaupo sa gitna ng litrato na hindi ko alam kung anong breed. Tasty breed ata. Basta mukhang yayamanin pati ang aso dahil ang ganda ng colar nito at may leash pa na nakalapag sa magandang kalsada. Nang tingnan ko ang info nito ay nalaman kong taga-Spain pala. Wala masiyadong patungkol sa kaniya, wala ring ibang picture maliban sa profile picture niya. Gab Fernández . . . Agad kong in-accept. Nang tingnan ko ang wall nito ay walang kalaman-laman. Tsk. Boring. Nang ambang papatayin ko na ang data ay saka naman nag-appear ang mensahe ng foreigner. Hi! Isang simpleng hi lang iyon, pero bakit bigla akong kinabahan? Ilang segundo kong tinitigan ang mensahe nito, bago naisipan na magtipa ng sagot. Hello! Agad-agad na nag-reply ang porenger na ikinangisi ko. How are you, Maria? Naks. Linyahan talaga ng mga porenger na manyakol. Hinintay ko pa na masundan ng Do you need money, honey? ang reply nito pero wala. Napasimangot tuloy ako bago muling magtipa. I’m good, Gab. How about you? Imbis na sagutin ang pangungumusta ko ay iba ang sagot nito na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan. I miss you . . . The hell? Na-miss niya agad ako? E, kakakilala pa lang namin. Ayos si Sir, a. Napangisi ako nang may maisip. Hey, I need money for my father. He is sick and has lung cancer. Hahalakhak na sana ako nang ma-send iyon, kung hindi ko lang nabasa agad ang reply niya. How much do you need? Seryoso ba siya? Mukhang yayamanin nga. Any amount will do. With crying emoticon pa para mas dama niya ang lungkot ko. Scam-in ko kaya ang gurang na ito? Maalam naman ako pagdating sa pagiging scammer. Sideline namin iyon ng mga kapitbahay kong gaga at gago. Pero napasimangot ako nang hindi na ito mag-reply. Tsk. Akala ko magugulangan ko na. Tulad din pala ng iba na nawawala na kapag sinabi kong need ko ng pera. Pinatay ko na ang luma at gasgasing cellphone at natulog. Kinabukasan ay nagising ako nang kagat-kagatin ng mga pusa ang paa ko. Itinago ko na sa ilalim ng kumot ang mga paa ko, pero ayaw pa ring tantanan. Simangot ako nang bumangon. Lintek. Kung hindi ko lang sila mahal ay napitik ko na ang pwet ng mga ito. Tuyo lang ang inulam ko ng umagang iyon at hindi naman sila puwede niyon kaya kahit nagtitipid sa cat food ay iyon ang ipinakain ko sa kanila. Iyong nabili ko kagabi. Naligo ako at nagbihis. Magbabaka sakali na may makuha akong raket sa kung saan-saan. Isang fitted jeans at t-shirt na itim lang ang isinuot ko. Iniwan ko sa bahay ang mga alaga bago magtungo sa car wash na negosiyo ng kapitbahay namin. Sa bayan iyon kaya nilakad ko pa kahit patirik na ang araw. “Veronica my loves!” Umagang-umaga ay nasira agad ang araw ko. Hindi ko pinansin si Bogart na anak ng may-ari nito. May nililinis itong kotse kaya hindi makalapit sa akin. Dumeretso ako sa tatay ni Bogart at sumaludo rito. “Dito muna ako, Mang Gary, a? Kailangan ko ng pera, e.” “Sige lang. Walang problema,” ngiting anito bago magpaalam na may gagawin pa. Naupo ako sa gilid at naghintay ng customer. Naisipan ko na magbukas ng social media, kaya lang nag-message na naman iyong porenger. Good morning Morning Are you mad? Napahinga ako nang malalim. Ano namang ikagagalit ko? No, I am just busy right now. Working. Where do you work? Car wash Tipid ang sagot ko. Agad kong pinatay ang phone nang may humintong sasakyan. Inasikaso ko iyon, hanggang sa sunod-sunod ang naging customer namin. Alas ocho na nang makauwi ako sa amin. Ngingiti-ngiti ako dahil nakabili ako ng galunggong sa palengke para sa mga pusa. May nabili rin akong gulay para may ulam kami mamaya. Nakatitig lang ako sa cellphone ko matapos mabasa ang tanong ni Gab kung busy pa raw ba ako. Naisipan ko na i-seen lang iyon bago nagmamadaling umuwi. Madilim sa bahay pag-uwi ko. Naabutan ko si Papa na nanonood ng telebisyon habang panay ang ubo. Hirap ito sa paghinga dahil sa sakit. Saglit akong napatitig dito, kalaunan ay mariing napapikit dahil nahihilo na ako sa problema. Hindi ko alam kung saan kukuha ng panggastos sa gamutan ni Tatay. Ilang buwan na simula nang malaman namin na may cancer ito sa baga nang maisugod sa hospital. Nahihirapan kasi itong huminga at ang plema ay may kahalo nang dugo. Wala ring tigil ang pag-ubo. Gustuhin ko mang ipagamot ito para maagapan, ang kaso ay hindi ko magawa. Walang-wala rin ako. Napahinga na lamang ako nang malalim bago magtungo sa kusina kahit na hindi pa nakakapagpalit ng damit. Agad kong pinakain ang mga alaga dahil alam kong gutom na rin sila. Ihahanda ko na sana ang mga sangkap nang makarinig ako ng ingay sa sala. Kakaiba ang tunog ng ubo ng aking ama. Sunod kong narinig ang pagtawag nito sa pangalan ko sa hirap na boses. Bigla tuloy akong binalot ng kaba at dali-daling nagtungo rito. At ganoon na lang ang gulat ko at pagragasa ng matinding takot nang makita ko ang dugo sa kamay nito na ipinantakip sa bibig. “Tay!” Nanginig ang kalamnan ko sa takot. Takot na baka bigla na lang ding kuhanin sa akin si Papa. Ayoko, ayokong mangyari iyon. Luhaan ang aking mga mata nang tunguhin ang labas para manghingi ng tulong. Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi ko na nasundan pa. Basta ang alam ko lang ay hindi na makahinga ang ama ko. Pinagtulungan ng mga kaibigan ni Papa ang ama ko upang isakay sa tricycle. Sumama ako roon na hindi maawat-awat ang pag-iyak dahil sa takot. “Tay, huwag mo akong iiwan, ha? Magpapagaling ka, ha? Ayokong maiwan dito mag-isa!” kausap ko rito na patuloy na nagtataas-baba ang dibdib. Tila isang punyal na tumarak sa dibdib ko ang tanawing iyon. Nasasaktan ako kapag ganito siya, na nahihirapan siya at parang unti-unting binabawian ng buhay sa harapan ko. Ala una na at naririto pa rin ako sa kuwarto na kinalalagyan ni Tatay. Tulog na ito, samantalang ako ay hindi man lang dinadalaw ng antok. Wala na ang kaninang mga hikbi ko, tuyo na rin ang mga luha sa pisngi. Pinoproblema ko naman ngayon ay kung paano kami makababayad sa bayarin dito sa ospital. Wala pa naman akong pera. Nanlalata kong idinukdok ang mukha sa mga braso at huminga nang malalim. Doon ko lang naisipan na magbukas muli ng social media. Nagtaka pa ako nang pagbukas ko ay nag-chat agad iyong Gab na foreigner. Bilis naman ng radar nito. Lagi sigurong online. Ayaw ko na sana itong pansinin, kaya lang ay baka makautang ako rito ng kahit kaunting pera, tutal mukhang mayaman naman siya. Hey, why are you still awake? Napahinga ako nang malalim sa tanong nito. Bakit ba chat pa ito nang chat? Hindi ba siya nakakatunog na balak ko lang siyang perahan? Tanga ba siya o ano? Can’t sleep. Why? I’m at the hospital with my father. He’s sick. Sa kawalang magawa ay p-in-icture-an ko ang papa ko, pero ’yong bandang paanan lang at i-s-in-end sa kaniya. Matagal bago ito nakapag-reply. I will lend you money. Hope your father will be okay. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Magre-reply na sana ako kaya lang ay nag-offline na ito. Natulala tuloy ako sa tatay ko habang hindi makapaniwala. Pauutangin talaga ako ng lalaking iyon? Seryoso ba siya? Ni hindi man lang kinuha ang number ko, full name, at iba ko pang detalye? Papaano siya makakapagpadala sa akin? Duda ako roon. Hindi naman niya ako kilala nang lubos para padalhan ng pera. Haler? Kagabi ko lang siya nakilala! Isa rin atang scammer iyon! Hindi ko na lang iyon sinagot at dumukdok na lang muli. Doon na rin ako nakatulog hanggang sa sumapit ang alas ocho ng umaga.  Tulog pa rin si Papa kaya naisipan kong umuwi muna para magluto ng pagkain. Hindi ako nakakain kagabi kaya nananamlay sa gutom ang katawan ko. Kahit pagod at puyat ay inasikaso ko ang kakainin namin. Nauna ko nang pinakain ang mga alaga habang hinihintay na maluto ang gulay na kagabi ko pa dapat lulutuin. “Maria my loves!” Bagot kong nilingon si Bogart na bigla na lang pumasok. Sasamaan ko na sana ito ng tingin kung hindi lang ito humahangos na lumapit sa akin. “Na ano ka?” Sarap talaga pasabugin ng mukha nito. “May naghahanap sa iyo sa labas! Naka-tsikot!” “A-Ano?” lutang na naibulalas ko. Sino namang naghahanap sa akin na nakakotse? Wala naman akong atraso, a?! Bigla ay kinabahan ako. Iniisip kung ano bang kalokohan ang ginawa ko nitong mga nakaraan. Pero wala naman. Kahit kinakabahan ay nilabas ko iyon. Bumungad sa akin ang magara na itim na kotse. May isang lalaki na nakatayo sa tabi niyon, nakapormal ang suot. Sa paligid ay nakaabang na ang mga Mosang na panay ang bulungan kung sino iyong lalaki. “Sino ka?!” ’Di ko naman ito kilala! Baka sindikato! Natigilan lang ako nang bahagya itong yumuko sa akin. Lumapit ito sa kinalalagyan ko na ikinaatras ko. “May ipinabibigay ho sa inyo. Puwede ho ba akong pumasok?” Mukha namang mabait. Pero ano namang ibibigay? Hindi kaya, may secret admirer ako na billionaire tapos baliw na baliw pala sa akin? Ito na ba ang senyales na aahon na ako sa hirap? Kahit nag-aalangan ay pinapasok ko ito. Pasimple ko pang kinuha ang tubo sa tabi ng pinto at itinabi iyon sa upuan ko. Humalukipkip ako nang mag-iwas ito ng tingin at pumormal ang mukha. May kinuha ito mula sa dalang bag, saka inabot sa akin ang isang sobre na tila makapal ang loob. May umbok kasi iyon. “Ano naman ang gagawin ko rito?” tanong ko na hindi binubuksan ang sobre. Tipid itong ngumiti bago sumagot. “Para ho sa ama ninyo, Ma’am. Pinabibigay ho.” Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. “S-Sino? Sino ang nagpapabigay nito?” Isang pangalan lang ang lumabas sa isip ko. Gayunpaman ay hinintay ko ang sasabihin nito. Isa lang naman ang taong nagsabi sa akin na pauutangin niya ako. “Si Sir Gab ho, Ma’am. Bayaran ninyo na lang daw siya kapag mayroon na kayong pambayad . . .” Tulala ako kahit hanggang sa umalis iyon. Takang-taka ako kung paano nalaman ng Gab Fernández na iyon ang address ko. F-Foreigner iyon, a? Bakit may tauhan dito sa bansa? Ganoon ba talaga iyon kayaman? Ikiniling ko ang ulo, at nang matauhan ay saka ko lang naalala ang niluluto. Mabuti na lang at hindi nasunog. Matapos kong kumain ay naghanda ako ng dadalhin para kay Tatay. Pasimple ko ring binuksan ang sobre. Manginig-nginig pa ako nang makitang makapal na libuhin iyon, bagong-bago pa at malutong. Shet! Mayaman nga talaga ang Gab na iyon! Nang bilangin ko ay umabot iyon ng one hundred thousand. Takte, paano ko naman ito mababayaran sa kaniya? Baka abutin pa ng dekada bago ko maibalik sa kaniya ang pinautang niya! Teka, may balak pa ba akong ibalik ito? Wala rin naman akong maibabalik sa kaniya! Marahan kong sinapo ang noo at muling napaiyak. Naligo ako matapos niyon at nagpalit ng damit. Kahit magulo ang isip ay nagawa ko pa ring bumiyahe papunta sa hospital. Binayaran ko na agad ang mga dapat bayaran. Hanggang sa umusad nang umusad ang mga araw. Halos makalimutan ko na ngang mag-open ng social media dahil masiyado akong naging busy kay Papa at sa sideline ko. At saka, para iwasan na ring makita ang messages niyong Gab. Inuubos ko ang oras para makaipon nang makaipon. Alam kong hindi kakasya ang pinahiram na pera ng Gab na iyon dahil bukod sa gamutan ni Papa ay nais ko ring makalipat ng bahay na maayos-ayos. Gusto ko na ng maalwang buhay, hindi ganito na laging problema ang pera at ulam. Letche. “Maria my loves, sahod mo!” Halos maghugis-puso ang mga mata ni Bogart nang pagkaabot nito sa akin ng sahod ko ay pasimple nitong hinaplos ang kamay ko. Pinigil ko ang sarili na bangasan ito at ngumiti lang nang matamis. “Salamat!” Karipas ako ng takbo paalis doon. Alas diez na kaya nahahapo na ako at nais ko nang mahiga at magpahinga. Sa sala ng bahay ay naabutan ko si Papa na natutulog sa mahabang kawayang upuan. Napatitig pa ako sandali sa litrato ng kambal kong kuya na nakasabit sa pader, makaraan ay napailing-iling sa sarili. Kailan kaya sila makakalaya? O talaga bang makakalaya pa? Buntong-hininga kong inasikaso ang mga alaga bago magpahinga. Linggo kinabukasan kaya hindi ako pumasok sa trabaho. Inasikaso ko lang si Papa at naglaba ng mga damit. “Kapag ako yumaman, magkakaroon na rin kayo ng sariling kuwarto. Tapos hindi kayo mauubusan ng cat food,” kausap ko sa mga anak ni Rosalinda na pinanonood ako habang naglalaba. Nginisian ko ang mga ito. “Hahanap ako ng mayaman para instant agad, okay? Saka ako magpapatayo ng negosiyo. Hintay lang kayo.” May namumuong masamang balak sa isip ko. Kaya siguro ako minamalas sa buhay dahil sa pagiging demonya ko, pero bahala na. “Miss Veronica?” Agad nawala ang ngisi kong iyon nang may maulinigan na boses na nagmumula sa sala ng bahay. Pamilyar. Daglian akong naghugas ng mga kamay upang mawala ang bula at dahan-dahang umikot papunta sa unahang parte ng bahay. Pagsilip ko ay naroon na naman iyong pamilyar na kotse ng sugo niyong Gab. Lintek! Ilang araw ko na nga itong iniiwasan at pinagtataguan, hindi pa rin pala tumitigil. Hindi ako pumasok ng bahay at nanatili lang doon sa gilid. “Miss Veronica?” Mariin kong naipikit ang mga mata sa kaba. “Ikaw na naman?!” Boses na iyon ni Papa. Mukhang nagising dahil sa tinig ng lalaki. “Ah, magandang araw po, Sir. Hinahanap ko po si Miss Veronica.” “Ano na namang kailangan mo sa anak ko?! Umaakyat ka ba ng ligaw?!” Kinagat ko ang hintuturo at lalong kinabahan. Sana sabihin ni Papa na umalis ako. “Ahm, pasensiya na ho, Sir. Hindi po ako umaakyat ng ligaw. Sinugo ho ako rito ng amo ko upang makausap si Miss Veronica.” Matagal bago nakasagot si Papa. Mukhang napagtanto rin nito na may ginawa na naman akong kagagahan kaya nagsinungaling siyang nasa trabaho ako. Para akong nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan. Saka lang ako lumabas at sinilip ang labas ng maliit naming gate. “Huy! Lagi ka na lang pinupuntahan niyon, a? May atraso ka?” Si Kimmy na lumapit sa akin na may kinakain na fishball. Ngumiwi ako rito at umiling. “Wala! Manliligaw ko iyon na makulit. Ilang ulit ko nang b-in-asted pero nagpaparamdam pa rin,” kunwaring inis kong turan na ikinatawa nito. “Aba, e, baka senyales na ito na aahon ka na sa hirap, girl! Mukhang yayamanin iyon, ha!” Tinawanan ko lang ito. Hanggang sa dumaan pa ang ilang araw. Halos isang buwan ko ring pinagtaguan iyong Gab at ang sugo niya. Alas siete y media ng gabi, naghihintay pa rin kami ng customer sa car wash. Katabi ko si Bogart na panay ang talak at puri sa akin. Ewan ko kung bakit hindi ito napapagod. Nagsasayang lang siya ng laway dahil wala akong kainte-interes sa kaniya. Halos magtatatalon ako sa tuwa nang may dumating na tsikot. Magara, mukhang bagong-bago. Agad akong tumayo at iniwan si Bogart para makawala na ako sa ingay niya. Kinuha ko ang mga gamit panglinis sa tabi nang biglang bumaba ang driver. Gumilid ito at namaywang kaya hindi ko na pinansin pa. Nag-umpisa ako sa trabaho, ingat na ingat pa ako sa tsikot na magara. Tahimik lang naman ang customer namin. Pero nabanas ako nang lumapit sa akin si Bogart para tumulong kahit kaya ko naman na. “Kapag naging tayo, hindi ka na maghihirap pa sa kalilinis ng sasakyan, Maria my loves. Pangako,” dakdak ni Bogart na palihim kong inismiran. Kung hindi lang ito anak ni Bossing, kanina ko pa ito binangasan. “Neknek mo, Bogart. Babaero ka naman.” “Ikaw nga, tanggap kita kahit hindi ka nagbabayad ng utang,” parinig nito kaya nginisian ko ito. Sa hindi sinasadya ay napalingon ako sa tahimik na customer. Tiningala ko ito dahil matangkad. At ganoon na lang ang pagkatigil ko nang mamukhaan ito. What the hell? Ano ang ginagawa ng isang Gabriel Marquez dito? Jojowain—este ang pogi pa rin nito. Lalong tumangkad at lumaki ang katawan. Nakahalukipkip ito habang nasa akin ang mga mata. Para akong natuyuan ng lalamunan sa napagtanto. Iyong lalaki na b-in-asted ko noon, iyong rich kid na palagi akong nililibre, iyong lalaki na ginawa ang lahat para lang makuha ang loob ko kahit na tarantada ako, pero sa kabila niyon ay nagawa ko pa rin siyang hindi piliin. Pero tama naman ang ginawa ko dahil bata pa ako noon. Wala pa akong interes na magkarelasiyon. Pero shet, nakakailang! Tulad ng dati ay mukha pa rin itong tahimik at matinong lalaki. Wala nga lang kaemo-emosiyon ang mukha. Pero ’yong mga mata nito, nangingislap iyon sa hindi ko malamang dahilan. Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Binanlawan ko ang kotse nito para maalis ang sabon. Nang matapos ay lalo akong nailang. “Okay na, boss,” dinig kong wika ni Bogart nang mapatalikod ako sa sobrang kaba. Shit talaga. Galit kaya siya sa akin? O naka-move on na siya? Nang humarap ako ay naabutan ko itong kumukuha na ng pera sa wallet nitong itim. Libuhin ang pera na nasilip ko roon kaya napalunok ako nang wala sa oras. Yaman talaga. “Here, keep the change.” Isang libo ang inabot niya kay Bogart. Napangisi tuloy ang babaero at tuwang-tuwa nang pumasok sa loob kung nasaan ang ama niya. Naiwan ako roon na nakatanga, hindi alam ang gagawin. Nang mag-angat akong muli ng tingin dito ay nahuli ko na naman itong nakatitig sa akin. Kanda lunok naman ako. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nang abutan ako nito ng limang libo. Malulutong at mukhang bagong-bago. Shet! “Tip,” maikling aniya kaya para na naman akong naugat sa kinatatayuan. Tip?! “S-Salamat.” Kanda utal pa ako. Shet, ang bango pa rin talaga. Daglian kong isinuksok sa bulsa ng pantalon ang pera. Mahirap na. Baka biglang magbago ang isip niya. “Anong oras ang alis mo rito?” Sa seryoso nitong mukha ako napatitig. “H-Ha? E, mamayang alas diez pa.” Napatango naman ito at namulsa. “Puwede ba kitang makausap? Let’s have a dinner somewhere.” Malumanay ang boses nito. Lalo akong napatanga rito. Dinner? At ano ang pag-uusapan namin?! Iyong nakaraan?! “M-May trabaho pa ako, uhm, ano, Gabriel.” “Ako na ang bahala,” pilit pa nito kaya nangunot ang noo ko. “Kailangan ko ngang magtrabaho ngayon dahil may sakit si Tatay ko. Kulit mo, a!” Hindi ko alam kung bakit biglang lumambot ang ekspresiyon nito. Dahil siguro sa awa. Teka, bakit naman ito maaawa sa akin, e, gaga ako? “I’ll pay your night, just give me your time, please?” Napanganga ako. Pero dahil pera rin iyon, hindi na ako nagpatumpik-tumpik boom tarat-tarat. Pinasakay ako nito sa kotse matapos makapagpaalam kay bossing. Sa isang restaurant niya ako dinala kaya naman nagkislapan ang mga mata ko sa tuwa. “So, how’s your life now? Ang tagal din nating hindi nagkita,” paninimula niya habang naghihintay kami ng in-order. “Eto, nagpapakasipag masiyado para sa ama. Wala na kasi ang dalawa kong kuya, e. Ikaw?” Walong taon din kaming nagkahiwalay. Wala na akong naging balita sa kaniya simula nang gr-um-aduate na siya sa school namin. “I went to Spain after graduation. Doon na ako nanirahan kasama ang grandparents ko. Last year lang din ako umuwi rito para rito na manirahan.” Tumango-tango ako. “Ah, may asawa ka na?” Natigilan ito sa tanong ko. Iniwas nito ang tingin bago isandal ang likod sa sandalan ng upuan. “Wala pa akong nagiging girlfriend.” Ako naman ang nabigla sa sinabi nito. Wala pa siyang nagiging girlfriend?! E, treinta na siya, a! “U-Uhm.” Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ang awkward. “By the way, what happened to your brothers?” “Nakulong,” buntong-hininga kong sagot na ikinagulat nito. “Sorry to hear that, Veronica,” kagat-labi niyang wika na nginitian ko lang. “So, ikaw na lang ang bumubuhay sa inyo?” dagdag pa nito. Nahahapo akong tumango, saka uminom ng juice. Para akong pinanunuyuan ng lalamunan habang kausap ko ito. “Oo, e. Sideline-sideline, ganoon. Naka-graduate naman ako, pero hindi ako nagtatagal sa mga pinasukan ko noon na magagandang trabaho. Lagi akong natatanggal dahil laging palpak ang performance ko at pasaway pa raw.” Napailing ito sa huling sinabi ko. Natahimik lang kami nang dumating na ang order namin. Tamang-tama dahil hindi pa ako naghahapunan. Puro mga karne ang pinag-o-order ko dahil iyon ang minsan ko lang makain. Whew! Hindi ko na nga halos napansin si Gabriel dahil sa pagkatakam at gutom. Kaya nang matapos ay ngingiti-ngiti ako sa pagkabusog. Hay! “Maraming salamat dito, a? Sana maulit,” biro ko na may halong parinig na ikinatawa nito. Tumango ito. “Sure.” Pagkababalik namin sa kotse niya ay halos gusto ko nang matulog. Ang lamig kasi, sinabayan pa ng pagod ko. Ang pag-andar pa ng sasakyan ang tila nagduduyan sa akin.  “Veronica?” “Hmm?” Humilig ako sa upuan at ninamnam ang lamig na nanunuot sa kasukasuan. “Why aren’t you answering my messages?” “Ha? Nag-message ka ba sa akin?” “Gab Fernàndez, the guy who messaged you before.” Balikwas ako agad sa kinauupuan. Nanlalaki ang mga mata ko nang linggunin ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. A-Anong—what the hell? Siya iyong pinagkamalan kong foreigner?! Dinagsa ako ng kaba. Nakatunog ba siya na wala akong balak ibalik ang pera niya?! “I’ve been waiting you for almost a month now, Veronica. Hindi ka nagre-reply kaya personal na akong lumapit sa iy—” “A-Ah, ano, bababa na pala ako.” “We are in the middle of the road. Bakit mukhang balak mo akong takasan?” Doon na ito nagseryoso. Humigpit ang hawak nito sa manibela matapos magtiim-bagang. Lalo tuloy akong kinabahan. Nakatunog na nga siya! Shet! “D-Diyan na lang ako,” halos pabulong kong turan pero hindi ako nito pinansin. “Matapos kitang pahiramin ng pera, hindi mo na ako papansinin? Ilang beses ko ring pinapunta ang tauhan ko sa inyo pero lagi kang wala. I have screenshots and evidence, Veronica.” Doon pa lang sa sinabi nitong screenshots at ebidensiya, nangatog na ako sa kaba. Mukhang napansin naman nito ang takot sa mukha ko na pasimple nitong ikinangiti. “Kung ayaw mong idemanda kita, don’t ignore me and my messages. Huwag mo akong pinagtataguan. Once you provoke me, tapos na ang usapan. You understand, hmm?” Patay ka, Veronica. This time ay hindi ka na makakatakas pa sa utang . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook