Kabanata 3

3079 Words
Veronica ANG BANGO. Ang bango-bango ng sasakyan ni Gabriel. Amoy mayaman, hindi amoy katarantaduhan at amoy barumbado tulad ng iba. Ang swabe rin ng takbo niyon at ang gara tingnan. “Iyo ba itong sasakyan?” imik ko rito habang tinatahak namin ang daan papunta sa mall sa siyudad. Marahang tumango ang lalaki at tipid na ngumiti. “Yep.” “Talaga? Sa edad mong ’yan, nagmamay-ari ka na ng tsikot? Wala ka pala sa akin, e!” Napalingon naman sila pareho sa akin. Nagtataka. “Bakit?” anang Gabriel. Ngumisi ako. “At the age of eighteen, marami na akong naipong sama ng loob. You hear me? Sama ng loob,” gigil kong turan na ikinatigil nito. Nangasim ang aking mukha at isinandal ang likod sa sandalan bago humalukipkip. “Nakakainis ang buhay,” asar kong dugtong saka napahinga nang malalim. Sino ba naman ang hindi maiinis kung laging problema ang pera at pagkain? Nakakakain lang ako nang matino kapag may sahod. Bakit kasi iniwan niya kami? Aanak-anak siya tapos hindi niya pala kayang panindigan! Sino ang nahihirapan ngayon? Kaming mga anak niya! Naletse na ang lahat. Sabi ni Papa, mayaman siya. Galing siya sa mayamang angkan ng mga Alonzo. Kamag-anak niya ang nanay ng pinsan kong si Thylane. Pero bakit ni singkong duling ay hindi siya makaabot sa aming mga anak niya? Bakit hindi man lang siya nagpapakita? Bakit pinabayaan niya kami? Samantalang mapera naman siya! Napasimangot tuloy ako nang maisip ko na naman ang taong iyon. Naku! Kapag nakaharap ko talaga iyon, susumbatan ko! “Bakit? May problema ba?” alalang tanong ni Gabriel na ikinabalik ko sa kasalukuyan. Napailing na lang ako nang mawalan ng gana. Kainis. Naisip ko na naman ang frustrations ko sa buhay, nawala tuloy ang excitement ko. Pagdating namin sa mall ay napako roon ang tingin ko. Bihira lang akong makatungtong dito kaya para akong ignorante. Sa sinehan kami dumeretso kaya nanumbalik ang excitement ko. Nilibre kami ni Gabriel ng popcorn at drinks kaya nagpasalamat kami ni Kimmy. “Tara, dito tayo.” Sa bandang gitna kami naupo. Madilim sa loob kaya muntik pa akong masubsob sa likod ni Gabriel nang mapatid ang paa ng upuan. Pagkaupo namin ay agad akong sumimsim sa inumin. Nasa kanan ko si Gabriel at sa kaliwa naman si Kimmy. Ewan ko ba at naiilang ako sa lalaki lalo na at napapansin ko ang madalas na pagsulyap at titig nito sa akin. “Are you alright?” Muntik ko nang mailabas sa ilong ang iniinom. Mabuti at napigilan kong maibuga. Nilingon ko ang lalaki na kanina ay hindi ko matingnan nang diretso. “A-Ano, oo. Okay lang ako.” Okay lang naman talaga ako. Naiilang lang sa kaniya. “Okay. Just tell me if you need something,” mahinahong aniya na ikinatigil ko. Ibinaling na nito ang tingin sa harapan nang mag-umpisa na ang palabas. Pero ako, naiwan akong tulala sa kawalan. Alam ko. Alam na alam kong may kakaiba sa kabog ng dibdib ko sa mga oras na iyon. Pero imposible namang magkagusto agad ako rito, e, ilang araw pa lang kaming magkakilala. Nababaitan lang siguro ako sa kaniya. Palihim kong kinaltukan ang sarili. Huwag na huwag kang lalandi sa murang edad, Maria. Naku! Iaahon mo pa sa kahirapan ang pamilya mo! Patutunayan mo pa sa mga kapit-bahay mo na may pangarap ka! Teka, ano ba ang pangarap ko? Ni ang balak ko ngang kuhanin na kurso sa kolehiyo ay hindi ko pa alam! Ayoko namang huminto sa pag-aaral dahil gusto kong patunayan sa sarili ko at sa iba na makakapagtapos ako, na makakailag ako sa teenage pregnancy. Kahit iyon lang sana ang maipagmalaki ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Nang magmulat ay itinuon ko na ang atensiyon sa palabas. Romance pala iyon. Tungkol sa babaeng dukha na inibig ng isang mayamang lalaki. Pero tutol sa kanila ang pamilya ng lalaki dahil sa tabas ng mukha at pag-uugali ng dukhang babae ay mukha raw itong gold digger at malandi. Nag-init pa ang ulo ko sa pamilya ng lalaki dahil napakamatapobre. Mabuti na lang at mabait ang lalaking bida at matino. Tss. “Bakit kaya ganoon, ano? Kadalasan sa mga palabas, matapobre ang magulang ng lalaki. Niyuyurakan ang pagkatao ng mga dukhang bidang babae dahil lang sa ayaw nilang makapangasawa ng mahirap ang anak nila,” daldal ko na hindi naman inimikan ni Gabriel. Tipid lang itong ngumiti, ngunit may bahid ng lungkot ang mga mata. “Kain muna tayo bago gumala,” anito mayamaya at siya na ang namili ng kakainan. Wala naman kaming reklamo ni Kimmy dahil si Gabriel naman ang gagastos. Sa isang sikat na kainan kami pumasok. Ginutom din ako bigla nang maamoy ang chicken na iniihaw. Alas ocho y media na at kaunti lang din ang nakain ko sa bahay kanina. Nilubos-lubos ko na ang kabaitang taglay ni Gabriel dahil nagpadagdag ako ng halo-halo roon. Sobrang sarap ng manok nila roon kaya parang heaven. Simot na simot ko ang pagkain. “Ano pala ang kukuhanin mong course sa college?” tanong nito habang inuubos namin ni Kimmy ang halo-halo. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko pa alam. Baka Bachelor of Science in Albularism na lang ang i-take ko if no choice.” Mula sa maamo nitong mukha ay napalitan iyon ng pagtataka. “I never heard of that course. May ganoon ba?” Pinigil ko ang tawa at siniko si Kimmy na nagpipigil din. “’Di mo alam? Pag-aalbularyo ’yon, tangek!” Hindi ko na napigilan ang tawa nang mapansin ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Mukhang hindi pa rin ma-gets ang joke. Sa huli ay sumuko na lang ito at napakamot na lang ng ulo. Tuluyan na kaming humalakhak ni Kimmy at nag-apir. Sarap naman asarin nitong Gabriel. Para ring walang muwang sa mundo. Lunes na Lunes, binulaga kami ng quiz ni Sir sa panghuling subject namin. Umugong tuloy ang reklamo ng mga kaklase ko, habang ako ay napapakamot na lang ng ulo. Paano, mag-uuwian na nga lang ay may pahabol pang quiz. Nanghingi na lang ako ng papel kay Kimmy bago dumukdok sa desk. Tinaktak ko ang ballpen sa kanto ng desk habang bagot na hinihintay ang question. Natulala pa ako sandali sa bintana habang napapabuntong-hininga. Pagkatapos nito, another four years na naman ang aatupagin ko. Ilang buwan na lang bago ang graduation namin. Kailan kaya ako aahon sa kahirapan? Nang mag-umpisa ang quiz ay itinutok ko na roon ang atensiyon. Mabuti na lang talaga at nagre-review ako palagi. Kahit naman gaga ako, masipag naman akong mag-aral. Ayoko lang maging pasang-awa. “Gagi! Perfect sa quiz si Maria, a!” dinig kong wika ni Allen sa unahan at ngumisi sa akin. Nagbelat ako rito. “Siyempre! Beauty and brain ito, ’no! Unlike sa iba riyan, puro liptint,” parinig ko sa grupo ng mga babae na laging inaatupag ang liptint, puro palakol naman ang grades. Nag-init naman agad ang bumbunan ng leader ng mga liptint na may mukha. “Hoy! Naghahanap ka ba ng away, Maria Poorita?” Mabuti na lang at nakaalis na ang teacher namin. Gusto kong magbanat ng buto ngayon, e. Lalo na at nanggigigil ako sa pagmumukha nila. Paano, e, kanina pa ako pinagtsitsismisan patungkol kay Gabriel! “Oo! Bakit? Papalag ka ba sa akin?” sagot ko rito sa paraang maangas. Napatayo naman ito kaya kunwaring inawat ng mga muchacha niya. “Oo, kaya kitang palagan! Bakit, sino ka ba rito?” Kita kong gigil na gigil ito sa akin kaya napangisi ako. Iyon naman ang goal ko kapag nakikipag-away, ang maimbyerna sila at atakihin sa puso sa sobrang galit. Tinawanan ko ito nang nang-iinsulto. “Kaya pala ang pangit mo. Mga chaka lang kasi ang pumapalag sa tulad ko, e,” pang-aasar ko pa. Pinagmumura ako nito sa sobrang galit. May sumigaw pa na tama na ’yan, uwian na! pero walang pumansin. “Wow, ha! Ikaw nga ang pinaka-chaka rito, e! Walang nanay kaya maaga lumalandi!” bato nito. Nang-aasar ko itong tiningnan. Nagtawanan pa kami ni Kimmy dahil maging ito ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Hanie. “Ha, talaga ba? Edi shing! Ni hindi ka nga ma-nominate bilang muse mula elementary hanggang senior high, e! How sad naman.” Nagtawanan ang mga kaklase namin sa sinabi ko. Totoo naman, e. Never pa itong nasali sa muse. Ako lagi ang pinipili, walang palya mula pa noong elementary ako. Nagulat na lang ako nang umugong ang kantyawan kaya napatingin ako sa mukha ni Hanie. Namumula na ang mga mata nito kaya natawa ako. “Hala, iyakin amporkchop! Pangit mo umiyak, tanga!” pang-aasar ko pa bago bitbitin ang mga gamit. Tawang-tawa naman si Kimmy sa tabi ko at ginatungan pa ng pang-aasar kaya lalong sumakit ang puso ni Hanie. “Kita mo naman ang mukha niya kanina, ’di ba? Asar na asar sa akin, e!” pagyayabang ko kay Kimmy na tatawa-tawa pa rin hanggang ngayon. Dito kami nagkakasundo, e. Sa kagagahan sa buhay. “Grabe nga, e! Lakas mo talaga magpaiyak!” papuri nito kaya nagpa-cute ako sa kawalan habang ngingiti-ngiti. “Tss. Ako pa ba? Maliit na bagay lang iyon, ano! Kung hindi mo pa alam, I was trained in hell. Muntik ko na ngang mapatay sa gigil ang sarili kong demonyo, e. Sabi ko sa kaniya mukha siyang demonyo . . .” Tumigil ako nang may makita. Pagkalabas pa lang namin ng building nang tumama na ang tingin ko Gabriel na naroon na naman nakatindig kasama ang mga pinsan at kaibigan niya. “Libreng lunch ulit?” ngising tanong ko na ikinangiti ni Gabriel nang nahihiya. Kinantyawan naman ito ng mga kasama niya at nagtawanan. “Oo sana, e. Okay lang ba ulit?” Naman! Okay na okay! Sumama kami rito ni Kimmy na napapalakpak sa tuwa. Hindi kasi tulad noong una kaming niyaya ni Gabriel, aayaw-ayaw pa ako dahil banas ako sa lalaki. Pero ngayong nae-enjoy ko na ang panlilibre nito, go na ako. Tulad ng mga nakaraan, nanlibre sa lahat si Gabriel at walang anumang reklamo. “Mahiyain ’yan si Gab pero pagdating sa iyo, nilalakasan lang ang loob,” anang Lucio na pinsan ni Gabriel habang nagbabayad sa counter ang lalaki. Napalingon tuloy ako kay Lucio at kinunotan ito. “Bakit?” Ngumisi ito bago inguso ang walang kaalam-alam na lalaki. “Malalaman mo oras na umamin siya sa iyo.” Ano ang aaminin? Kating-kati ang dila ko na itanong iyon, kaya lang ay nakalapit na si Gab sa table. Isang makahulugang tingin ang ibinigay sa akin ni Lucio bago tumikhim. “Kain ka na,” anang Gabriel sabay lapag ng in-order nitong Sinigang. Nagtaka pa ako nang mapansin na ang daming kangkong doon. Parang kangkong na may kaunting Sinigang. Napatikhim naman ito nang mapansin ang kunot kong noo sabay iwas ng tingin. “Don’t you like it? Puwede namang alisin ang kangkong kung ayaw mo.” Mahina akong natawa nang marinig ang bulong ni Josiah na kasama ni Gabriel sa counter kanina. “Request ni Gab na damihan ang gulay kanina para maging healthy ka.” Isang siko ang natanggap nito mula kay Gabriel na tila nahiya. “Okay lang, wala namang kaso sa akin,” wika ko na lang bago kumain. Ilang minuto kaming walang imikan doon upang makakain nang maayos. Sarap na sarap pa ako sa kinakain dahil bukod sa libre, talagang na-miss kong kumain ng ganito. Madalas kasing tuyo, itlog, isda o talbos na sinabawan lang ang nakokonsumo ko sa bahay. “Uuwi ka na ba agad mamaya?” imik ni Gabriel matapos kong uminom ng tubig. Mabagal akong tumango. “Oo, bakit?” Napatikhim ang mga kasama nito at pigil ang mga ngiti. Binalingan ko naman si Gabriel na napahawak sa batok. “Uhm, wala ka bang gagawin mamaya?” Umiling ako kahit nagtataka sa gusto nitong iparating. “Wala naman.” Wala naman akong gagawin sa bahay maliban sa mabuwisit doon. Napangiti ito at lalong namula sa hiya. “Puwede ba kitang yayain gumala? I, mean, kayo ni Kimberly,” aniya na hindi na makatingin sa akin. Gala? Saan naman kami gagala nito? Mataman ko itong pinagmasdan, bago bumuntong-hininga. “Sige, saan ba? At saka, wala na ba kayong klase?” pagtataka ko. Ang alam ko kasi ay lunch pa lang ng mga college students ang uwian naming mga senior high. Umiling ito habang nakangiti na. “Wala kaming klase ngayon kaya gusto kong gumala . . .” “ . . . kasama si Veronica,” sabat ni Josiah at umubo-ubo kunwari. Nagtawanan tuloy ang mga ito, habang ako ay nagwe-weirdo-han sa kanila. Pulang-pula naman si Gabriel at pigil na pigil ang ngiti. “Don’t mind them. Mga siraulo ’yan.” Lalong nagtawanan ang mga kasama niya kaya napakamot na lang ako ng ulo. “Oo nga pala. May pupuntahan kami ni Mama mamaya kaya hindi ako makakasama sa inyo, Mare. Kayo na lang dalawa ni Gabriel ang gumala,” sabat ni Kimmy kaya nanlaki ang mga mata ko. Hala, gaga! Muntik ko nang mahatak ang buhok nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. “Ano? Gusto mo sapok?” Hilaw itong tumawa sabay tayo kaya hindi ko na nahatak ang braso para paupuin ulit. “Hindi nga! Talagang may pupuntahan kami ni Mama mamaya,” ngingisi-ngisi nitong turan na halos ikaatake ng puso ko. Pakiramdam ko ay tumaas ang presyon ng dugo ko kahit hindi naman ako high blood. “Sige na, Mare! Bye-bye na!” aniya na agad na lumayo. Ngumiti ito kay Gabriel habang kumakaway. “Salamat pala sa libre, ha! Pakiingatan na lang si Maria kasi hindi mahal ng nanay niya ’yan!” Isang pamatay na tingin ang ibinato ko rito habang tatawa-tawa itong naglalakad palayo. Gustuhin ko mang sumunod ay parang hindi kaya ng mga paa ko dahil sa mga tingin na ibinibigay sa akin ni Gabriel. Bakit ganito? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko pagdating sa kaniya? “Una na kami, pre,” paalam pa ng mga kasama nito at tinapik siya sa balikat. Nang balingan nila ako ay tinawanan nila ako dahil sa hindi maipintang mukha ko ngayon. “Enjoy your date with my cousin, Miss Ganda. Don’t worry, good boy naman iyan si Gabriel,” anang Kian na sinamaan ko rin ng tingin. Nang mawala sila sa paningin namin ay napatingin ako kay Gabriel na nahuli kong ang ganda-ganda ng ngiti habang tulala sa mukha ko. Natauhan ito bigla nang tumikhim ako at nag-iwas. “Tara,” aniya at nagmadaling niligpit ang mga pinagkainan. Itinapon niya iyon sa basurahan bago ako yayaing umalis. Paglabas pa lamang namin ng gate ay bumungad na ang grupo ni Hanie na naghihintay ng jeep na masasakyan. Nanlaki pa ang mga mata nila nang mapansin kung sino ang kasama ko. “What the hell? Ang kapal talaga ng mukha niya!” rinig kong gigil na turan ng isang muchacha niyang si Grace. Napa-hair flip tuloy ako sabay halukipkip. “Hoy, Maria Poorita! Hindi pa ako tapos sa iyo sa panlalait mo sa akin kanina, ha!” sigaw ni Hanie sabay takbo paakyat sa jeep na huminto. Nag-dirty finger pa ito sa akin na tinaasan ko lang ng kilay. Oh, e, bakit nagmadaling pumasok sa jeep? Kung makabanta, akala niya nakakatakot siya. Durugin ko kaya lahat ng liptint niyon. “Who’s that?” imik ng katabi ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa kung saan. Iiling-iling ako habang nasa unahan ang atensiyon. “Kaklase ko lang. Kaaway na rin.” Natawa ito. “Inaaway ka?” “Parehas lang naming inaaway ang isa’t isa. Pero madalas sila ang nag-uumpisa ng iringan.” Gigil kong sinipa ang bato na nadaanan. “Ano ba ang pinag-aawayan ninyo?” usisa pa nito. Really? Gusto niya talagang malaman ang isang pinakawalang kwentang bagay sa mundo? Umismid ako sa kawalan. “Tsismosa kasi iyon. Sinasabi niya lagi na malandi ako at kung ano-ano pa. Kaya ayun, nilalait ko rin siya, lalo na ’yong mukha niya.” Wala naman kaming matinong debate ni Hanie, puro lang laitan ng mukha at pagkatao. Ako? Kahit ipangalandakan niya pa na malandi kuno ako at hindi mahal ng nanay, hindi ako nasasaktan dahil matigas na ang mukha ko. “Iwasan mo na lang sa susunod na makipag-away. Baka saktan ka nila,” mahinahon niyang turan pero hindi ako pumayag. Pagak akong natawa sabay turo sa sarili. “Ako? Iiwas sa away? E, nananalaytay na sa dugo ko ang away, e!” Natahimik naman ito at hindi na sumabat. Nang mapadaan kami sa ihawan ng manok ay tumigil ito kaya napahinto na rin ako. Nilingon niya ako sabay ngiti. “Gusto mo ba ng lechon manok? Hapunan ninyo mamaya kung sakaling wala pa kayong ulam,” nahihiya na naman niyang turan. Napatigil tuloy ako rito. Seryoso ba siya? Una, tanghalian ko lang ang nililibre niya. Ngayon naman ay pati hapunan na? Sobra-sobrang biyaya naman ata ito. “Seryoso ka ba? Ililibre mo ako ng ulam?” Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung ipipilit niyang ibili ako ng lechon manok, aba, hindi ko tatanggihan iyon! “Yeah, ayaw mo ba?” “May sinabi ba ako, pogi? Tara na nga!” Ako na ang humila rito palapit sa lechunan. Agad itong um-order ng isang buong manok kaya natuwa ako. Natawa ito habang napapailing. “Did you just call me pogi?” aniya na para bang kinikilig. Noong Sabado na nagtungo siya sa palengke ay tinawag ko naman siyang pogi, pati na ni Kimmy. Pero ngayon lang nag-react. “Oh, bakit? Ayaw mo bang tawaging pogi?” pang-aasar ko rito na ikinangiti nito nang nahihiya. Napahaplos ito sa batok sabay iwas ng tingin. “It’s just that, galing kasi sa iyo,” halos bulong na nitong turan pero nakaabot pa sa pandinig ko. Pinaningkitan ko tuloy ito ng mga mata. Bakit ba ito hiyang-hiya sa akin? Gaanon ba talaga ako kaangas tingnan? Char! “Alam mo, ilang taon ang agwat mo sa akin pero nahihiya ka pa sa tulad ko. Ako nga dapat ang nahihiya rito dahil para kang manyak minsan kung tumingin sa akin,” taas-kilay kong sambit na ikinatigil nito. Mukhang napagtanto rin nito ang bagay na iyon. “Sorry, I didn’t mean . . .” Ikinumpas ko ang kamay kaya nahinto ito. “Okay lang. Hindi lang naman ikaw ang tumitingin nang ganiyan sa akin . . .” Gumalaw ang tingin nito papunta sa akin. Pero sa hindi inaasahan ay nakita kong nandilim ang mukha nito na ikinatulos ko sa kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD