“BAKIT NGAYON LANG KAYO?” tanong ni Leo sa kanyang mag-ina. Inalalayan niya si Pinky dahil medyo hirap ito sa pagbubuntis. “Naipit kami sa traffic,” sagot ni Asuncion sa kanya. “Gusto niyo lang pala kumain kailangan pa libutin natin ang buong Manila,” sabat ni Pinky na nakataas ang kilay. Hindi niya na lamang ito pinansin. “Pinky!” saway ni Asuncion sa kanyang anak. “Hayaan mo na,” wika niya kay Asuncion sabay pisil sa pang-upo nito. “Ang pilyo mo!” saway sa kanya ni Asuncion kaya napangiti siya. “Dito pa talaga kayo maghaharutan,” nakangiwing saway ni Pinky sa kanila. “Kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom,” wika niya sa mag-ina niya. Pagpasok nila sa restaurant ay nakahanda na ang pagkaing inorder niya. Nauna kasi siyang dumating sa naturang restaurant kung saan sila dapat n

