Cristopher's POV
Hindi na namin naabutan at napigilan si Illie dahil pagkadating namin ay ang pagtalon na niya. Halos nalungkot ang lahat ng kaklase namin dahil wala na siya. Pati naman ako malulungkot sa pagkawala niya. Hindi man ang Class Murderer ang may gawa, Pero sinisisi ko pa rin ang lahat sa kanya. Kung hindi lang siya dumating at patayin ang mga kaklase namin ay hindi rin yun nagawa ni Illie.
"Ako nga pala si Detective Harrison! Ako ang mag-iimbestiga sa mga nangyari!" Pakilala ng isang di kilalang lalaki sa harapan namin na may kasama pang ibang mga pulis. "Maaari ko ba kayong matanong kung ano ang posibleng nangyari sa kaklase niyo at tumalon siya galing sa rooftop?" Bungad niya sabay kuha ng isang maliit na notebook at isang ballpen galing sa kanyang belt bag.
Pinatawag niya kami isa-isa sa labas ng classroom namin at tinanong kami ng mga tanong na maaring magbigay sagot sa dahilan kung bakit tumalon si Illie. Di niya alam section namin!
"Nasabi ng iba mong mga kaklase na kasama mo raw yung tumalon mong kaklase bago siya namatay? Totoo ba ito?" Tanong niya ng seryoso sa akin.
Tumingin ako ng diritso sa kanyang mata at sinagot nalang ang tanong niya.
"Totoo na kasama kami. Doon sa clinic. Kasi nawalan siya ng malay at binuhat lang namin siya, kasama ang isa kong kaklase patungo sa clinic. Di ko na alam ang mga sumusunod na pangyayari dahil wala na akong alam." Sagot ko sa kanya.
Isinulat lang niya ang mga sinagot ko sa kanyang papel. Di ko namalayan na galing pala siya sa "Kingsman Police Department" nung hindi ko nakita ang badge sa kanyang damit.
Doon din nagtatrabaho Papa ko bilang isang pulis, Pero wala na akong paki sa kanya kasi simula noon iniwan niya na kami ni Mama para lang sa kabit niya. Kaya nga simula noon, Sinabi ko sa sarili ko na kailangan irespeto at igalang ang mga kababaihan kasi hindi natin alam kung ano ang mga sakit na pinagdadaraanan nila. Pero ang salang nagawa ko ay hindi mapapatawad ng diyos.
"Salamat sa sagot mo iho! Maaari ka nang bumalik sa loob ng classroom mo." Wika pa niya habang chinecheck up pa rin isa isa ang mga sagot ng mga kaklase namin sa kanyang maliit na notebook.
Agad naman akong bumalik sa loob at doon nakita ko ang mga kaklase ko na nanginginig habang hawak hawak ang mga cellphones nila.
"Anong nangyari sa inyo?" Pagtataka ko.
"Cris, Tingnan mo Phone mo dali!" Utos ni Ryle sa akin.
Agad ko namang kinuha ang phone ko sa aking bulsa at nakita ko na may isang unread message at pagbukas ko nito ay tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba.
Carlos' POV
"May alam ka ba o rason kung bakit tumalon ang inyong kaklase?" Tanong ni Detective Harrison sa akin na nakatingin pa rin sa kanyang notebook na para bang nag ready lang na maisulat ang magiging sagot ko.
"Wala po akong alam." Tanging sagot ko at bumalik na ako sa loob ng silid namin at umupo sa aking armchair. Agad naman na tinawag si Cristopher ni Detective Harrison palabas.
Nagdadrama na naman ang mga tao ngayon dito sa classroom dahil sa nangyari kay Illie. Puro iyakan dito, iyakan doon ang naririnig ko. Ang iingay nila. Sobra silang OA. Kung ako pa sa kanila ay tanggapin nalang ang lahat, Dahil alam namin na kahit anong oras ay mamamatay kami. I love to see blood, But I'm not the murderer.
Sa totoo lang, Lahat na nangyayari sa amin ngayon ay di ko talaga ibinalewala kasi kung oras ko na, Edi oras ko na! Wala namang makakapigil kay kamatayan eh. Pero hindi ibig sabihin na pag oras ko nang mamatay ay di ako lalaban. Ofcourse naman lalaban ako hangga't makakaya upang mabuhay lang. Ang matira matibay kaya no! Kung kakailanganin kong pumatay ng tao para mabuhay, Gagawin ko. Pero depende naman yun sa lahat ng mangyayari.
"Oyy Carlos, Ba't ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Joshua na katabi ko.
"Wala lang! Bawal ba?" Sarkastiko kung sagot sa kanya ng hindi ko man siya nililingon.
"Ahh ok" Tugon niya at bumalik na siya sa pakikipag-usap kay Kenedy.
Maya-maya pa'y kinuha ko ang phone ko sa aking backpack para magbasa ng w*****d ng biglang nag vibrate ang ito at may nakalagay na "1 unread message".
"Ano to?" Narinig kong tanong ni Sarah. "Ano ibig sabihin nito?!"
Dali-dali ko naman binuksan ang mensahe na sinend.
"Receipient: 09121113689
Message:
"Surprises and Boxes,
Confettis and Parties,
Once you open, Blood will reveal to everyone! So now, Prepare, Cristopher, For you are the next one.
P.S. RIP Illie good job for killing yourself!
-Class Murderer ♡"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Wtf?! Ano to? Napatingin ako sa lahat na merong halong pagtataka sa kanilang mga mukha, At obvious na natanggap din nilang lahat ang mensahe na natanggap ko dahil nanlalaki din ang kanilang mga mata katulad ko.
"Si Cristopher na ba ang isusunod?" Wika ni Ryle na lingon lingon pa sa buong kaklase namin.
"Kaninong number ba to?" Tanong naman ni Sharmaine. "Ba't nakareceive na ako ng message sa Class Murderer na sinasabi niyo?" Dagdag pa niya na nakaguhit ang pagtataka sa kanyang mukha.
Maya-maya nama'y pumasok na si Cristopher sa room na nilibot pa ang kanyang tingin sa room namin. Batid kong nagtataka siya sa kanyang nakita, Dahil lahat ng kaklase namin ay nanginginig habang hawak hawak ang mga cellphones nila.
"Anong nangyari sa inyo?" Pagtataka niya.
"Cris, Tingnan mo Phone mo dali!" Utos sa kanya ni Ryle.
Agad niya namang kinuha ang phone niya sa kanyang bulsa sa pantalon at lumaki ang kanyang mata sa kanyang nakita.
"I-Ikaw na daw ang isusunod, Cris!" Pautal na wika ni Kenedy na halong may kaba ang kanyang boses.
Napatingin nalang si Cristopher kay Ryle ng may maluluhang mata.
"Bago pa man mahuli ang lahat, May kailangan muna akong isabi sa inyong lahat. May pagkakasala akong nagawa." Napayuko nalang siya at pumunta sa harapan.
Cristopher's POV
2 years ago
"Ayaw ko na sayo! Maghiwalay na tayo!" Sigaw ni Papa kay Mama habang nag-iimpake siya sa kanyang mga gamit sa isang maleta.
"Huwag mo naman akong iwan. Nandyan pa si Cristopher, Paano na ang anak mo? Ang anak natin? Kailangan niya ng ama!" Maluhang luhang suhestiyon ni Mama kay Papa na pinipigilan pa niyang mag impake si Papa.
Nandito lang ako sa kwarto ko nakikinig sa kanila habang umiiyak. Yakap na yakap ang aking unan at isinubsob ko ang mukha ko dito. Puro lang hikbi ang maririnig sa buong kwarto ko. Pero di naman mapapansin sa labas ng kwarto ko kasi nagsisigawan na si Papa.
Biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Anak? Si Mama mo ito, Pwede mo bang buksan ang pinto mo?" Halatang nababasag ang boses ni Mama.
Agad ko namang binuksan ang pinto at kita ko na umiiyak pala si Mama. "Umalis na ang papa mo Anak. Pasensiya ka na at di ko siya napigilan ha? Sorry talaga Anak." Wika pa niya na pinunasan pa niya ang kanyang luha.
"Okay lang yan Ma. Okay lang yan." At niyakap ko nalang siya ng mahigpit at kaming dalawa'y umiyak.
~~
Kinaumagahan, Pagpasok ko sa eskwelahan ay agad akong binati sa girl bestfriend kong si "Zoe" at napansin niyang namamaga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong pa niya na may pagtataka sabay patong ng kanyang braso sa aking balikat.
"W-Wala.. Napapuyat lang ako kagabi, Kaya ayun." Pautal kong sabi na pinilit ko pa ang ngumiti.
"Ahh ganun ba?" Wika pa niya sabay alis sa kanyang braso sa aking balikat. "Anyway, Punta ka sa birthday ko this friday, Okay?"
Nginitian ko siya at tumango nalang sa aking ulo. Di pa niya alam sa mga nangyari kagabi. Excited naman akong makapunta sa bahay nila, Kasi di ko pa namemeet ang parents niya o nakapunta sa kanila. Dito lang kami sa school palaging nagkakakita.
~~
Nalulungkot man sa pag-alis ni Papa para lang sa kanyang kabit ay napagsiyahan ko nalang na pumunta sa birthday ni Zoe, Tutal inimbitahan niya naman ako eh. Magpapakasaya ako kahit masakit.
"Happy Birthday Zoe!" Bati ko sa kanya habang inaabutan siya ng regalo na naglalaman ng kanyang paboritong pink shirt.
"Salamat, Cris! Mabuti naman at nakapunta ka dito. Akala ko hindi eh. But anyway, Thanks again." Wika niya sabay ngiti ng matamis.
Ang cute at maganda siya sa kanyang suot na bestida na kulay purple at pink, At kasabay pa sa kanyang hairstyle na pina bun. Ewan ko pero parang matatameme talaga kung sino mang lalaki ang titingin sa kanya dahil sa kanyang taglay na kagandahan plus magandang kalooban, Complete package na.
Maraming nagkakagusto sa kanya pero ni-isa ay wala siyang nagustuhan haha, Ayaw niya daw kasing masaktan eh. In short, NBSB siya!
"Uii Cristopher, Okay ka lang ba?" Tanong niya na napakunot pa ang noo. "Parang natameme ka yata? Ano bang nangyayari sayo?"
"A-Eh wala, Nawala lang yung utak ko lumipad kasi eh." Rason ko habang nagkakandautal pa dahil natataranta.
"Ang weird mo talaga!" Tumawa siya ng malakas at hindi niya inisip ang mga tao sa kanyang paligid. "Tara, Ipapakilala kita sa Mommy at Daddy ko! Sasabihin ko sa kanila na ikaw ang bestfriend na tinutukoy ko!" Dagdag pa niya sabay hatak sa aking kamay.
"Ma! Pa!" Tawag niya sa kanyang mga magulang. Bigla namang nagpakita ang kanyang Mama.
"Ma, Ito po si Cris, Yung bestfriend ko na sinasabi po palagi sa inyo." Pakilala niya sa akin sa kanyang mama. Nahihiya man ay nakipag shake hands nalang ako.
"Nice to meet you po." Bati ko.
"Likewise, Cristopher! Salamat sa palaging nandyan para kay Zoe!" Ngumiti lang ang kanyang mama ng matamis.
"Saan po si Papa?" Tanong niya.
"Andun siya sa kusina-Oh andyan na nga pala siya eh." Sagot niya.
Nabigla ako sa nakita ko nung tumayo na ang Papa niya sa tabi ng kanyang mama. Gusto ko sana magwala, Gusto ko sana mura-murahin ang lalaking nasa harapan ko. Pero di ko magawa dahil kaharap ko rin ang bestfriend ko. Pero, Di talaga ako makapaniwala... Ang Papa niya ay ang Papa ko...?
Nanlaki ang kanyang mga mata pagkakita sa akin at pilit na hindi tumingin sa akin ng diritso. Pwede naman dapat akong umalis pero ang tanging ginawa ko nalang ay makipag shake hands nalang din sa kanya. "Nice to meet you sa'yo!" Pilit kong ngumiti.
"O-Oo s-sayo din.." Napautal siya.
Pagkatapos sa nangyari ay agad na akong umalis sa birthday party ni Zoe ng walang naiwang rason.
~~
"Cristopher!" Tawag niya sa pangalan ko habang ako'y patuloy na naglalakad sa hallway patungo sa classroom. "Pansinin mo naman ako oh! Ano bang nagawa ko sa'yo?" Dagdag pa niya na para bang pansin na sa kanyang boses na naiiyak na siya. "Sabihin mo naman sa akin kung may nagawa akong kasalanan. Ayaw kong mawala ka na bestfriend ko... Please lang... Pansinin mo ko."
Bigla akong napatigil sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Cristopher, May nagawa ba akong di mo nagustuhan?" Tanong pa niya na hihikbi hikbi pa.
"OO!" Sigaw ko sa kanya. "Inagaw mo ang Papa ko!" Dagdag ko pa.
Halatang nagtaka siya sa kanyang narinig. "A-Ano ba ang ibig mong sabihin?"
Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya ng parang matulis na kutsilyo ang aking mata na nakakamatay dahil sa galit sa kanyang malanding ina at sa kanya! Oo galit ako sa kanya!
"Pshh! Kung hindi mo alam! Malanding yang Mama mo! Baka kahit sino-sino nang lalaki ang pinapatulan niya no?" Napangisi ako ng nakakaloko.
"Hindi malandi Mommy ko! Wag mong isali ang Mommy ko dito!" Paglalaban pa niya habang tinuturo ako. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo Cristopher! Bigla kang nagbago!"
"Kung hindi malandi ang Mama mo! Sana hindi dapat ako nawalan ng Ama! Kung hindi mo alam, Yang lalaking tinuturing mong Ama mo ay hindi sayo! Papa ko siya, Zoe! At sasabihin mo pang hindi malandi amg Mama mo? Psh!" Sambit ko sa kanya ng todo at kulang nalang masabi ko lahat ng mga masasamang salita na pwede kong ilabas sa bibig ko at hindi ko na pala namalayan na nasampal ko na siya. Sinampal ko ang isang babae? Hindi naman ako bakla, Pero nadala lang ako sa aking emosyon.
Namula ang kanyang pisngi dahil sa pagkakasampal ko sa kanya ng malakas. "S-Sorry kung ganun man ang nangyari, Cristopher.. S-Sorry..." Pautal niyang wika na umiiyak na ng todo habang hinawak ang kanyang pisngi. "D-Di ko alam... Sorry kung nasaktan ko ang pamilya niyo... Ang pamilya mo... S-Sorry..." Pahikbi hikbi niyang dagdag.
Wala na akong paki sa mga susunod pa niyang sinabi at umalis nalang ako.
~~
Nang dahil sa galit ko kay Zoe at sa kanyang Mama ay naglasing ako, Wala na akong paki! Gusto ko nang ibaon lahat sa pag-inom ng alak! Ayaw ko na tong letseng buhay to! Ba't pa kasi sa lahat ng babae na kakabitin ng Papa ko ay sa Mama pa ng bestfriend ko?! Shet naman oh! May galit na akong dinadamdam para kay Zoe ngayon shet! "Pakyo Zoe!" Sigaw ko.
Habang naglalakad ako pauwi ng lasing at may dala dala pang isang bote ng alak sa aking kaliwang kamay ay nagbublur na ang paningin ko pero di pa rin ako tumitigil sa paglalakad.
"Cristopher?.." Rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses na nakatayo sa harapan ko.
"Zoe?.." Wika ko.
"Ba't ka naglasing? Ano bang ginawa mo at nagkaganyan ka?" Tanong pa niya na para bang walang alam. Letche ka!
"Alam mo Zoe..." Panimula ko na lasing na talaga ang tuno ng boses ko. "Minahal kita! Pero bestfriend lang ang itinuring mo sa akin! Ang manhid manhid mong tao ka! Nasaktan mo pa ako nung nalaman kong kabit pala ng Papa ko ang Malandi mong Ina! Pakyo ka!" Wika ko sa kanya at agad akong ko siyang nilapitan at sinakal ng mahigpit.
"C-Cris...topher... P-Please... M-Maawa ka..." Wika niya na kinakaya ang lahat para makawala lang sa pagkakasakal ko sa kanya. Napaluha na siya pero parang di ko to inisip at ang inisip ko ay patayin nalang siya wala na akong paki sa kanya! Wala akong bestfriend na Aagawin ng kanyang Mama ang aking Papa!
Pagkatapos ay ihinagis ko siya sa lupa na nagdulot ng pagkabagsak sa kanyang ulo at dumugo pa. "Wala ka nang kawala, Zoe! Kung hindi ko to magawa sa Mama mo, Ay ibabalik ko to sa iyo! Pasensiya, Pero di matatahimik ang kaluluwa ko pag nabubuhay ka pa!" At ngumisi pa ako ng nakakaloko.
Pumatong ako sa kanya at hinatak ko ang bote ng alak.
"S-Salamat sa lahat Cristopher... D-Di kita makakalimutan... B-Bestfriend pa rin tayo diba? A-At sorry kung i-inagaw ko ang Papa mo. S-Sorry..." Mga huling salita na binitawan niya pero dahil wala ako sa matinong pag-iisip ngayon ay di ko yun isinaulo na mga salita dahil galit lang ang nagpapalibot sa puso at isipan ko sa mga oras na ito. At sa isang iglap ay hinampas ko ang bote sa kanyang ulo ng paulit ulit hanngang sa nabagok ito na may marami pang mga dugo ang lumabas at nawalan na nga siya ng malay ng tuluyan at patay na.
~~
"Lahat ng ginawa ko noon ay pinagsisihan ko at di ko makakalimutan ang bestfriend ko. Sa totoo lang sobra ko na siyang namimiss. Sana hindi ko na lang ginawa ang ginawa ko sa bestfriend ko. Alam kong mali, Alam kong napadala lang ako sa galit noon, Sana di ko na ginawa pa ang lahat ng yun..." Naiyak ako habang nagsalita sa harapan sa ginawa kong pagkakasala noon.
Kitang kita ko ang pagkagulat ng lahat ng kaklase ko at meron din ibang naluha, Pero alam kong nagbago na ang paningin nila sa akin. Tanggap ko lahat ng yun. Kaya nga, Itinago ko ang ginawa kong pagkakasala para makapagsimula ng bago at para marespeto ko na ang mga kababaihan bilang kapalit sa nagawa kong pagkakasala.
Agad akong tumakbo palabas ng classroom ng umiiyak. Handa na akong mamatay dahil nasabi ko na sa kanila ang ginawa kong pagkakamali. Okay na sa akin mamatay.
Naramdaman ko nalang na may humampas sa ulo ko ng isang matigas na bagay na para bang stick bago ako namalan ng malay.
Third Person's POV
Kinabukasan, Dahil sa lahat ng nangyayari kahapon sa Section 11P1 tungkol sa pag amin ni Cristopher sa kanyang nagawa ay di pa rin silang makapaniwala. Alam nilang masakit ang pinagdaanan ni Cris pero mali pa rin ang ginawa niya sa kanyang bestfriend.
Ng makapasok ang lahat sa classroom ay may nakalapag sa table na isang gift box.
Binuksan to ng mayor nila at sumigaw nalang ang lahat dahil sa kanilang nakita.