Chapter 017: Fall

1559 Words
Cristopher's POV Natataranta kami kasi nawalan na naman ng malay si Illie. Agad naman namin siyang tinulungan at binuhat namin siya ni Cool patungo sa clinic. Pagkapasok namin sa clinic ay nabigla si Nurse Yolei ng nakita niya na naman si Illie ng walang malay. "Napapadalas ng nangyayari sa kanya yan ah?" Wika niya ng kalmado habang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit sa amin. "Ano bang nagyari?" "Hindi po namin alam, Miss." Pangungunang sagot ni Cool. "Bigla nalang naming nakita siya na nakahiga na sa sahig ng walang malay." Sumang-ayon nalang din ako kay Cool at tumango nalang din sa aking ulo. "Ahh ganun ba?" Pagpapakompirma ni Nurse Yolei. "Sige patulugin niyo muna siya diyan. I'm sure dahil sa init ng panahon siguro yan." Dagdag pa niya. Alam naman namin na hindi yan siguro ang rason kung bakit nahimatay si Illie. Sigurado akong may rason pang iba na kung bakit siya nawalan ng malay. Umupo nalang kami ni Cool sa mga upuan na katabi sa clinic's bed habang si Nurse Yolei ay bumalik sa kanyang mesa at patuloy sa kanyang pagsusulat na mga kahit ano. Nakadungaw lang ako ngayon sa kisame habang iniisip ang sobre na naglalaman ng mga larawan ng mga taong nagkasala. Alam ko namang malaking pagkakamali ang nagawa ko noon, Pero lahat ng yun pinagsisihan ko na. Ayoko na ngang maalala ulit pa yun eh. Napabuntong hininga lang ako ng malalim at hindi namalayan kung ano na nangyayari sa aking paligid. "Cristopher!!!" Tawag ni Cool sa aking pangalan ng malakas na para bang may problema. Nabalik ako sa realidad at tiningnan ko si Cool ng pagtataka. "Bakit ba?" Tanong ko na napakunot pa ang aking noo. "Si Illie!!" Napasigaw siya. Tiningnan ko yung hinihigaan niya at nakita ko na wala na talaga siya sa kama. "Saan siya?!" Pag-aalala ko. "Pumunta siya sa rooftop, Sinundan siya ni Nurse Yolei! Kanina pa kita tinatawag pero di ka naman nakikinig sa akin!" Pagpapahayag niya na para bang umiinit na naman ang ulo niya. "Tara!!" At lumabas na kami sa Clinic na nagtatakbuhan patungo rooftop. Cool's POV Naupo kami ni Cristopher sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Illie. Kainis kasi eh! Ba't ko pa babantayan ang babaeng to?! Ano bang nangyayari sa kanya at madalas na siyang nahihimatay?! OA at kadramahan niya siguro to?! Pakshet naman! Dahil wala akong ibang magawa at bantayan nalang siya hangga't magising siya ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang si Cristopher naman ay nakadungaw sa kisame na parang may malalim na iniisip. Kaya ayun, Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Ba't nasa rooftop ako?! Teka! Sino yun?" Pagtataka ko habang may isang babae na hahakbang pa ng kaunti ay mahuhulog na talaga siya patungo ground floor. Maraming tao ang naghihiyawan para bumaba ang babae, Pero tila wala siyang marinig. Nababaliw na ata siya? Papakamatay ba siya?! Lumingon siya ng kaunti at si Illie pala ang babae na tatalon. Pipigilan ko sana siya sa kanyang gagawin pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bang nakapako ako sa aking tinatayuan. "ILLIE!!" Sigaw ko pero di ko mailabas ang aking boses. At don' nakita ko na tumalon na nga siya ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at nagising nalang ako ng gisingin ako ni Nurse Yolei sa kanyang boses na malakas pero kinakabahan. "Cool, Si Illie pumunta sa rooftop!!" Sigaw niya ng pabigla habang lumabas siya sa clinic at dali-dali na tumakbo patungo sa rooftop. "Totoo pala yung panaginip ko?" Pagtataka ko sa aking sarili. Tiningnan ko naman si Cristopher na nakatitig pa rin sa kisame. Talaga naman oh! Ano bang nangyayari sa kanya at wala siya sa kanyang sarili?! "Cristopher!!!" Sigaw ko sa kanyang pangalan ng paulit ulit. "Bakit ba?" Tanong niya na napakunot pa kanyang noo. "Si Illie!!" Sigaw ko. Tiningnan muna ni Cristopher ang kama na hinigaan ni Illie kanina at tiningnan niya ako ng pagtataka. "Saan siya?!" Pag-aalala niya. "Pumunta siya sa rooftop, Sinundan siya ni Nurse Yolei! Kanina pa kita tinatawag pero di ka naman nakikinig sa akin!" Pahayag ko sa kanya na para bang nang-iinit na naman ang ulo ko dahil sa inis. "Tara!!" At lumabas na kami sa Clinic na nagtatakbuhan patungo rooftop na parang mga aso. Illie's POV "Huwag, Bea! Di ako ang pumatay sa'yo!" Wika ko habang nahihirapan dahil sinasakal na naman niya ako. Natatakot ako sa kanya. Wala siyang ulo. Pero alam kong katawan ni Bea yun dahil kitang-kita ko ang bracelet na binigay ko sa kanya noon. "Ikaw ang pumatay sa akin, Illie! Kailangan mo ring mamatay! Mamatay ka!" Paulit ulit niyang sabi habang idiniin pa niya ang pagsasakal sa akin. Di na ako makahinga. Nanghihina na ako. Di ko na kaya. Wala na akong ibang magawa at sumuko nalang dahil hindi ko na kaya ang pagsasakal niya sa akin. Nang parang nawawalan na ako ng hininga ay nagising na lamang ako na nakahiga sa isang kama at parang nasa clinic ako?... Di ko naalala ang mga nangyari kung bakit ako nandito, Ang naalala ko lang ay nawalan ako ng malay, So, Dinala ako nila.....? Napansin ko na katabi ko ay si Cristopher at Cool na nakaupo sa mga upuan na katabi sa kamang hinihigaan ko ngayon. Pawis na pawis ako dahil sa bangungot na iyon, Talagang di pa yata ako tinatantanan sa kaluluwa ni Bea. Ako pa rin ang pinagbibintangan niya sa kanyang pagkamatay kahit hindi naman ako ang pumatay sa kanya. Simula kasi noong pagkamatay niya ay palagi na akong binabangungot at minsan nakikita ko siya na lumalapit sa akin sa twing nasa klase. Baliw na kung baliw! Pero natatakot talaga ako.. "Oh Illie gising ka na pala.." Wika ni Nurse Yolei na lumapit pa sa akin habang ako'y umupo ng bahagya sa higaan. "O-Oo nga po eh.." Pautal kong sabi habang nakangiti sa kanya. "Mabuti naman..." Dagdag pa niya sabay ngiti ng matamis at bumalik sa kanyang mesa. Gugulatin ko na sana si Cristopher na nakadungaw sa kisame pero bigla ko nalang nakita ang katawan ni Bea na nasa dulo ng kama na hawak hawak ang kanyang ulo. Duguan lahat siya. At guso't na ang kanyang sinusuot na uniform. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Bigla nalang niya hinatak ang kanang paa ko. "Tulong, Nurse Yolei!" Sigaw ko sa utak ko kasi di ko mabuka ang mga bibig ko na para bang nakatahi sila. Pinilit kong magpumiglas at nabitawan niya naman ang kanang paa. Dali-dali naman akong tumayo sa kama at tumakbo ng mabilis palabas ng clinic at kita ko pa na sinusundan niya ako. Kailangan nang matapos to! Hindi ko na kaya! Naluluha na ako. "Illie! Saan ka pupunta?!" Pagtatakang sigaw ni Nurse Yolei na narinig ko. Di ko na lang siya pinansin at dali-dali akong umakyat papunta sa rooftop ng dahil sa takot. Nakasunod pa rin siya sa akin kahit dito sa rooftop. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa kakatakbo ko nang mabilis. Di ko na alam kung kakayanin ko pa ba, Basta paatras ng paatras nalang ako habang siya'y papalapit ng papalapit sa akin. "Bea tama na! Hindi ako ang pumatay sayo!" Suhestiyon ko sa isang kaluluwa na alam ko namang di totoo pero kailangan. "Ano ba ang gusto mo para pigilan mo na ako?!" Maluha luha kong dagdag. Hindi siya sumagot at patuloy pa rin na palapit sa akin at umabot na talaga ako sa pinakadulo ng rooftop at kunting yapak nalang ay mahuhulog na talaga ako. "Illie!!" Kita kong sigaw ni Nurse Yolei. Sinundan niya ako? At nagdaratingan din ang ibang mga estudyante, Pansin ko na kita nila sa ibang floors sa ibaba na nasa dulo na ako dito sa rooftop. Nagsigawan at naghiyawan ang lahat sa takot at kaba dahil alam nila na alam ko rin na mahuhulog na talaga ako kunting yapak nalang. Palapit pa rin ng palapit siya sa akin at tila'y ako lang ang nakakakita sa kanya habang ang ibang mga tao ay hindi nila pansin na may kaluluwang gala sa harapan nila. Nababaliw na ba ako?! "Illie bumalik ka dito!" Sigaw ni Nurse Yolei na naluluha na. Pero di ko na siya pinansin dahil takot na ako sa kanya. Parang di ko na naririnig ang mga hiyawan at sigawan ng mga tao dahil di ko na talaga sila pinansin. Wala na akong paki bahala na. "Bea, Kung gusto mong mamatay rin ako para di ka na magalit sa akin, Gagawin ko." Bulong ko na lumalabas na ang mga luha sa mata ko. Di na ako nagmaang-maangan pa at sa isang iglap ay tumalon na nga ako galing sa rooftop papunta ground floor. Ang huling nakita ko bago ako mabawian ng buhay ay duguan ang buong katawan ko at maraming tao ang nagpapalibot sa akin. Third Person's POV Tanging sigawan at bulong-bulongan lang ang rinig sa whole campus ng may nakitang isang babae na tumalon galing sa rooftop patungo sa ground floor. Kita ang kanyang duguan na katawan na nakahandusay sa ground na nagdulot na paglaki ng mga mata sa lahat ng tao. Agad namang rumesponde ang ambulansiya at ang mga pulis para tumulong at mag imbestiga sa nga nangyari. Dahil sa nangyari ay pinuntahan kaagad ng mga pulis ang klase kung saan nabilang ang tumalon na estudyante. "Ako nga pala si Detective Harrison! Ako ang mag-iimbestiga sa mga nangyari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD