Chapter 016: Debt

1959 Words
Jilly's POV Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nagising ako sa lugar na puro puti lang ang nakikita ko. "Nasan' ba ako?" Pagtataka ko. "Nasa Clinic ka." Wika ng isang lalaking nakaupo katabi sa hinihigaan kong kama. Teka.... Parang si Arvie? "Bakit ako nasa clinic?" Tanong ko sa kanyang habang unti unti akong bumangon sa kamang hinihigaan ko at umupo. "Ano bang nangyari sa'kin?" Habang hinimas himas ko ang aking noo. "Nakita ko kasi ang walang malay mong katawan na nakahandusay sa daan kanina, Kaya dinala kita dito." Pagpapaliwanag niya sabay bigay sa akin ng tubig. "Okay ka na ba?" "Ahh.. Salamat, Arvie!" Wika ko sa kanya na nakangiti pa. "At Oo! Okay na din ako!" Pasigurado ko sa kanya. "Mabuti naman." Napabuntong hininga siya. "Akala ko kasi kung ano na nangyari sayo eh, Nag panic kaya ako!" Dagdag pa niya sabay tawa ng mahina. "Asus! Malakas kaya ako!" Pabiro ko sa kanya na pinapakita pa ang muscles ko sabay tawa ng malakas. Unti-unting bumukas ang pinto ng clinic at bumungad sa amin si Nurse Yolei na kasama si Mama at Papa. "Oh, Gising na pala si Jilly!" Anunsiyo niya sa kanila. Bigla naman lumapit sina Mama sa akin at agad akong yinakap ng sobra. Nakakahiya man sa harapan ni Arvie, Pero di ko siya mabitawan dahil ang tindi ng pagkakayap niya sa akin. "Ma... Pwede niyo na po akong bitawan..." Ani ko. "Ayy pasensiya ka na Anak." Wika niya at agad tumalikwas sa pagkakayap niya sa akin. "Sadyang sobra lang talaga ang pag-aalala namin ng Papa mo sa iyo kung ano na ang kalagayaan mo dito sa school." Dagdag pa niya. "Okay lang po ako promise!" Panigurado ko sa kanila na pinilit pa ang ngumiti. Hayst! Ganyan naman talaga sila eh! Nag-aalala lang sa akin sa t'wing ako'y may sakit, Pero pag wala, Edi wala din! Mas inuuna pa kasi nila ang kanilang mga trabaho kesa sa akin eh! At tsaka, Di naman talaga sila Okay ni Papa, Pilit lang nilang umacting na Okay sila pag nasa harapan ko na, Pero pag tumalikod na sila, Agad na naman yan sila nag-aaway na parang aso't-pusa! May iba't-ibang pamilya na kasi silang dalawa, Kumbaga, Meron na akong mga half sisters at half brothers in both sides. Pero duh! Kahit pa, Sa totoo lang wala naman akong paki sa kanila eh! Oo, Nagpapasalamat ako na maaalahanin sila pagdating sa'kin, Pero it's not like I care anyway! I mean, Ayaw ko talaga sa kanila. Kaya nga dito ako sa Saviour Boarding University nag enroll para di ko sila makita eh, Pero sila naman ang nagpipilit na makita ako. Anyway, Uulit-ulitin ko talaga ang mga salitang "Wala akong paki" sa utak ko! "So, Jilly, Mauna na ako sa'yo ha?" Pagpapaalam ni Arvie na may ngiti at sinabit na ang kanyang backpack sa balikat niya. "S-Sige. Salamat ulit." Wika ko ng pautal at lumabas na ng tuluyan si Arvie sa silid. "Ma'am, Sir, Siguro kailangan niyo nang ipacheck up ang kondisyon ni Jilly sa hospital. Tumataas at umuubos kasi yung lagnat niya sa di mapaliwanag na dahilan eh." Paliwanag ni Nurse Yolei kina Mama at Papa sabay abot ng isang papel. "Sige po, Nurse Yolei, Salamat!" Ani ni Mama. "Tara na, Jilly!" Anyaya ni Mama habang inaabot ang kanyang kamay. "Okay..." Tumango nalang ako at kinuha ang mga gamit ko pero di ko inabot ang kanyang kamay. No way! At lumabas na kaming tatlo sa clinic. Arvie's POV Habang ako'y naglalakad patungo campus na nilalaro ang rubix cube na nasa kamay ko ay may nakita akong isang babae na nakahandusay ang kanyang katawan sa daan. Tinakbuhan ko ito na tila ba'y parang isang aso na nagmamadali dahil sa pagkagulat. Ba't nakahiga siya sa daan? "Miss?" Pagtawag ko sa kaniya habang ako'y umupo ng bahagya. Tinapik ko ang balikat nito, Pero di naman ito rumeresponde. Patay na kaya siya? Pero humihinga pa naman siya ah! "Miss? Okay ka lang ba?" Pagtawag ko muli sa kanya na ngayo'y niyuyugyog na ang kaniyang katawan. At nagulat pagkaharap niya sa kanyang mukha. Teka? Si Jilly to ah! Hinawak ko ang noo niya at laking pagtataka ko dahil sobrang init niya. "May lagnat pa ba siya?" Bulong ko sa aking sarili. Agad-agad ko naman siyang binuhat sa kamay ko at nagmamadaling pumunta sa campus patungong clinic. "Nurse Yolei!" Tawag ko kahit nasa labas pa ako ng pinto ng clinic. Mabuti naman at narinig naman ito ni Nurse Yolei at agad niyang binuksan ang pinto. "Anong nangyari, Arvie?" Pagtataka niya. Inilapag ko si Jilly sa kama ng clinic at ipinahayag ko naman kay Nurse Yolei ang nangyari habang hinahabol ko pa ang hininga ko dahil sa pagmamadali ko kanina. "Mataas po.... Ang kanyang.... Lagnat..." "Chill lang, Arvie." Wika niya. "Maupo ka muna!" Utos niya at umupo naman ako sa upuan na katabi sa Clinic's Bed. "So, Anong nangyari?" Paulit na wika ni Nurse Yolei na lumapit pa sa akin. "Ewan ko po!" Sagot ko sa kanya. "Nakita ko lang po siya na walang malay sa daan na sobrang lakas ang lagnat, Kaya dinala ko nalang siya dito." Pagpaliwanag ko. "O sige... Lalabas muna ako para pumunta sa faculty para tawagan ang parents niya, Okay?" Dagdag pa niya at tuluyan na ngang lumabas na kinuha pa ang number sa parents ni Jilly sa kanyang ID. Naiwan ako sa Clinic kasama ang walang kamalay malay na si Jilly habang hinahaplos haplos ang kanyang noo. Jilly, Kung alam mo lang na may gusto ako sa'yo. ~~ Napaaga ako pagpunta ngayon dito sa main campus ng Savior Boarding University. First day of school kasi ngayon, Kaya ayaw ko talagang magpa late. Baka mapagalitan ako sa mga teachers dahil bago pa kaya nagsisimula ang klase. "Uyy Insan!" Tawag sa akin ng may biglang tumapik sa akin sa likod. Liningon ko ito at nakita ko ang pinsan ko na si Ken. "Ken!" Laking pagkatuwa ko dahil nakita ko siya. Napabuntong hininga ako di dahil sa nahihiya, Dahil wala akong kausap. "Mabuti naman at pinayagan ka nila Tito at Tita na dito pumasok." Wika ko. "Oo nga eh!" Napapikit mata siya at kinamot ang kanyang ulo. "Ang hirap nga eh! Kailangan ko pang gumawa ng mga rason at pagpaliwanag sa kanila!" Napatawa nalang kaming dalawa. "Anyway, Ano ba section mo?" Tanong ko sa kanya. "11P1." Sagot nito. "Ikaw ba?" Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. "Kaklase lang pala tayo!" Paimpormang sabi ko sa kanya. "Ken!!" Tawag sa kanya ng iba pang mga Senior high school na baka mga bago niyang mga kaibigan. "Mabuti pa siya." Bulong ko sa aking isip. "O'siya, Mauna na ako sayo, Arvie! Tawag na kasi ako ng mga kaibigan ko eh!" Pagpaalam niya at tuluyan na ngang umalis at pumunta sa kanyang mga kaibigan. Ako naman na naiwan ay naglakad lakad sa campus dahil hindi pa naman nagsisimula ang flag ceremony namin dahil sobrang aga pa naman. "Ay sorry..." Nakabungoan ko ang isang babaeng maangas ang dating at may pormang pang titibo-tibo pero maganda naman at nahulog ang kanyang dalang folder. "Pasensiya na miss." Yumuko ako at kinuha ko ang nahulog niyang folder at iniabot naman ito sa kanya para isauli. Agad niya namang kinuha ito. "Kaya ko naman dapat yun makuha ng ako lang eh! Di mo na dapat ako tinulungan." Wika pa nito at tumingin sa akin sa mata, At nabighani ako dahil kahit na pang titibo-tibo ang porma niya ay may angking ganda siya na para bang mapapaalipin ka sa kanyang tingin. Napatulala lang ako ng sandali sa kanya. "O-Okay ka lang?" Hindi ako napasagot ng tanungin niya ako at tumango nalang ako sa aking ulo. "Weirdo." Sabi niya na dala pa nito ang mahinang tawa. Ano ba? Ba't ang Cute niyang tumawa? "Pero salamat nga sa pagpulot dito ah!" At tuluyan na siyang umalis sa aking paningin. Sino kaya ang babaeng yun? Parang na love at first sight ata ako! Pagkatapos nun ay nagsimula na ang flag ceremony at bumalik na ako sa realidad at agad na pumunta sa field. ~~ Pagpasok ko sa classroom namin ay agad ko namang nakita ang pinsan ko at dahil walang ibang kakilala maliban sa kanya ay tinabihan ko nalang siya. Ang daming bagong mga mukha. Pero may nakaagaw ng atensyon ko ng may isang babaeng pumasok sa room na nagdulot ng paglakas ng t***k ng puso ko. "Siya yun..." Bulong ko sa pinsan ko. "Sinong siya?" Pagtataka niya. "Isang anghel na nahulog ng langit at itinadhana sa akin.." Tanging sagot ko na para bang nawala na ang isip ko sa mundong kinatatayuan ko habang tinitignan ko siyang paupo. Binalewala nalang ako ni Ken at bumalik nalang siya sa paglalaro ng Mobile legends sa kanyang phone. ~~ "Arvie Besabella nga pala guys!" Pakilala ko sa aking sarili sa harapan ng klase. "Sinong sunod na gusto mong mag-iintroduce yourself?" Tanong sa akin ng class adviser namin. Sa walang kadahilanang rason ay naturo ko siya. Sa wakas, Makilala ko na rin siya. At umupo na ako pabalik sa aking upuan. Para nga siyang lalaki kung lumakad at panlalaki talaga ang pagtindig niya sa harapan. "Ako si Jilly Sasi! Pero tawagin niyo nalang ako ng JM!" Aniya at bumalik na siya sa kanyang upuan. "Jilly..." Napabulong ako sa aking sarili na ramdam ang pamumula habang nakatitig sa kanya. ~~ "Di ko lang maisabi sa'yo na ikaw ang gusto ko dahil natatakot akong masaktan sa sagot mo." Habang patuloy ko paring hinahaplos ang kanyang noo ng bigla nalang siyang nagising. Narinig niya ba? Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. "Nasan' ba ako?" Pagtataka niya na palingon lingon sa kanyang paligid. Hayst. Mabuti naman at hindi niya narinig mga sinabi ko, Dahil pag nagkataon man, Lagot ako! "Nasa' clinic ka." Wika ko sa kanya na tumingin pa sa akin. "Bakit ako nasa' clinic?" Tanong niya sa akin habang unti-unti siyang bumangon at umupo sa kamang hinihigaan niya. "Ano bang nangyari sa akin?" Dagdag pa niya habang hinihimas himas ang kanyang noo. "Nakita ko kasi ang walang malay mong katawan na nakahandusay sa daan kanina, Kaya dinala kita dito." Pagpapaliwanag ko sabay abot sa kanya ng tubig. "Okay ka na ba?" "Ahh.. Salamat, Arvie!" Wika niya na nakangiti pa. "At Oo! Okay na din ako!" Pasigurado niya sa akin. Napabuntong hininga ako ng malalim sa tuwa dahil sa sinabi niyang Okay na siya. Maya-maya pa'y bumalik na si Nurse Yolei kasama ang mga parents niya. Kitang-kita naman sa ekspresyon ng kanilang mga mukha na parang nag-aalala talaga sila kay Jilly. Hindi na ako nagtagal sa Clinic at nagpaalam na sa kay Jilly pati sa parents niya at dali-dali naman akong lumabas. Pagkadating ko sa room ay doon nakita ko ang mga kaklase ko na nagtipon-tipon sa harapan ng teacher's table. Ano bang ginagawa nila? Inilapag ko muna yung backpack ko sa aking upuan at pumunta sa teacher's table. Nakita ko na may isang video camera na nakalagay sa itaas ng table na sinabayan pa ng isang mensahe. "Para kay Kai na palaging late, Buksan mo ang Video Camera pagdating mo, At tanging ikaw lang ang pwede na magbukas nito kung gusto mo pang maligtas ang mga kaibigan mo. Pero bago mo buksan, Kailangan niyo munang sagutan ang bugtong. Sumunod kayo sa rules, Para di maghihirap ng sobra ang isa sa mga kaklase niyo. -Class Murderer ♡" Galing sa Murderer? Bakit si Kai lang ang pwede makabukas sa video camera? Narinig ko ang mga bulong-bulongan sa aking mga kaklase na parang nagtataka. "Ano bang nasa video na yan?" "Bakit si Kai lang?" "Lol!" "Ano bang sagot sa bugtong?!" Ang mga naririnig ko sa aking mga kaklase. Oo alam ko na nagtataka din ako, Pero wala talaga akong isang alam kung anong nangyayari sa amin ngayon? Ewan ko ba, Pero parang tumatagal, Lahat ay nagiging weird na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD