Chapter 015: The 13 Sinners

2060 Words
Kai's POV Ipinakita ko sa mga kaklase ko ang sobre at sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari na nagdulot na pagkaalam ni Sharmaine sa mga nangyayari sa section namin pero di pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. "Seryoso ba kayo sa sinabi niyo na may Class Murderer?" Pakompirma niya. Tumango lang naman kaming lahat sa kanya para umu-o, Pero nakapinta pa rin sa mukha niya ang pagtataka. Binasa ko ang nakasulat na mga salita sa labas ng sobre. "The 13 Sinners..." Nagtaka naman silang lahat sa kanilang narinig na para bang nagtatanong sila kung ano ang ibig sabihin ng binasa ko. "Ano ibig sabihin niyan?!" Pagtataray na tanong ni Sarah. Nagkibit balikat lang ako at binuksan kung ano ang laman ng sobre. At dun' ko nakita ang labing tatlong larawan ng labing tatlong kaklase namin. "Ba't may larawan kayo dito?" Ipinakita ko sa kanila ang mga larawan. Nagsitayuan silang lahat para tignan ng maigi ang larawan. Inilapag ko naman ang lahat ng larawan sa teacher's table. "Ba't may larawan ako?" Pagtatakang tanong ni Sarah na nakapameywang pa. "Pati ako?" Wika pa ni Rain. "Anong ibig sabihin neto?" Naguguluhang tanong ni Ryle habang pinulot ang larawan niya na kanyang nakita. "Baka mga lodi kayo ng Class Murderer, Kaya kinuha ang mga larawan niyo!" Pabirong sabi ni Cool at natatawa pa. "Kasama din ang larawan ni Bea at Jordan oh!" Sambit ni Illie na tinuturo ang dalawang larawan. Pero ang pagkakaiba sa larawan ni Bea at Jordan ay ito ay may nakalagay na "X" sa kanilang mga larawan. "Ano ibig sabihin ng X?" Dagdag pa ni Illie na nagtataka. "X? Alam ko yan!" Panimula ni Ara at nakuha niya ang atensyon naming lahat nagbabasakali na marinig namin ang sasabihin niya. "Siya yung umiwan sa akin! Diba X tawag nun?" Napatawa siya sa kanyang sinabi. Napabuntong hininga ang lahat sa narinig nila pati ako. Ano ba yan? Akala ko kung ano na? Eh, X pala na Ex ang tinutukoy niya. Like talaga? Nasa piligro buhay nating lahat at maghuhugot pa? Iba din si Ara eh, Iba din! "Guys tingnan niyo oh! May nakasulat sa likod ng larawan ni Bea!" Ipinakita ni Carlos sa amin ang nakasulat na mensahe sa likod ng larawan ni Bea. "May tinatagong pagkakasala ang babaeng to', Kung gusto niyong malaman ay alamin niyo kay Jenny." Nagtaka kaming lahat sa nakita namin na mensahe. "Asan si Jenny?" Tanong ko sa kanila. "Umabsent siya. Di daw siya makakapasok ngayong araw na ito dahil uuwi daw siya sa kanila." Sagot naman ni Rain. "Pagkakasala?" Bulong ni Aya na narinig naman namin. "So, May nagawa din si Bea na pagkakasala?" Wika niya. "Anong ibig mong sabihin, Aya?" Pagtatakang tanong ni Jessie. "Yung video tungkol kay Jordan! Naaalala niyo pa ba yun? Nung sinabi ng Class Murderer na maghanda sa pag-amin sa ating mga mali! Siguro ito yung ibig-sabihin ng Class Murderer! Lahat ng merong larawan na nakalapag diyan sa mesa ay ang mga taong may nagawang kasalanan!" Paliwanag niya ng seryosohan. Nabigla, Nagulat, Natakot ang mga kaklase kong nasali ang kanilang mga larawan sa 13 Sinners na sobre. Nagdadalawang isip pa rin ako sa mga sinabi ni Aya kung maniniwala ba ako o hindi, Pero ramdam ko na meron siyang punto sa kanyang teorya. Parang tama siya...? Rain's POV Nagulat nalang ako na kasali ang larawan ko. Ano bang alam ng Class Murderer sa nangyari noon? May alam ba siya? Kung meron man, Paano niya nalaman? Uupo na sana ako sa upuan ko ng biglang nagsalita si Sharmaine. "Rain, May sasabihin ako sayo!" Wika niya at agad naman siyang lumabas na para bang gusto niya akong pasundin sa kanya. Sumunod nalang ako ng kusa sa kanya palabas. Ewan ko kung ano ang sasabihin niya sa akin, Basta wala akong paki! "Ano gusto mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. "Makapagtanong ka sa akin ng ganyan, Parang wala tayong pinagsamahan ah?" Sarkastiko niyang sabi sa akin at tinignan niya ako na blanko ang ekspresyon sa kanyang mukha at nawala ang kanyang pagka inosente at mala anghel na mukha. Parang demonyo siyang makatitig sa akin. "Nakalimutan ko na lahat, Sharmaine! Ba't ka pa nagtransfer dito?" Pagtataray na tono ko sa kanya. "Halatang nagbago ka na talaga, Rain!" Napatawa siya ng mahina. "Hindi naman bagay sayo magbait-baitan kung sa totoo, Hindi ka naman talaga mabait! Nakakatawa!" Dagdag pa niya na ngumisi pa siya ng nakakapanindig balahibo na ngisi. "Wag mong sabihin sa akin na nakalimutan mo na ang nagawa mong pagkakasala noon? Ikaw ang may kasalanan kung bakit--" Naputol niyang sabi ng makita niya na palabas si Renz. "Rain!" Tawag sa akin ni Renz. Napalingon naman ako sa kanya na may pagtataka. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Si Illie! Nahimatay na naman!" Sigaw niya. Dali-dali naman kaming pumasok sa loob ng room namin at doon namin nakita si Illie na walang malay sa sahig. "Guys! Dalhin niyo siya sa clinic!" Utos ni Ryle bilang Class Mayor. "Ano na naman bang nangyari? Bat na naman siya nahimatay?!" Pag-alala kong sambit sa kanila. "Ewan namin! Napatulala lang siya sa larawan ni Bea at nagtaka na lang kami nang makita namin na bumagsak nalang siya sa sahig!" Paliwanag ni V. Agad-agad naman siyang binuhat nina Cristopher at Cool patungo sa clinic. Talagang ano bang nangyari? Illie's POV Tinitignan ko ang litrato ni Bea ng paulit ulit at inisip ko ang nangyari sa akin noon sa CR nung nagparamdam ang kaluluwa niya sa akin. Ewan ko ba pero sinasakal niya ako sa mga panahong yun' at sinasabing ako ang pumatay sa kanya. Wala naman akong kasalanan eh. Aray! Biglang kumirot ang dibdib ko, Di ako makahinga, Parang nawawalan ako ng hangin. Nilapag ko nalang ulit ang larawan ni Bea sa teacher's table. Lalakad sana ako para lumabas, Pero bigla nalang nawalan ng balanse ang mga paa ko at unti unting nanlalabo ang mga mata ko at bumagsak na ako sa sahig. Ang huli kong nakita ay tumakbo lahat sila sa akin na natataranta. Sharmaine's POV Binuhat naman ng dalawang lalaki ang nahimatay naming kaklase patungo sa clinic. Ano bang nangyari dun sa kanya? Ba't siya nahimatay? Anyway, Wala naman akong panahon para mag interview dahil hindi naman ako isang reporter. Duh! Sa totoo lang, Wala naman talaga akong plano na magtransfer sa school na 'to eh, Nung nalaman ko na dito din pala nag-aaral si Rain at nagkataon din na magkaklase kami. Napilitan lang naman talaga ako na magtransfer dito dahil gusto nila Mama at Papa na magpaka independent na daw ako. Oo, Aaminin ko na maganda tung school na ito dahil meron siyang mga dorms, Pero ayaw ko talaga mapalayo kina Mama. Unang araw ko pa lang naman dito sa school na ito at meron na agad akong natuklasan, Ano ba ang ibig sabihin nila na merong Class Murderer? Tapos sabi pa ng iba naming mga kaklase na may namatay na daw silang mga kaklase noon, Bago pa ako magtransfer. Hindi sa hindi ako naniniwala sa kanila, Pero parang imposible naman na merong pumapatay sa kanila ng walang dahilan. Wait... Meron palang dahilan para kay Rain, Nakagawa siya ng kasalanan noon kaya siguro ginagawa to ng kung sino man ang pumapatay sa kanila. Presko na presko pa sa utak ko ang pagkakasala na ginawa niya noon sa isa naming kaklase. ~~ 2 years ago Kakatapos lang ng exam namin at nagsi-uwian na ang mga kaklase namin at kami nalang ni Rain ang naiwan sa room dahil nililigpit pa namin ang aming mga gamit. "Sharmaine!" Tawag niya sa pangalan ko habang papalapit siya sa akin. "Bakit, Rain?" Tanong ko sa kanya na nakapinta ang mala anghel na mga ngiti ko sa aking labi. "May sasabihin ako sayo!" Napalitan ang kanyang inosenteng ekspresyon ng parang nademonyo. "Makinig ka sa akin!" "Ano?" Nagtaka ako ng bigla niyang itinapat ang kanyang bibig sa tenga ko at may binulong siya sa akin. Nabigla ako sa kanyang binulong sa akin. "Huh? Bakit naman natin gagawin yun?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. "Oh, Come On, Sharmaine! I promise that it will be fun!" At kiniloan niya pa ako. "Ayokong gawin to', Pero dahil bestfriend kita, Well, Sure!" Sumang-ayon nalang ako sa kanya at dali-dali naming kinuha ang mga bag namin at lumabas sa classroom namin. Pumunta kami sa faculty room ng mga teachers at pumunta kami sa aming adviser na si Sir Juan. "Sir, May sasabihin ako sa inyo!" Panimula ni Rain kay Sir. "Ano yun, Bretaña?" Tanong ni Sir na nakapinta ang pagtataka sa kanyang mukha. Patuloy pa rin na nagsalita si Rain sa kanyang pinaplano kay Sir habang ako'y nakatayo lang sa likod niya. "About po to' sa Exam namin kanina, Si Mia po kasi eh...." Wika ni Rain. "Yeah?" Dagdag pa ni Sir na para bang nakukurious siya sa sasabihin ni Rain. "Nakita ko po siya kanina, Nag open notes! Kitang-kita po sa dalawa kong mga mata na nag open notes po siya kanina sa whole examination!" Paliwanag ni Rain. Hindi naman talaga totoo ang sinasabi ni Rain, Sadyang gawa-gawa lang talaga niya yun' para bumaba sa ranking si Mia na palaging nasa Top 1 habang siya ay nasa Top 2 palagi. Hindi ko naman talaga gusto itong ginagawa niya, Pero napilit lang niya ako kasi nga bestfriends kami. "Si Mia Castro ba ang tinutukoy mo?" Pakompirma ni Sir Juan at tumango lang naman si Rain. "Yung always na Top 1 sa inyo palagi? Kaya pala..." Napahawak si Sir sa kanyang baba. "Salamat sa impormasyon na binigay niyo sa'kin!" Sabi ni Sir at agad naman kaming lumabas ng faculty. "Ba't mo ginawa yun, Rain? Alam mo namang nagpapakahirap si Mia para maging Top 1 dahil Scholar lang siya sa school natin!" Sambit ko naman sa kanya. "Alam mo, Sharmaine, Hindi lang naman siya ang Scholar eh, Pati rin naman ako eh!" Saad niya na nilalaro pa yung buhok ko. "At tsaka, Alam ko namang di maniniwala si Sir sa sinabi ko eh, Don't worry!" Sabay ngiti ng matamis. Wala nalang ako at nanahimik nalang. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate para makauwi na. ~~ Kinabukasan, Sa gitna ng pagdidiscuss ng English Teacher namin ay agad na pumasok si Sir Juan. "Mia Castro, Will you come with me to the Principal's Office please.." Anyaya ni Sir. Nakapinta ang pagtataka na ekspresyon sa mukha ni Mia at agad naman itong tumayo at lumabas ng room kasama si Sir Jua patungo Principal's Office. Nagkatinginan kami ni Rain dahil katabi lang naman kami ng upuan. "Bakit siya pinapatawag sa Principal's Office?" Tanong niya na mukhang nag-aalala. Nagkibit balikat lang ako. "Ewan ko...?" ~~ Natapos na ang English Class namin at pumasok si Mia ng sobra ang pag-iyak at paghikbi at agad niya kaming tiningnan. "Salamat sa inyo ha?" Ang mga salitang nabitawan niya at agad naman niyang kinuha ang kanyang bag at tumakbo palabas ng classroom. "A-Anong nangyari?" Pagtataka ni Rain na may sobrang pag-aalala. Hinatak ko ang kamay ni Rain palabas at agad naming hinanap si Sir Juan para tanungin sa nangyari. At nakasalubong namin siya na papunta sa susunod niyang klase. "Sir Juan!!" Tawag ko sa kanya na hinahabol ang aming paghinga ni Rain. "Oh bakit?" Wika ni Sir na may ngiti. "Ano pong nangyari kay Mia?" Tanong ni Rain na may dalang kaba ang kanyang boses. Napalitan ang ngiti ni Sir at naging blanko ang kanyang mukha. "Expelled na si Mia dahil sa kanyang nagawang pagche-cheat sa Exam niyo, Salamat sa impormasyon!" Tugon ni Sir. "Pasensiya na pero kailangan ko nang pumasok sa susunod kong klase. Mamaya nalang tayo mag-usap." At pumasok na nga si Sir. Napatingin lang ako kay Rain na walang masabi. "Totoo ba ang sinabi niya? Expelled si Mia?" Ulit niya at napaluhod sa sahig na nakatulala at tumulo agad ang luha. Simula non' ay di na talaga namin nakita na pumasok si Mia. ~~ Sadyang desperate lang talaga si Rain na maagaw ang korona para sa kanya. Pinangako namin na itatago namin na sikreto ang ginawa niya pero wala naman talagang sikreto ang di nabubunyag diba? Maghintay ka nalang Rain! Malalaman nilang lahat ang ginawa mong pagkakasala! "AHHHHHHH!!" May narinig kaming isang sigaw ng babae sa labas ng room. Lumabas naman lahat ng kaklase ko pati ako para tingnan kung anong nangyayari. At dun' may nakita kaming isang babae na nasa rooftop na parang tatalon. Teka... Kaklase namin yun ah.. Siya yun!.... Anong nangyayari sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD