Rain's POV
It's been 2 weeks na nung namatay si Miss Donna at wala pa rin kaming substitute teacher sa English at Research. So ang tanging ginawa lang namin ay mag attendance sa mga nasabing subjects. At pagkatapos nun ay wala ng namatay muli ni isa sa amin. Thanks god na wala na talagang nangyari. Sana nga natapos na ang Class Murderer.
Maya-maya ay pumasok ang Class Adviser namin na si Miss Aede.
"Okay, May sasabihin ako sa inyo!" Panimula niya na tumayo pa siya sa harapan. "May bago kayong classmate na nag transfer dito galing sa Etoilè University!"
Nabigla ang lahat sa sinabi ni Miss at kita sa mga mukha ng lahat ang nasasabik na makilala ang bago naming kaklase. Sino kaya?
"Pumasok ka na!" Utos ni Miss sa isang estudyante na nakatayo sa labas ng room namin.
Pagpasok ng isang babae sa classroom ay nabigla ako at nanlaki ang aking mata. S-Siya? Ba't siya nagtransfer dito?
Tumayo siya sa harapan na dala-dala pa rin ang inosente at maanghel niyang mukha. Peke naman!
"Hi guys! Ako nga po pala si Sharmaine Ramirez, Nice to meet you!" At sinabayan niya ng matamis na ngiti.
Ibinaling niya ang mata niya sa akin at tiningnan niya at ngumiti. Nginitian ko nalang siya bilang ganti ko. Bakit pa ba siya nagtransfer dito? Ano kailangan niya?
Rinig na rinig ko na nagsisigawan ang mga lalaki dahil nginitian sila ni Sharmaine at nagsimula na naman ang bulong-bulongan.
"Ganda niya, Pre!"
"Akin lang siya ha?"
"Magiging akin siya!"
Kung alam lang nila kung sino siya, Baka di na sila magtangkang papangarapin pa siya.
"You may seat in that empty chair over there, Sharmaine!" Tinuro ni Miss Aede ang upuan na katabi ni Kai at nagtungo naman si Sharmaine dito. Nakita ko ang pananaliksik ng mga mata ng ibang mga lalaki kong kaklase dahil sa inggit.
"Okay, Dahil wala pa nga kayong substitute teacher para sa English at Research, Kung maaari, Mag attendance lang kayo muna at wag kayong gumawa ng sobrang malakas na ingay okay?" Utos sa amin ni Miss at lumabas na siya ng tuluyan sa classroom.
Pagkalabas ng pagkalabas ni Miss Aede ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase naming mga lalaki at pumunta kay Sharmaine. Kung alam lang nila.
"Hi! Ako nga pala si V!"
"Ako din pala si Ricky!"
"Kier nga pala!"
"Ken pangalan ko pala!"
Rinig na rinig ko sila na nagpapakilala kay Sharmaine. Ang iingay nila magpakilala, Dahil nasa likod ko si Sharmaine.
"Hi din sa inyo!" Bati niya sa kanila na may matimis na ngiti.
Talagang ano ba ang gusto niya? Bakit ba siya nagtransfer dito?
V's POV
Ang ganda ganda talaga ng bago naming kaklase na si Sharmaine, Parang hindi ako mapakali. Gusto ko na ata siya?
"Nagtransfer lang, Gusto na agad?" Wika ni Sarah na katabi ko. "Sure ka ba kaya sa iniisip mo? Oh baka naman pagnanasa lang yan?" Dagdag pa niya at tumingin sa akin.
Ewan ko ba pero parang nabasa niya ang iniisip ko, Pero hindi ko naman ninanasahan si Sharmaine, Sadyang naaakit lang talaga ako sa kanya.
"Ulol! Hindi ko siya ninanasahan! Wag kang ano!" Naaksidente kong mapasigaw ang sinabi ko na nagdulot ng pagkuha ko sa atensyon ng iba naming kaklase.
"May pagnanasa ka pala kay, Sharmaine ha?" Pabirong sabi ni Ricky na tumatawa pa ang gago!
"Wag mo nang itago yan V, Baka tumitigas na yan ha?" Dagdag pa na biro ni Kier na sobrang tawa ng tawa.
"Sharmaine, Mag ingat ka kay V, Nangangagat yan!" Sambit pa ni Ken na tinapik bigla ang balikat ni Sharmaine.
"Ano ba kayo?!" Sigaw ko sa kanila na halata na ang pagkainis sa mukha ko. "Wala nga ako nagnanasa!" Dugtong ko naman.
Naghiyawan lang sila at nagtawanan. Ano ba tong mga gago?! Bat di nakikinig na wala nga akong pagnanasa kay Sharmaine eh! Ampu*a!
Nakita ko naman na biglang tumawa si Sharmaine. Kahit pala tumatawa siya ay maganda pa rin siya tignan. Basta lahat sa kanya maganda. Perpekto siya para sa akin. Nawala nalang agad ang pagkainis ko sa mga gago nung ngumiti na naman si Sharmaine ng matamis.
Jane's POV
Pabalik na kami sa classroom namin galing sa cafeteria para bumili ng snacks namin. Wala pa namang break, Pero wala naman kaming teacher ng whole 2 hours kasi sa mga oras na yun ay English at Research naman. Gutom kaya.
"Ang ganda ni Sharmaine no?" Wika ni Kai sabay kagat sa kanyang burger.
"Bakit Kai? Gusto mo ba siya?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Hindi ah!" Nabilaukan siya ng pabigla. "Di ko naman siya gusto! Wag kang ano!" Dagdag pa niya sabay irap.
"Ba't ang defensive mo?" Pabirong sambit ni Andy sabay kagat sa kanyang binili na banana cue.
Natawa nalang kaming dalawa kay Kai dahil hanggang ngayon nagbibilak-bilaukan pa rin siya sa kanyang mga narinig na mga salita galing sa amin. May lihim palang pagtingin tong si Kai ah! Akala ko sa lalaki siya nagkakagusto, Pero sa babae naman pala.
"Ewan ko sa inyo!" At binilisan niya ang kanyang paglalakad patungo classroom pero kita naman talaga na namumula siya. Bat di pa niya aminin?
Kami ni Andy na naiwan ay natawa nalang.
Kai's POV
Ano ba pinagsasabi nila Jane at Andy? Eh di ko naman talaga gusto si Sharmaine eh. Ano lang kasi, Ang ganda naman kasi niya eh. Matangos ang ilong, maputi, chinita, Makinis ang buhok niya. Basta parang perpekto siya kung tawagin man. In short, Nagagandahan lang ako sa kanya hindi ko siya gusto. Siguro para sa ngayon di ko pa siya magugustuhan dahil di pa kami ganoon sobrang kakilala, Pero baka sa susunod ewan ko.
Pagkatapos kong kainin ang burger ay itatapon ko na sana ang wrapper sa basurahan ng may bigla ko na namang nakita ang taong nakahood na black na nakatayo sa labas ng Cr ng panlalaki. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya pero kitang kita ko ang bibig niyang nakangisi.
"Ikaw ba yung Class Murderer?! Ikaw ba ang pumatay kina Bea at Jordan?!" Galit na sigaw ko sa kanya.
Di niya ako sinagot at ngumisi lang siya na mala demonyo.
"Sumagot ka!" Dagdag ko pa na nahaloan ng kaba ang boses ko.
Hindi pa rin siya sumagot sa tanong ko. Lalapit na sana ako sa kanya pero naglakad siya papunta sa akin at inabutan niya ako ng isang sobre.
"Kunin mo to!" Pabulong na utos niya sa akin.
Kahit natatakot ay agad ko namang kinuha ang nasabing sobre.
"Di pa nagtatapos ang laro! Nagsisimula pa nga lang! Pasabog lang yung mga nauna, Wag niyong sabihin na natapos na ang lahat, dahil baka sa mga oras na ito ay kayo na ang susunod na mamamatay!"
Dagdag pa niya na siyang ikinatakot ko. Pero pamilyar sa akin ang boses na yun, Parang narinig ko na talaga yun. Pero di pa ako sigurado kong kanino? Pero pamilyar talaga kung kaninong boses yun.
Ng muli kong ibinaling ang mga mata ko sa kanya ay nakita ko na wala na siya.
Akala ko tapos na? Akala ko wala na? Di pa pala?
At tiningnan ko naman ang sobreng binigay niya at may nakasulat sa labas ng sobre.