KINABUKASAN ay pumasok na rin si Eros sa klase, which almost everyone in our class didn’t expect. Dahil ang akala nila ay magda-drop out na ito.
“Good morning Eris!” masigla niyang bati as soon as he stepped inside the lecture room. “Hoy! lumipat ka nga,” matapang na sabi niya sa katabi ko na kasalukuyang abala sa pagbabasa ng kaniyang notes.
“O-okay,” nauutal na sabi ng katabi ko na halatang natakot at nagulat sa inasal ni Eros. Ganoon din ang iba naming classmate. They were all in awe as they saw what he did.
Padabog naman na ibinagsak ni Eros ang kaniyang bag sa lamesa ng makalipat na ang aking katabi sa ibang bakanteng lamesa.
Talaga bang B.S Chemistry student siya? Kasi kung umasta siya parang hindi naman.
Pero, hindi naman siya ganito kahapon. Yes, I saw how deadly his stare could be yesterday, pero hindi ko naman inakala na ganito siya makitungo sa classmates at schoolmates niya.
Now, I know why he has been attacked by those seniors, hospitalized for a week, and why he was not attending his classes for weeks.
“Eris, tabi tayo ha?” nakangiti pa rin niyang sabi, which I choose to ignore.
As if I care kung sino ang makatabi ko sa klase. Dahil ang mahalaga para sa akin ay ang lectures ng mga professors namin. Wala akong panahon na intindihin kung sino ang katabi ko. Samantala, ang katabi ko ngayon ay abot tenga ang ngiti habang sumisipol-sipol at nakapatong pa sa desk ang kaniyang dalawang paa na akala mo nasa bahay nila.
I just shrug and continue what I am reading. Maigi na ang mag-advance study ako at mag-review ng mga nakaraang lectures kaysa pag-aksayahan ng oras ang katabi kong ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin. I can strongly feel his stare, thus, I took a glance at him. And there he is, smiling widely at me like an idiot. I just gave him a blank expression as I returned my attention to my book. One minute later our professor came, and the class begin.
“Eris, sabay na tayong mag lunch,” pagyayaya ni Eros pagkatapos ng lahat ng pang-umagang klase namin.
“Stop calling me Eris!” inis kong singhal at saka naglakad palayo sa kaniya.
Kanina pa siya ganiyan, tinatawag akong Eris, sinusundan ako at kinukulit. Palagi niya pang pinapa-alis ang mga katabi ko sa bawat course subject namin. Pinapaalis niya ang katabi ko para siya ang tumabi sa akin. And then, he would just sit there beside me just to keep on staring at me, instead of listening to our professors lectures. Kaya napapagalitan siya ng mga professors.
Para siyang aso na sunod nang sunod sa akin, kaya naiinis ako. Dumagdag pa sa inis ko ang pagsunod niya sa akin hanggang dito sa grass field.
“Okay. Cyllene, let’s go together, let’s eat lunch,” he said as he keeps on following me.
“I’m good with just this,” sabi ko ng itaas-baba ko ang aking kamay upang ituro ang aking ulo pababa sa aking paa. “Me, alone.”
“So, if you would excuse me,” I added as I show him the sandwich I bought this morning and the bottled juice I bought at the cafeteria earlier.
Hindi ko gustong kumain sa cafeteria dahil maingay. Kaya naman umakyat na lang ako sa rooftop ng building ng department namin. Dahil mas tahimik at higit sa lahat walang Eros na sunod nang sunod. I also prefer eating alone or with my best friend and family. Pero wala ngayon si Jupiter dahil nasa importanteng kompetisyon siya kasama ang buong club nila.
. . .
“Eris, totoo ba?” pambungad na tanong ni Jupiter pagkalabas ko ng aming kusina.
“Ang alin?” balik kong tanong at saka siya tinabihan sa sofa.
Kakabalik lang nila kahapon matapos ang international competition na sinalihan. Kung saan pinalad ang choir group ng aming university na makuha ang first place out of thirty competitors. Jupiter was in choir group and they just won that international choir competition a day ago.
“Na kaibigan mo si Eros. Akala ko ba ako lang ang kaibigan mo?” may bahid ng pagtatampo niyang tanong. “Nawala lang ako ng isang buwan may new friend ka na,” dagdag pa nito.
Sinamaan ko lamang siya ng tingin. At ngumuso at pinagkrus niya ang kaniyang braso bilang sagot.
“Ano ka ba naman, Jupiter. Ikaw lang ang kaibigan ko,” pag-aalo ko sa kaniya.
“Anyway,” nakangiti na niyang sabi bago kunin ang paper bag na kanina pang nasa tabi niya. “Here pasalubong ko sa ‘yo.”
“Ano ‘to?” I ask as I stare at the paper bag he gave to me.
“Open it,” sabi niya at saka kumuha ng cookies na nasa table.
My eyes instantly twinkled as I saw whats inside the bag.
“Para sa akin talaga ‘to?” naka ngiti kong sabi.
“Oo naman.”
“Thank you!” puno ng tuwa kong sabi.
Maliban kasi sa chocolates at souvenir items ay binigyan niya rin ako ng isang personalized pen kung saan naka-ukit ang pangalan ko.
“Ako, Kuya Jupiter walang pasalubong?” narinig naming sambit ni Triton na ngayon ay nasa sala na rin.
Kakauwi lang nito galing sa dance practice nila para sa dance contest na sasalihan ng mga piling dancer ng dance troupe ng university.
“Syempre meron ka rin, ito oh!” magiliw na sambit naman ni Jupiter at saka ibinigay kay Triton ang isa ring paper bag.
“Wow! Thank you, Kuya Jupiter! The best ka talaga!” tuwang-tuwa na parang batang bulalas ni Triton bago siya halos kumaripas ng takbo pabalik sa pinto. “Ate Eris, Kuya Jupiter, kasama ko po pala si Kuya Deimos.”
Deimos? Kuya?
“Good afternoon,” magalang na bati ni Deimos na nasa tabi na ngayon ni Triton.
“Good afternoon too,” bati ko naman.
“Deimos!” biglang sigaw ni Jupiter na agad na napatayo nang makita ang kasama ni Triton.
“Oh! bakit nandito ka?” gulat na tanong naman ni Deimos.
“They are my closest friend,” ‘di maubos-ubos ang ngiti sa labing sabi ni Jupiter.
“Third year din siya tulad natin. Same department sila ni Triton. Siya ang president ng dance troupe,” paliwanag ni Jupiter nang makita ang naguguluhan kong itsura.
“Okay,” tanging nasabi ko.
“Ate, akyat na muna ako sa kuwarto para magbihis,” paalam ng bunso namin.
“Halika maupo ka,” alok ni Jupiter kay Deimos.
Feeling siya ang may-ari ng bahay namin. Palibhasa halos gawin na rin niyang sariling bahay ito.
“Thanks.”
“Deimos, bakit pala kayo magkasama ni Triton?” Jupiter asks Deimos as he took another bite of cookies.
Siya na yata ang uubos sa cookies na pasalubong niya sa amin.
“Balak kasi naming tapusin na ang pagri-remix ng mga kanta. At kung kakayanin ay bubuohin na rin namin ang choreography para sa upcoming dance competition,” paliwanag nito.
“Good luck to you and your group,” I said with sincerity as I stood up.
“Kuya, Ate, doon muna kami ni Kuya Deimos sa garden. Puwede ba?” paalam ni Triton matapos niyang magbihis.
“Okay. Dadalhan ko na lang kayo ng miryenda,” pagpayag ko bago ako pumunta sa kusina upang ipaghanda sila ng makakain.
“Eris, uuwi na ako para matapos ko na ‘yong naiwan kong report,” paalam ni Jupiter ng makabalik ako sa loob ng bahay pagkatapos kong ihatid ang miryenda nila Triton.
“Thank you ulit sa pasalubong,” nakangiti kong tugon.
. . .
“Cyllene, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Eros sa akin na ngayon ay nakapangalumbabasa lamesa habang pinagmamasdan ako.
“Uy! Tara na kumain na muna tayo. Cyllene, tara na dali may bagong bukas na food stall sa labas ng university,” paulit-ulit na sambit ni Eros habang paulit-ulit niya rin na tinutuktok ang table. “Tara na dali, gusto kong i-try kumain doon. O, kaya kung gusto mo sa cafe na lang namin tayo. Hey, Cyllene.”
“I like you,” bulong niya ng patuloy ko siyang inignora.
Sa loob ng halos dalawang buwan simula ng bumalik siya sa campus ay wala na siyang ibang ginawa kung ‘di ang sumunod sa akin, mangulit at paminsan-minsan ay sabihan ako na gusto niya ako. And there’s no end to his wacky and weird but a bit innocent attitude. But then, it doesn’t concern me, it was still none of my business.
None of my business? How can it be none of my business kung ang tahimik kong mundo ay naging maingay simula nang pumasok na ulit siya.
“Cyllene, tara na kasi. Hindi ka ba napapagod mag-aral?” tanong niyag muli matapos manahimik ng ilang segundo.
“Hindi,” diretso kong sagot habang patuloy pa rin ako sa pagbabasa at pagti-take down notes.
“Cyllene, tara na kasi. Kumain na muna tayo. Tara na kasi! Kain na tayo. Hindi ka pa ba nagugutom? Cyllene, pagkain ‘yon, pagkain! Tara na kasi!” parang batang nagmamaktol dahil pinagdadamutan sa laruan niyang sabi.
“Hindi ka ba tao? Hindi ka ba nagugutom? Kanina pa natapos ang last class natin pero ikaw nagaaral pa rin. Halika ka na, kumain na muna tayo. Tara na, Cyllene! Kain na tayo. Pagkain, pagkain, pagkain. Tara na, Cyllene. Sige na,” paulit-ulit niyang sabi habang tinatapik ang aking lamesa.
“Nanggigil na talaga ako!” I screamed mentally. Kapiraso na nga lang ang pisi ng pasensya ko pilit pa niyang inuubos!
“Hindi mo ba nakikita, Eros? Nagaaral ako ngayon. And I prefer studying over eating a snack. Hindi rin naman ako gutom, at kung gutom man ako kakain ako. Pero Eros, its our preliminary exam the day after tomorrow. So, I want to study! Kaya puwede huwag kang makulit!” bulyaw ko sa kaniya.
Mabuti na lang at nasa vacant lecture room kami. Dahil kung nasa library kami ay baka ma-ban pa ako dahil sa ingay at pangungulit ni Eros.
“Gusto kong kumain eh! At gusto ko kasabay kita. Tara na kasi Cyllene, tara nai. Kumain na muna tayo. Sige na, please.”
At dahil napipikon na ako ay mabilis kong niligpit ang aking gamit bago ako tumayo upang lumabas ng lecture room.
Simula ng bumalik siya sa school ay wala na siyang ibang ginawa kung ‘di ang patuloy na bulabugin ang tahimik kong buhay. Lagi na siyang nakasunod sa akin. Kulang na lang pati sa banyo o kaya sa bahay ay sumunod siya.
“Why don’t you just eat with him? Para tumahimik na,” suhestiyon ng isa sa kaklase namin na si Thyone na nakasandal sa gilid ng pintuan.
“Just accept his offer. It’s not that bad to accept an offer once in a while,” dagdag niya pa bago pumasok sa lecture room.
Hindi ko na siya pinansin pa, sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas ng department building.
“Cyllene! Saan ka pupunta! Hintayin mo ako!” hinihingal na sigaw ni Eros habang nagmamadali at hindi magkanda-ugaga na inaayos ang kaniyang mga gamit. Patuloy pa rin pa rin siya sa pagsunod sa akin.
Saan ako pupunta? Sa lugar kung saan walang maingay, sa lugar kung saan makakapag-aral ako ng tahimik at payapa. But, it was impossible for me to study quietly, I can’t focus on reviewing my notes when he keeps on following and pestering me around. Tanging sa ladies room na lang at sa bahay siya hindi nakakasunod.
“Eris!”
“Ms. Kristel,” magalang kong sambit nang makitang papalapit ang proffesor namin.
“Good afternoon po,” bati ko.
“Good afternoon too. Bakit ‘di ka pa umuuwi?”
“I want to study and review for exam. Kaya po nandito pa ako,” I explained.
“That’s good,” nakangiting sabi ni Ms. Kristel. “Oh, kasama mo pala si Eros,” tila namamanghang sambit naman ni Ms. Kristel matapos silipin kung sino ang lakad-takbong papalapit sa amin. “Hindi ko alam na close na pala kayong dalawa,” nakangiting dagdag pa ni Ms. Kristel.
“That’s not true, Ms. Kristel.” maagap na pagtanggi ko.
“Talaga po?” masaya namang sambit ni Eros na halos lumampas na sa tenga ang ngiti.
“Yeah, I can see that you are pretty close to each other,” nakangiting kumpirma ni Ms. Kristel sa tanong ni Eros.
At dahil mukhang medyo mamaya pa sila matatapos mag usap ay dahan-dahan na akong naglakad palayo sa kanila.
“Cyllene hintayin mo ako!” sigaw ni Eros ng hindi pa ako nakakalayo.
“Eros! Is that how you should call your friend? Ganiyan ba dapat itrato ang babae?” sermon ni Ms. Kristel.
Hindi na ako nag-abala na lingunin sila para lang makita kung paano pangaralan ni Ms.Kristel si Eros. I just continued walking towards the library hoping that over there I would be able to find the kind of quiet place I wanted.
“Ano bang ginagawa mo Eros!” gulat na bulyaw ko nang bigla na lang niya akong hatakin at yakapin.
Bigla na lamang siyang sumulpot sa likuran ko bago pa ako makarating sa library.
“Hmm?” he mumbled as he tighten his hug. “Wala lang, gusto lang kita yakapin. At saka bakit ba inis na inis ka? Para naman akong may nakakahawang sakit kung makalayo ka. Ang sungit mo pa,” he said as his warm breath brushed the nape of my neck. Palibhasa naka messy bun ang buhok ko.
“Ano ka ba, bitawan mo nga ako!” sabi ko at saka ako pilit na kumawala sa yakap niya upang pumasok sa library.
Pilit ko namang pinapakalma ang kakaibang bilis ng t***k ng aking puso. At pilit kong iniignora ang kakaibang pakiramdam na hatid ng kaniyang yakap at boses sa akin.
“Cyllene, look at them. They were having a lot of fun,” komento niya habang pinagmamasdan ang grupo ng mga kapwa namin estudyante na naglalakad na ngayon palabas ng university.
“Come on. Pumayag ka na kasi na kumain tayo sa labas,” ang walang humpay na pangungulit ni Eros na may halong lungkot sa tono ng boses niya. “Para saan pa at may laman ‘yang utak mo kung wala namang laman ‘yang tiyan mo. Tara na, kain na tayo. Libre ko naman, eh. Tara na kasi,”
“Sinabi ko na, Eros. I wont,” mariin ngunit mahinang sabi ko habang patuloy lang ako sa pagri-review.
“Aren’t friends supposed to eat together when they are together? Friends should have at least hang out once in a while.”
As he said that I lift my head up to look at him. And as I did, I saw sadness in his eyes while he was watching the other students. Nakapangalumbaba siya habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa mga kapwa namin estudyante na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nila.
Sandali ko pa siyang tahimik na pinagmasdan.
“Okay. Fine, payag na ako,” I surrendered after I let out a big sigh.
“Payag ka na?” kunot-noo naman niyang tanong. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Payag na ako na kumain sa kung saan man na fast food o restaurant mo gusto,” paglilinaw ko habang marahang inaayos ang mga librong hiniram ko.
“Talaga? Wow!” mangha at abot tengang ngiti naman niyang sabi.
“Parang bata,” bulong ko sa sarili.
“Tara na!” excited niyang sabi na akmang hihilahin na naman ako palabas.
“Teka lang. Aayusin ko pa muna ang gamit ko.”
“Bilisan mo na kasi!” parang batang naghihimutok niyang sabi na padabog pang ipinadyak ang paa.
Mabuti na lang at sa bandang dulo kami nakapuwesto. At mabuti na lang din na wala na masyadong estudyante sa library. Kasi kung hindi, baka napagalitan na kami ng librarian sa lakas ng boses ni Eros.
Sa isang food park kami nagpunta ni Eros para magmiryenda. Habang siya ay parang batang aliw na aliw sa paglantak sa crepe na binili niya, ako naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang paligid.
“Uuwi na ako,” I said right after I finish my food.
“Ihahatid na kita,” alok niya ng sumunod siya sa pagtayo ko habang patuloy pa rin siya sa pagnguya.
“Hindi na. Kaya ko ng umuwi mag-isa,” tanggi ko sa alok niya.
“No. Ihahatid kita. Magdidilim na rin, kaya dapat lang na ihatid kita.”
“Kaya ko na ang umuwi mag-isa. Kaya sige na, mauna na ako,” pagpupumilit ko.
“Sabi ko na kanina ‘di ba? Ihahatid kita kaya huwag ka ng kumontra. Okay ba?” sabi niya at saka tumabi sa akin sa paglalakad.
Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya na samahan ako pauwi. Dahil sa loob ng halos dalawang buwan ay kabisado ko na ang ugali ni Eros. Mas makakabuti kung hahayaan ko siya. Dahil hindi siya magpapatalo at patuloy lang na mangungulit na ihatid ako.
“Sige na. Umuwi ka na, ayun naman na ang bahay namin,” sambit ko ng makarating kami sa gate ng compound kung saan ako nakatira.
“Okay. Good night. See you tomorrow!” masigla at nakangiti niyang sabi.
Hindi na ako sumagot pa. Sa halip ay tinalikuran ko na siya para maglakad na pauwi. Nang bigla na lamang niya akong hilahin.
“Ano bang ginagawa mo, Eros!” reklamo ko matapos niya akong hilahin at yakapin mula sa likuran.
“Ha?” inosenteng sambit niya matapos kumalas sa yakap at iharap ako sa kaniya.
“Ano ba, Eros? Uuwi na a--” naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong. . .
Nang bigla na lamang niyang hinalikan ang labi ko.
“Huh? Why does my heart still beats faster. Faster than it already did?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili matapos akong halikan.
“Ano?”
Ano bang ibig niyang sabihin! Bakit parang wala lang sa kanya ang ginawa niya?
“Bakit kaya? My heart are pounding and jumping out of my chest like the way it did when we met. I think, I already love you, Cyllene,” nakangiti niyang sabi ng titigan niya ako. “I love you, Cyllene.”
Wala akong salitang mailabas mula sa aking bibig. Pakiramdam ko rin ay sobrang pula na ng mukha ko. Ang init din ng mga pisngi ko.
Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya. Tila napako ang mga paa ko sa semento dahil sa ginawa niya.
My first kiss. Wala na ang first kiss ko.