As soon as I stepped inside our house ay padabog at nagmamadali kong isinara ang pinto ng aming bahay.
“Ate, nandiyan ka na pala. Teka, bakit nakabusangot ka?” bungad na tanong sa akin ni Triton na nakaupo sa sofa at nanonood ng kung ano mang palabas sa telebisyon habang kumakain. “Tapos binagsak mo pa ‘yong pinto.”
“Wala. Huwag mo na lang akong pansinin o punahin,” naiinis kong sagot habang pinapakiramdaman ko ang t***k ng aking puso.
“Wala ba talaga? Eh, bakit para kang toro d’yan na umuusok ang ilong sa inis?” komento naman ni Jupiter na kakalabas lang mula sa aming kusina bitbit ang isang platong pancit canton, isang bowl na potato chips at isang one litre soda.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko matapos mariing ipikit ang mga mata at huminga ng malalim, para pakalmahin ang sarili.
“Wala lang din. Nakikikain lang ako,” abot tenga niyang sabi bago sumalampak ng upo sa tabi ni Triton.
“Bahala nga kayong dalawa d’yan,” I just said as I quickly walk towards my room.
“Anong problema ng ate mo?” dinig kong tanong ni Jupiter.
“Ewan ko po. Manood na lang tayo, Kuya Jupiter. Maguumpisa na ang game,” narinig ko pang sagot ni Triton bago ko tuluyang isara ang pinto ng aking kuwarto.
“My heart was still pounding. But, why?” tanong ko sa sarili matapos kong magpalit ng damit. “Maybe because I was surprised by what happened,” bulong ko pa sarili habang nasa aking dibdib ang isa kong kamay at pilit na pinapakalma ang mabilis na t***k ng aking puso. Dahil para bang may kung sinong nagtatambol dito.
Marahas akong bumuga ng hangin bago ko buksan ang pinto ng aking kwarto upang dumiretso sa kusina.
“I love you Cyllene.”
“Aaah!” tarantang sigaw ko habang pilit na pinapakalma ang pusong sobrang bilis pa rin sa pagtibok. At mas lalo lamang itong bumibilis sa pagtibok sa tuwing naaalala ko ang sinabi at ginawa ni Eros. Bakit ba hindi mawala sa isipan ko ang nangyari at sinabi niya kanina? Nakakainis na!
“Ate!” “Eris!” sabay na sigaw ni Triton at Jupiter. “Anong nangyari?” sabay pa ulit nilang sambit ng makarating sila sa kusina.
Marahan akong umiling. “Wala, namalikmata lang ako. Akala ko may ipis,” labas sa ilong kong sagot.
“Talaga?” may bahid ng pagdududa naman nilang tanong.
“Oo nga. Kumuha lang ako ng tubig na inumin kasi nauuhaw na ako,” paliwanag ko sa tanong nila at sa makahulugan nilang tingin.
“Eh, bakit ka sumigaw?” nagdududang tanong ng kapatid ko.
“Wala nga!” mariin kong sagot. “Pahingi na nga lang ako niyan,” pag-iwas ko sa tanong niya at saka dumampot sa chips na hawak niya at saka ako nagmamadaling pumunta sa sala at umupo sa sofa habang pilit na umaarte na normal lang ang lahat.
It's strange. Why is my heart still beating so fast? Para bang walang balak ang puso ko na kumalma at bumalik sa normal nitong pagtibok.
“Oo nga pala, Eris. Sa concert na gagawin ng communication arts at multimedia department pumunta ka, ha. I’ve already reserved a seat for you,” sambit ni Jupiter.
“Kailan?” tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa panonood ng volleyball game na napili nilang panoorin.
“Medyo matagal pa naman kaya wala pang exact date.”
“Kasama rin ako doon, Ate,” puno ng excitement na sabi naman ni Triton.
“Okay, pupunta ako,” sagot ko habang patuloy pa rin sa panonood kahit na wala akong maintindihan at paglantak sa junk foods na nasa harapan namin.
“Huwag mo na siyang isipin, Eris. Calm your heart and relax,” pipi kong usal sa aking sarili.
…
“Tell me, Eris. What’s between you and Eros? What’s your relationship status?” Jupiter asked me out of the blue habang sabay kaming kumakain ng tanghalian.
“Ha!” gulat kong sambit kasunod ng marahas kong pag-ubo.
“Uminom ka muna ng tubig!” tarantang sabi naman ni Jupiter nang sa hindi ko malamang dahilan ay nasamid ako, kahit wala namang laman ang aking bibig.
I thanked him matapos kong inumin ang tubig habang hinahagod naman niya ang aking likod.
“So, anong sagot mo sa tanong ko?” he asked again.
Seriously? Is he really asking me that question?
“Wala,” walang emosyong sagot ko.
“Talaga?” may bahid ng kung ano sa tono niya at sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Tila ba hindi siya kumbinsido sa sagot ko at para bang may kung anong masamang ideya at konklusyon ang naglalaro ngayon sa kaniyang utak.
“Oo nga!” mariin kong sagot. “Teka nga, hindi ba may klase ka ngayon?”
“Oo, pero mamaya pa ‘yon. Mga twenty minutes from now pa,” sagot niya at saka muling kumagat sa sandwich na binili niya.
“Kakain ka ba o mag ri-review?” he asked after a minute of silence.
“Both,” sagot ko at saka sumubo muli ng pasta na hindi inaalis ang tingin sa aking notebook.
“Hay naku, paano ka naman mabubusog niyan?” saad ni Jupiter at saka inagaw ang notebook ko.
“Jupiter!” singhal ko.
“Puwede ba! Kumain ka na muna at mamaya ka na mag-review,” mariin niyang sambit ng ilapag niya sa kaniyang tabi ang aking notebook. “Kumain ka na muna. Okay,” utos nito habang seryosong nakatingin sa akin. Kaya naman sinunod ko na lang siya.
It has been like this ever since. Ever since I was young there’s nothing I care about, and there’s nothing important to me, aside from my studies and my family. Since I was young my grades have been my only concern. Unlike the other kids who were busy playing with their friends outside, I was just sitting in a corner and studying. I only played a few times with Triton and Kuya Tristan. I don’t even have a single friend whom I talk to because I was fine being alone.
Not until Jupiter came, it was when we were in high school. He was first friends with Triton and then since we are in the same class he keeps on talking to me. Dahil naman daw kapatid ko si Triton ay kaibigan niya na rin ako. And the rest was a long story on how we became best friends.
I was fine by just having him as a friend, I don’t like being surrounded by a lot of people anyway. One friend is enough for me.
“Having lunch together?” tanong ng pamilyar na boses.
“Deimos. Yes, we had. But, I need to go now. May klase pa ako,” saad ni Jupiter bago tumayo.
“Ate, okay lang ba kung dito na kami maupo ni Kuya Deimos?” tanong ni Triton na nasa tabi ko na ngayon.
I just nod as a reply. Nandito naman na pati sila.
“I’ll be heading ahead,” Jupiter said.
“Wait! ‘Yong notebook ko,” pigil ko sa kaniya.
“Ito na po,” he said as he gave back my notebook and gently pats my head.
“I’m not a puppy!” asik ko.
“Okay, okay. Sige na mauna na ako,” e said as he removed his hands and raise it as if he was a criminal who was caught by a police officer.
“Kuya Jupiter, pupunta ka po sa bahay mamaya?” pahabol na tanong ni Triton.
“Maybe, bahala na,” sagot niya at saka nagmamadaling lumabas ng cafeteria.
“Is he always at your house?” curious na tanong ni Deimos.
“Yes, he was like a family to us already,” masayang wika ng kapatid ko.
“Mauna na ako. I still have afternoon class,” paalam ko pagkatapos kong kumain.
“Okay. Ate, puwede bang doon kami ulit sa bahay mag-practice ni Kuya Deimos?”
“Bahala ka, basta magpaalam ka kay Tita at Papa, sagot ko at saka ako tumayo at nag-umpisang maglakad palabas ng cafeteria.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may kung sino na naman ang humila sa akin. Bakit ba lagi na lang akong hinihila? Did I do something wrong to be treated like this?
“Ano ba bitawan niyo nga ako!” sigaw ko sa dalawang lalaki na biglang humila sa akin paglabas na paglabas ko pa lang ng cafeteria.
“Huwag ka ngang sumigaw! You’re making a scene,” madiing saad ng isa sa humila sa akin at ngayon ay hawak ang aking kanang braso.
“Hindi pa ba iskandalo ang ginagawa niyo sa lagay na ‘yan?” pilosopong tanong ko.
Ayaw ko man na kausapin at pansinin sila ay wala akong choice. Hinihila na ako at lahat ay hindi pa ba ako mag ri-react? Hindi ito ang oras para balewalain ko ang nangyayari sa paligid ko.