“What do marketing students need from a chemistry major, huh?” tanong ko sa kanila habang sinusubukan kong hilahin ang aking braso, ngunit bigo ako.
They are wearing the designated uniform of their department, unlike the Science department who doesn’t need to wear one. Hindi nila suot ang school identification cards nila kaya naman hindi ko malaman ang pangalan nila.
They are also taller than me. I think they are about six feet tall, more or less, and they have a bigger build. Both of them have broad shoulders and upon seeing their arms I can conclude that these two men had a toned body. Which explains why I can’t pull my arms away.
“Sumunod ka na lang,” saad naman ng isa na nasa harapan ko.
Humarap siya sa amin kaya naman kaagad na huminto ang lalaki sa kanan ko. Marahas niyang hinawakan ang aking baba upang magpantay ang aming tingin. Hindi naman ako nagpatalo sa kaba, at pilit kong pinantayan ang intensidad ng kaniyang mga mata na nakatuon sa akin.
“Kung ayaw mong masaktan,” dagdag pa niya bago bitawan ang aking baba.
Muli ay pilit na naman akong hinihila sa braso ng lalaking nasa aking kanan. And for the nth time, I tried to pull my arm from his grip.
“Hoy! Saan niyo siya dadalhin!” narinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman muling tumigil sa paglalakad ang lalaking nasa harapan ko at ang lalaking may hawak sa akin.
“Si Nix at Kale,” bulong ng lalaking may hawak sa akin matapos nitong lingunin ang direksyon ng sumigaw.
“Teka. Kayo ‘yong bumugbog kay Eros noong first day ng school year,” Kale said as he shifted his gaze from me to these two who were trying to drag me off to somewhere.
“So, what?” mayabang at matapang na tanong ng lalaki na nasa harapan ko.
“Bitawan n’yo siya,” matapang na saad naman ni Nix na ngayon ay papalapit na sa amin.
“Paano kung ayaw ko?” paghahamon ng lalaking may hawak sa akin.
“Hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari,” sarcastic na sagot naman ni Nix. “One thing’s for sure. You won’t like it,” buong kumpiyansa niyang dagdag na para bang balewala sa kaniya kung mas nakatatanda at senior namin ang kaharap niya.
“Ano bang kailangan niyo sa kaniya?” mahinahong tanong naman ni Kale. “Para makaganti kay Eros? Dahil ba nakatanggap ng demerits at warning for expulsion ang mga kaibigan niyo ay gagamitin niyo siya?” Kale continued as a smirk flash on his face. Making this two man pissed.
“Aray!” reklamo ko nang mas humigpit ang hawak sa akin ng lalaking nasa kanan ko. “Bitawan mo na nga ako!” singhal ko sa kaniya. “Kung si Eros ang kailangan niyo, eh, ‘di puntahan niyo siya,” naiinis na pagpapatuloy ko kasunod ng buong lakas kong paghila sa aking braso. Pero talagang malakas ang lalaking may hawak sa akin. Para lamang akong batang hawak ng aking magulang dahil nagmamaktol ako.
“Sinong may sabi sa inyo na puwede nyong lapitan at hawakan si Cyllene!” galit na sigaw ni Eros nang sa isang iglap ay bumagsak ang lalaking kaharap ni Nix.
Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Eros na tila handa ka na niyang patayin o bugbugin anumang oras. Para siyang toro sa isang bull fight.
“Sabi na at darating ka,” nakangisi na sambit ng lalaki na may hawak pa rin sa akin.
Samantalang si Nix at Kale naman ay hawak na ngayon ang lalaki na sinuntok ni Eros. At katulad ko ay pilit din nitong binabawi ang braso na hawak nina Nix at Kale.
“Bitawan mo si Cyllene,” matapang na sambit ni Eros habang naglalakad palapit sa amin. At sa bawat hakbang niya palapit ay unti-unti namang humihigpit ang hawak sa aking braso, dahilan para mapangiwi ako sa sakit.
“Why would I?” pinaghalong pang aasar at paghahamon na sagot niya kay Eros kasabay ng paghila niya sa akin palapit sa kaniya.
“You would soon regret what you have done,” malamig ngunit puno ng pagbabanta na saad ni Eros ng subukan niyang abutin ang isa kong braso, ngunit bago pa man niya maabot ang aking kamay ay biglang umikot ang aking paligid.
“Cyllene!” sigaw ni Eros nang itulak ako ng lalaki na may hawak sa akin. Halos sumubsob ang mukha ko sa semento. Naramdaman ko rin na nagkagasgas ako sa siko at tuhod.
“You!” nanggagalaiting asik ni Eros nang sugurin niya ito at suntokin sa mukha na kaagad din namang nasalag ng tumulak sa akin.
Magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Eros na pilit naman na sinasalag ng kalaban. Ilang segundo pa silang nagpalitan ng suntok hanggang sa napaupo ang lalaki habang si Eros ay walang tigil pa rin sa pagsuntok. Sila Nix at Kale naman ay abala rin sa pagpigil sa isa pa na makawala sa kanila. And, if I didn't know why they were holding him, I would probably think that they're playing tug of war.
“Eros!” sigaw ko ng maka-recover na ako sa gulat at upang awatin siya dahil halos napapalibutan na kami ng mga kapwa namin estudyante.
Marahan akong tumayo dahil mahapdi ang mga gasgas ko sa tuhod at siko. Gusto ko man na umalis na lang at balewalain ang nangyayari katulad ng parati kong ginagawa ay hindi ko magawa ngayon. There is this tiny voice deep within me that was telling me to stop him.
“Tama na!” awat ko kay Eros dahil hindi lang suspension ang maaari niyang matanggap kapag nakarating ito sa faculty. “Eros! Tumigil ka na,” awat kong muli sa kaniya ng sa wakas ay napigilan ko ang kaniyang kamay sa pagsuntok.
“Shut up!” sigaw ni Eros at saka niya pilit na inagaw ang sariling kamay na pinipigilan ko.
Nang agawin niya ito ay tinamaan naman ang aking mukha ng kaniyang kamao -sa ilong to be exact. At halos tumalsik ako sa lakas ng impact nito. For a second, I thought that the bone of my nose had broken.
“Cyllene!” sigaw ni Kale. Mabilis niyang binitawan ang brasong hawak na kaagad namang hinablot ni Nix at mabilis siyang pumusisyon sa likuran nito habang hawak niya ang pareho nitong palapulsuhan. Kaya naman mas lalo itong nahirapan na bawiin ang braso na hawak ni Nix.
“Your nose! It’s bleeding,” sigaw pa ni Kale ng makalapit siya sa akin upang alalayan akong tumayo.
Hinawakan ko naman ang aking ilong at pisngi na kumikirot na rin sa sakit. At tama nga si Kale dumudugo ito, dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang pag-agos ng dugo mula sa aking ilong.
“I’ve had enough!” wala sa sariling sigaw ko. Mabilis naman na tumigil si Eros sa pakikipagsuntukan, maging ang kaniyang kalaban ay tumigil rin.
“Bakit ba napasali pa ako sa g**o na ito? Where in the first place I wasn’t involved in! This was so childish! Nonsense! I don’t care what you guys are on, or into, and why are you mad at each other. Besides, I have nothing to do with Eros, so if you could excuse me!” buong lakas na sigaw ko at saka ako tumalikod at dahan-dahang umalis sa lugar na iyon. Kahit pa na kumikirot ang sugat ko sa tuhod at siko, maging ang ilong ko na patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Eros sa akin ngunit mabilis siyang napigilan ni Kale at ng lalaking kaaway niya.
“Cyllene, anong nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Thyone ng makasalubong ko siya sa hallway papuntang clinic.
“Wala,” tipid kong sagot habang patuloy lang ako sa paglalakad kahit pa na iika-ika na ako.
“Sigurado ka? Eh, tingnan mo nga ‘yang tuhod mo. May sugat tapos ‘yang siko, pisngi at ilong mo pare-parehong may dugo,” komento niya habang isa-isa niyang itinuturo ang bawat parte ng katawan ko na may dugo. “Tara sa clinic. You need to clean and disinfect your wounds,” dagdag niya pa.
Sasalungat na sana ako sa suhestiyon niya pero mabilis pa sa kidlat niyang naagaw ang aking bag. Kaya naman sumunod na lang ako dahil masyadong maraming nangyari sa akin ngayong araw para makipagtalo pa sa isang kaeskwela na nagmamagandang loob.
“Diyan ka lang. Kukunin ko lang ang first aid kit,” utos niya nang makarating kami sa clinic pero wala ang nurse.
“Ako na,” sabi ko nang makabalik si Thyone dala ang first aid kit at saka siya umupo sa upuan na katabi ko.
“Ako na,” pagsalungat ni Thyone. “Maupo ka lang diyan,” pagpapatuloy niya habang binubuhusan ng alcohol ang bulak.
“Mahapdi!” nakangiwing reklamo ko nang ipinahid niya sa aking tuhod ang bulak na may alcohol.
“Malamang! Alcohol kaya ‘to,” aniya. “Huwag kang malikot para malinis ko nang maigi itong sugat mo. Kung ayaw mo naman, puwede kong ibuhos itong alcohol at betadine sa sugat mo,” pagbabanta niya sa akin kaya naman nanahimik na lamang ako at pilit na tiniis ang hapdi ng bawat pagdampi ng bulak.
Matapos ang ilang minuto ay natapos din si Thyone na linisin at lagyan ng large size band aid ang mga sugat ko.
“Salamat,” pasasalamat ko kay Thyone na kasalukuyang inaayos ang first aid kit.
“Sa susunod kasi mag-ingat ka. Tara na. Five minutes na tayong late sa klase,” sagot niya sa akin na ‘di man lang lumilingon. Sa halip ay dire-diretso na siyang lumabas ng clinic bitbit ang aking bag.
ONE WEEK had passed by since the day when those marketing seniors tried to use me as their bait to get back at Eros. And since then, once again, Eros stopped coming to school.
Paano ba siya makaka-graduate kung ganiyan siya? Alam naman niyang hindi madali maka-graduate sa course na ito. But I don’t care about him anymore. I had nothing to do in his life, and it was none of my business. My hands and mind are now full of my concerns. I don’t have any room here to think or worry about him.
“Balita ko hindi na naman daw pumapasok si Eros?” tanong ng may pagka tsismoso kong kaibigan na nandito na naman sa bahay namin.
“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kaniya habang abala ako sa pagtipa sa aking laptop.
“Eris, famous po kaya sa university natin si Eros,” sarcastic na sagot ni Jupiter na para bang napaka-obvious ng sagot sa tanong ko. “Lots of girls are crushing on him.”
“As if,” mabilis na salungat ko sa kaniya.
“Yes, he is. And just like you, he was one of the top five students in Science Department who got the highest score during our entrance exam,” paliwanag ni Jupiter na ngayon ay nakaupo na sa aking kama at abala sa pangingialam sa aking libro.
Him? On top five? If I’m the fifth, then it means that he was either the first, second, third, or fourth. Pero sa pagkakaalam ko, si Thyone ang fourth, ang second at third naman ay parehong nasa Biology ang major. Ibig sabihin siya ang top one. But he doesn’t look like one.
“And, I heard the news,” Jupiter continued as he flipped the next page of the book he was reading.
“News?” I asked as I continued doing my homework from one of our unit subjects.
“That he saved you from those marketing thugs who tried to abduct you,” Jupiter answered in his most monotone voice.
“Abduct? That’s an exaggeration. They just wanted me to get back at Eros. Dahil nabugbog sila noong first day ng school year,” paliwanag ko na para bang matagal na panahon na ang lumipas mula ng nangyari iyon.
“But I never heard about it from you!” he exclaimed as he closed the book he was holding. “Hindi mo rin sinabi sa akin kung bakit ka nagkapasa at sugat. At mas lalong hindi mo sinasagot ang tanong ko tuwing tinatanong kita kung paano ka nagkasugat,” sermon niya sa akin.
“Kasi hindi naman ‘yon mahalaga.”
“You really like to take things by yourself. Bakit pa ba tayo naging magkaibigan kung ‘di ka rin naman magsasabi sa akin ng problema mo?” reklamo niya sa akin.
“You know me better than anyone else, Jupiter,” I answered him as I stopped typing and then turned my swivel chair to face him. “Don’t worry if ever, I feel like I can’t handle things on my own. I’ll tell you right away, satisfied?” I continued with a bit of sarcasm in my tone.
“Good,” he said proudly. “By the way, have you thanked him for saving you from those thugs?”
“Why would I? Eh, siya naman ang dahilan kung bakit ako napagtripan ng mga seniors,” I answered exasperatedly.
“You are hopeless,” he said dispiritedly before he flicked my forehead.
“Me, hopeless? How can you say so?” I retorted as I rubbed my forehead.
“You should thank him. Kahit na siya pa ang dahilan kung bakit ka nadamay sa g**o na ‘yon, hindi pa rin maalis ang katotohan na iniligtas ka niya. Kasi kung hindi siya dumating kaagad, ano sa tingin mo ang puwedeng mangyari sa’yo? So, you should thank him,” mahabang sermon niya sa akin.
“Pag-iisipan ko,” tipid kong sagot para tumigil na siya..
Should I thank him? Should I approach him first?