Chapter 6

2163 Words
Sa nakalipas na isang linggo ay walang Eros na laging nambubulabog sa tahimik kong mundo, walang Eros na laging nangungulit na samahan ko siya na kumain sa labas at ihatid ako pauwi. I should be happy that my quiet life has been back. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ako masaya? At bakit parang may kulang? Nasanay na ba ako na laging nandito si Eros sa tabi ko at kinukulit ako? Ay ewan ko! I, myself, don’t even understand what’s happening to me anymore. And now here I am. Nakatayo sa tapat ng coffee shop nila, nagdadalawang isip kung dapat ba akong pumasok, o, aalis na lang. “Cyllene!” masiglang tawag ni Clyde sa aking pangalan paglabas niya ng coffee shop. “What are you doing here?” “Nothing,” I replied before I turned my back at him and started walking away. “Are you looking for Eros? Nandito siya. Let's go!” he said as he dragged me on the way to their cafe. “Eros! Nandito si Cyllene!” he announced as soon as we stepped inside. Gulat na reaksyon naman ni Eros na kasalukuyang nasa counter ang sumalubong sa akin, abala siya sa pag-asikaso sa mga customer at pagkuha ng mga orders. His midnight black eyes widen upon seeing me standing by the door. And seeing him smile at every customer strangely makes my heart flutter. It feels so weird. “Doon na muna ako sa office. James, ikaw na muna sa counter,” utos ni Clyde sa isa nilang staff bago siya pumasok sa opisina nila at iniwan akong nakatayo ngayon dito sa harap ng counter. “Have a sit first,” Eros casually said as he guide me towards the empty seat beside the glass wall. “Salamat,” mahina kong sabi habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Bakit ba ako kinakabahan? Magpapasalamat lang naman ako sa kaniya. ‘Yon lang at wala ng iba. “Here, my treat,” sabi niya matapos ilapag sa lamesa ang dalawang tasa ng kape at isang platito na may isang slice na carrot cake. “I thought you hate me?” he asked. His tone doesn’t have any emotion the same as his facial expression that remains stoic even after he sat at the chair across from me. Ilang segundo ang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula habang si Eros ay tahimik lamang na pinapanood ang bawat dumadaang tao at sasakyan mula sa clear glass wall. “I don’t--” I paused for a second as I bit my lower lip to ease my nervousness. “I don’t hate you, nor mad at you. It was just that I was taken aback by the situation,” walang pag-aalinlangan kong sabi. “I also want to thank you for saving me that day.” “You shouldn’t thank me. Kasalanan ko naman kung bakit ka nadamay, nasugatan ka pa,” he said when he finally averted his gaze from the road to face me. “I’m sorry if I yelled at you.” It was the first. This is the first time that I say sorry and thank you except for my family and my bestfriend. “So, friends na ulit tayo?” nakangiti at puno ng enthusiasm na tanong ni Eros. Inilahad niya ang kamay niya habang ako naman ay tulala dahil sa mabilis na pagbabago ng mood at ekspresyon ng mukha niya. Kanina lang ay para akong estranghero sa kaniya. Friends, huh? “Eris, sa tingin ko dapat palawigin mo pa ang mundong ginagalawan mo. You should take a step away from your cage. Aren’t you lonely nor envious to the other girls of our age out there who are happily chatting and hanging out with their friends?” mahabang sabi ni Jupiter habang tinutulungan niya akong isampay ang mga damit namin na nilabhan ko. “No. I'm contented with my world. I love my quiet and peaceful space. Just having you was enough, your noise was enough for me to handle,” diretsahang sagot ko. “But, Eris. I think it was better if you loosen up. If you would just open yourself to others, you will see how beautiful and fun our youth is. How beautiful our life and the world are. And having a few more friends wouldn’t do any harm to you. Take it from me,” he said after letting out one whole year's worth of deep sigh. Siguro nga tama si Jupiter. I contemplated after I recalled what Jupiter told me the other day. Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ang pinto ng munti kong mundo sa iba. But, it might take time for me to be used to it. I will need some adjustment to get used to having friends aside from Jupiter. “Yeah, friends,” tipid ang ngiti sa labi kong sagot sa tanong ni Eros bago ko abutin ang kaniyang kamay na nakalahad. “Talaga!” tila walang pagsidlan ng tuwa na sambit ni Eros. “Clyde! Clyde! Pinsan!” parang batang sigaw ni Eros habang nagmamadali siyang lumapit sa pinsan na tarantang lumabas ng kanilang opisina. “I and Cyllene are now friends!” Eros shouted as he ran towards Clyde na kalalabas pa lang ng kanilang opisina. “Oh, okay,” Clyde said indifferrently. “So it means that we are also friends now?” dagdag niya pa habang naglalakad papunta sa direksyon ko. He even stretch his hands out as a gesture of handshake while his other hand was on Eros’s shoulder. “Yes,” I simply answer as I accept his hand. After that, both of them sat at the chair opposite to me, and then, they start to blabber random things while I just silently listen to them. They do get along so well. And their noise, I was so overwhelmed by it since all of this was still new to me. Looking back to my friends’ list history, the fingers of my feet and hands are enough to count how many friends I got these past two decades of my existence. People might see it as being left out by my peers, but, for me, that was peace. “Yoh!” sabay na bati ng dalawang pamilyar na boses. “Kale, Nix. Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?” Clyde asked them with sarcasm. Hindi na ako nag-abala na lingunin ang direksyon nila. Sa halip ay itinuon ko na lamang ito sa cake na nasa aking harapan. Habang si Eros naman ay nakangiti pa rin at nakapangalumbaba habang pinapanood akong kumain. “Masamang hangin talaga!” reklamo ni Kale kay Clyde. “Bakit may karatula at batas ba na nagsasabing bawal kami ni Nix dito sa cafe niyo, ha?” pambabara pa ni Kale. “Paano mo nalaman? May nakita ka bang karatula sa labas ng shop? Ang alam ko kasi invisible iyong ipinalagay ko?” Clyde mischievously retorted. “Pasalamat nga kayo kasi nadagdagan ng dalawa ang customer niyo,” sagot naman ni Nix. “Marami pa rin kaming customer kahit wala kayong dalawa. Kaya salamat na lang sa pagpunta niyo. Makakaalis na kayo,” banat pa ni Clyde. Lihim naman na natawa si Eros sa sinabi ng pinsan. And, now that I am looking at him this close, I can clearly see his dimples showing while he chuckles. His adams apple slightly moves, and his perfectly aligned white teeth are also showing. Puwede siyang maging commercial model ng isang toothpaste brand. Guwapo siya kaya naman magiging madali lamang sa kaniya ang maging modelo. Tiyak na hindi naman magkamayaw ang mga admirer niya kapag nangyari ‘yon. “Ano ba ang iniisip mo Cyllene! Enough of that!” sermon ko sa sarili nang mapagtanto ko na nakatitig na rin ako kay Eros. “Seriously? Why am I gawking at him?” “Is that how you treat your customers?” sarcastic na sambit naman ni Nix. “Obvious naman siguro na hindi, ‘di ba? Maliban sa inyong dalawa,” masungit na sagot ni Clyde. Kung magbangayan sila parang walang customer dito sa loob ng cafe. Hindi ba nila napapansin na halos lahat ng customer ay nakatingin na sa direksyon namin? Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanila. Pare-pareho silang matangkad, guwapo at maganda ang pangangatawan. “Ay naku! Diyan na nga kayo,” pikon na sabi ni Clyde nang nagkibit balikat lamang si Nix. “Babalik na muna ako sa office para tawagan ang suppliers natin to confirm the deliveries,” dagdag niya pa bago tapikin sa balikat si Eros at saka siya nagsimulang maglakad pabalik sa kanilang opisina. “Cyllene, how are you? Magaling na ba ang mga sugat mo?” tanong ni Kale habang hinihila ang upuan sa isang bakanteng table papunta sa tabi ni Eros. “Ha?” sandali akong natigilan dahil hindi ko inaasahan na kakausapin ako ni Kale, lalo pa at halos pagbantaan niya ako ilang linggo pa lamang ang nakalipas. “O-oo, magaling na ang sugat ko,” sagot ko sa tanong niya. “Mabuti naman.” “What do you wanna have? ” tanong ni Eros sa dalawa. “Just the usual,” sagot ni Nix na abala sa pagta-type sa kaniyang cellphone. “Ate Lyn, the usual order for this two. Salamat po,” utos ni Eros sa isa sa mga staff nila. “Okay po, Sir.” “Usual?” nagtatakang bulong ko. Paanong nagagawa pa rin ni Eros na maging kaibigan ang dalawang ito sa kabila ng nalaman niya. Na hindi naman sincere ang dalawang ito na maging kaibigan siya? If I was him, I would already stop talking to them. “Madalas kasi sila dito, at saka okay na kami,” masayang sabi ni Eros. “We already settled the problem.” “This time, it was pure friendship. No hidden agenda,” depensa ni Nix. “Okay,” tanging sagot ko. Kahit na ang totoo ay hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Nix. “Excuse me. I’ll go ahead,” pamamaalam ko dahil hindi ako gaanong komportable na kasama sila Nix at Kale. Maaaring tinulungan nila ako, pero hindi noon mababago ang first impression nila sa akin. “Aalis ka na agad? Kadarating pa lang namin ah. Dito ka muna.” sambit ni Kale na ngayon ay nakahawak sa laylayan ng damit ko. “Sorry, but I’m going ahead,” pagtanggi ko sa kanila dahil kahit pa na nagbago na ang pakikitungo nila kay Eros ay hindi pa rin ako komportable sa kanila. “Can’t you spare us a minute of your time?” tanong ni Nix. “Sorry, but I need to go. I still need to review today’s lectures so that I will be prepared if there would be a surprise quiz or practical, and I also need to advance study,” paliwanag ko. “Hayaan niyo na siya,” sambit ni Eros na ngayon ay kararating lang sa puwesto namin bitbit ang pagkain ng dalawang ito. “Okay,” sabay na sagot ng dalawa. “Cyllene ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Eros matapos ilapag sa lamesa ang tray na may lamang dalawang espresso at sandwich. “Hindi na kailangan, Eros. I can go home by myself,” pagtanggi ko sa alok niya. Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Eros, tumalikod na ako at saka naglakad papunta na sa pinto. May trabaho siyang dapat askasuhin dito. And I don’t want to be a nuisance, I don’t want o get in the way of his work. “Sabi ko ihahatid na kita kaya ihahatid na kita. Can’t you just accept my offer?” sambit ni Eros na sumunod sa akin palabas ng cafe nila at ngayon ay naglalakad sa tabi ko. “I also said that you don’t need to,” I insist. “But I want to, so I will. Tara na,” he protested as he drag me towards the basement, the parking space for the residents of the apartelle above their coffee shop. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik lang. Ako ay abala sa pagmamasid bawat madaraanan habang si Eros naman ay naka-focus sa pagmamaneho. Bakit pa ba siya nag-drive? Samantalang, twenty five minutes, or more, na paglalakad lang ay nasa bahay na ako. “Thank you,” pasasalamat ko sa kaniya bago ako bumaba sa kaniyang kotse. “You may go now. Baka magalit na sa ‘yo si Clyde,” dadag ko bago pa man siya bumaba ng sasakyan. “I will go after you,” pagsalungat niya. “Then I’ll go ahead. See you on Monday,” I said as I turned my back at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD