Chapter 47 Release

2019 Words

"Manang, nakakapagtaka naman...bakit ang tahimik sa labas?" tanong pa ni Socorro sa ginang. Bitbit niya si Arkin sa oras na iyon. "Naku, hindi ko nga alam kung bakit..." sabi pa ng ginang na dahan-dahang naglakad at sumilip sa bintana. "Masama ang kutob ko..." sabi pa ng ginang na hindi maalis ang tingin sa labas. "Wala rin po tayong signal dito, kanina ko pa napapansin, walang bars ang signal." Reklamo pa ni S sa ginang. "Manang ang mabuti po'y dalhin po ninyo si Arkin. Magtago po kayo sa undereground." Sabi pa ni Socorro. "Pero...dapat ay kasama kayo," suhestyon pa ng matanda. Pero imbes na rumesponde ay dahan-dahang ibinigay ni S kay manang si Arkin. "Sige na po, dito lang po ako, gusto ko pong masigurado ang lahat. Pupuntahan ko po ang satellite sa may watch tower." Sabi pa ni S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD