Halos liparin ni Casmiro ang speedboat na sinasakyan sa oras na iyon, hindi siya magkamayaw habang pababa sa dalampasigan. Nasa Siargao na siya, at nalaman niyang kaka-pull out lang ng mga kapulisan sa bangkay ni Chloe. Nalaman niyang nahulog ito sa matarik na pampang, doon sa may watch tower. "socorro! Socorro!" tawag pa niya sa oras na iyon. Ganoon din si Socorro na patakbong binungad ang binata. "Casmiro! Casmiro!" tawag pa niya habang tinatakbo ang labasan. Doo'y nakita niya ang lalaking pinakamamahal niya. Suot nito ang nag-aalalang mukha. Hindi nagtagal ay kapwa niyakap nila ang isa't-isa. Naiiyak sila sa tuwa nang mga oras na iyon. Hindi nila maitago ang emosyon. Lalo pa't narinig ni Casmiro na kamuntikan na umanong mahulog si Socorro sa bangin. "Pinag-alala mo ako!" yakap na sa

