Chapter 5

1209 Words
THE EX-CON’S COUNTERATTACK -CHAPTER 5   AMARA’S POINT OF VIEW.               Kanina ko pa pinagmamasdan ang loob ng bahay. Hindi maipagkakaila na isang mayaman at maimpluwensiya ang naninirahan dito. Kung sa labas ay napakaganda nito tingnan, dito sa loob niya’y mas lalo kang mamamangha. Walang-wala ang bahay namin sa bahay na ito. Isa kayang prinsipe ang nakatira dito?   Tumingin ako kay Papa at katulad ko’y tahimik lang din siyang nakamasid sa buong bahay. Nandito kami ngayon sa harapan ng isang kulay brown at makintab na hagdan. Sabi kasi ng kaninang katulong na sumalubong sa amin ay rito na lang daw namin hintayin ang kung sino mang nagpatawag sa amin dito. Wala naman kaming magawa dahil sa totoo lang ay kinakabahan din ako.   Kinakabahan ako dahil unang-una ay ang lalaking kanina sa gate na may hawak na baril at nakakasiguro akong may mga lalaki pang nagkalat sa bahay na ito na may hawak ding baril. Kaya malakas ang dagundong ng puso ko sa mga oras na ito. Kung ito man ang katapusan ko, sana man lang ay makaranas ako na magkaroon ng boyfriend kahit isang beses o isang linggo mang lang.   “Pababa na po si Boss B. Hintayin niyo na lamang po siya.” Nakuha nang nagsalit ang atensiyon ko kaya sa kaniya ako napatingin, isang nakasuot na pang-maid at nakakasiguro akong isa siya sa mga katulong ngunit may kaibahan ang kaniyang suot na uniform.   Agad din itong umalis kaya sa iba ko na ibinaling ang atensiyon ko. Mabuti na lang din at mayroong upuan dito kaya rito kami pumuwesto ni Papa. Para naman hindi kami mangalay sa kakatayo, tapos ang tagal pang bumaba ang kung sino mang Boss B na sinabi nung katulong.   Pero aside from that, wow! Napapa-english na ako sa isipan ko. Epekto ba ito nang pagkakaapak ko sa isang mansion?   Pero seryoso, kakaiba ang pakiramdam ko sa bahay na ito kanina pa. Bukod sa kaba, nakakaramdam ako ng lungkot at pangungulila. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko iyon o sadyang nangungulila lang ako sa namatay kong Mama? Malaki ang espasyo rito sa loob ng mansion ngunit napaka-plain lang ng mga desenyo, wala ring mga paintings o hindi kaya’y malaking portrait ng kung sino mang nakatira dito. Hindi ba ganoon sa mga mayayaman? May portrait sila sa kanilang bahay. At isa pa’y mararamdaman mo ang lungkot dito dahil sa ginamit na kulay, itim, grey, at puti. Umiling ako. Baka ako lang nag-iisip nun dahil baka paborito nilang kulay ang tatlo.   Sana lang ay mali ang nararamdaman ko dahil kung ganoon naman pala ang nararamdaman ng mga nakatira dito, edi sa ibigay na lang nila sa amin itong bahay tapos lisanin nila!   Napabalik ako sa reyalidad nang tumayo si Papa at tumingin sa hagdanan. Kaya roon ko naibaling ang tingin ko at nakita ang isang lalaking pababa sa hagdan. Mabilis din akong tumayo at tumabi kay Papa. Hindi rin nawala ang tingin ko sa lalaki, malayo pa lang ay pamilyar na siya sa akin at hindi nga ako nagkakamali nang luminaw ang mga mata ko’t na sa ibaba na siya. Siya! Siya iyong lalaking naging costumer ko noon sa shop na nagpa-arrange ng tulips. Hinding-hindi ako nakakalimot ng costumers lalong-lalo na ang katulad niyang guwapo.   “Magandang umaga po sa inyo, kami po ang Amara’s flower shop and services,” pagbati ni Papa rito nang makalapit ito sa aming puwesto. Nakatitig pa rin ako sa kaniya lalong-lalo na sa kaniyang kulay asul na kulay ng mga mata.   Bigla itong tumingin sa akin kaya mabilis akong tumungo upang hindi niya ako mahuling nakatingin sa kaniya. Nakakahiya kung mahuhuli niya akong pinagmamasdan ko siya. Kung bakit kasi para akong napako sa kaniyang mukha lalong-lalo na ang kaniyang mga mata?   “Kumain na ba kayo? This is too early to go here,” sagot niya kay Papa gamit ang isang baritonong boses at nakakapanindig balahibo. Napapansin kong hindi pa rin nito binabawi ang tingin sa akin kaya nanatili akong nakatungo.   “Kumain na po kami,” sagot naman ni Papa.   “Then, you can start decorating this area as well as the entrance of my house.”   Inangat ko ang tingin ko nang mapansin kong tumalikod na ito sa amin. Tumingin ako kay Papa ngunit nakatingin lang ito sa lalaking naglalakad na papalayo. Tila ba malalim ang kaniyang iniisip kaya siniko ko siya nang mahina na siyang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Nakakunot na ngayon ang kaniyang noo.   “Narinig mo ba iyong sinabi niya, ‘Pa? Magsimula na raw po tayo,” sabi ko rito.   Napakamot siya sa kaniyang batok at mahinang tumawa. Ako naman ang napakunot ang noo na nakatingin sa kaniya. Ano’ng mayroon bakit naging weird ngayon si Papa?   Hindi ko na lang pinansin iyon at nagsimula na kami sa aming gagawin. Ngayon ko lang din napansin na naipasok na pala lahat dito sa sala ang mga gamit namin at ang mga bulaklak. Sinamahan kami ni Manang Dolly, iyon ang pakilala niya sa amin. Sinabi rin niya ang mga gagawin namin kaya wala na kaming sinayang na oras ni Papa.   Inabala ko ang sarili ko sa paggugupit ng mga sumobrang dahon at dahan-dahan ko itong inilalagay sa vase upang ayusin. Hindi ko alam kung bakit kami pa ang pinapunta rito samantalang puwede namang ang mga katulong nito ang mag-ayos ng mga bulaklak sa vase. Pero dagdag kita rin naman ito sa amin kaya bakit magrereklamo pa ako?   Nang matapos ang ikalawang vase rito sa sala ay napangiti ako sa naging resulta. Simple lang naman ang pagkakaayos ko ngunit angat ang mga kulay ng bulaklak dahil na rin sa kulay ng mga kagamitan dito.   “You do really love doing this?” Mabilis akong napatingin dito at muntik pa akong mapatalon nang magsalita siya. Ang lalim kasi ng kaniyang boses na parang hinuhukay niya ang pagkatao mo.   “A-Ah, ikaw po pala iyan, sir.” s**t! Mara, alangan namang si San Pedyo iyan. Wala itong naging reaksiyon at seryoso lang na nakatingin sa ‘kin samantalang ako’y doble na ang kabang nararamdaman ko.   “You didn’t answer my question,” aniya nang hindi na ako magsalita.   Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil sa katangahan ko. “Ah-eh, opo. Ito na rin po kasi ang pinagkakaabalahan ko kaya siguro nagugustuhan ko na rina ng ginagawa ko,” sagot ko. Mabuti na lang ay hindi ako nauutal ngunit hindi ko kayang tumingin sa kaniyang mga mata.   “I see. Your works are amazing and if you wouldn’t mind, I have a business to discuss with you.”   Nabingi yata ako sa papuri nito sa mga gawa namin kaya hindi ko na halos naintindihan ang kaniyang mga sinabi. Parang nagtatalon sa tuwa ang puso ko. Gustuhin ko mang magsisigaw ngayon pero nakakahiya at baka makabasag pa ako kung gagawin ko iyon.     “S-Salamat po. A-Ano pong business?” tanong ko, ngayon ay nakatingin na ako sa kaniyang mga mata. Wala akong nakikitang expression sa kaniyang mukha, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata ngunit kahit ganoon ay para ka nitong hinihigop.   “I want you to be my personal delivery girl. Just deliver me every day of your flowers and I will pay you.”   Ano raw? Delivery girl? Bulaklak? Magbabayad? Wala akong naintindihan. Nahihipnotismo ako ng kaniyang mga titig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD