THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 52 AMARA’S POINT OF VIEW. Mag-iisang oras na siguro akong naghihintay rito sa waiting shed sa tapat ng isang convenient store. Malapit lang ‘to sa University kung saan ako papasok sa susunod na Linggo na. Excited nga ako dahil sigurado akong marami akong makikilalang mga estudyante at sana naman ay walang papatid sa akin sa unang araw ko. So, ayon na nga. Kaya ako naghihintay rito ay dahil kay sir Owen na gustong makipagkita sa akin ngayon. Eh dahil nga sa pinanganak ako sa America, hindi filipino time ang oras ko’t advance aong pumunta rito. Joke! Ang totoo niyan ay tumakas lang talaga ako sa mansion ni sir Barry. Kaya ako ang naunang pumunta rito dahil nakahanap ako nang pagkakataon na makaalis ng mansion. Sana lang ay h

