THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 51 AMARA’S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta. Nakasakay na kaming muli sa kaniyang kotse, nagpalit na muna kami nang mga damit kanina. Hindi ako komportable sa suot ko pero gandang-ganda ako rito sa suot kong gown. Hapit na hapit ‘to sa katawan ko, exposed tuloy ang hubog ng katawan. Pero bahala na, bagay naman sa akin. Gabi na pala nang hindi ko man lang namamalayan. Sa sobrang bilis nang t***k ng puso ko ngayon ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Ang tanging alam ko lang ay kasama ko siya ngayon, at masaya ako. Sa tapat ng isang mamahaling restaurant kami tumigil. Bumaba si sir Barry at ilang segundo lang ay mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto. Ako naman ‘tong dalang pilipina. Hinawakan

