THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 50 AMARA’S POINT OF VIEW Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako mapakali. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko sa tuwing napapatingin ako sa kuwartong iyon. Pakiramdam ko talaga ay may dapat akong malaman sa kung ano ba ang ibig sabihin ng mga nakita ko. Ang dami kong gustong itanong ngunit hindi ko alam kung kanino ko ‘yun itatanong. Sa tuwing napapatingin naman ako kay sir Barry habang sabay kaming kumakain. Seryoso siyang nakatingin sa kaniyang kinakain at napakamisteryoso niyang tingnan. Tila ba ang dami niyang sikretong itinatago. Kaya hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung sino ba talaga siya? Matagal na kaming nagsasama pero hindi ko pa rin siya kilala nang lubos. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero

