THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 49 AMARA’S POINT OF VIEW “Pst,” tawag ko sa pansin ni Benjamin na nakaupo malapit sa akin. Nandito na naman siya sa mansion habang si Sir Barry naman ay na sa kompanya. “Benjie,” muli kong tawag at kunot noong lumingon siya sa akin. Muli ko siyang pinagmasdan. Ngayon ko lang kasi napansin na parang nakita ko na siya sa kung saan mang lupalop ng mundo. Hindi ko lang matukoy kung saan. Hindi kaya’y sa mga new paper ko siya nakita tapos may naka-label na ‘wanted’? Pero hindi naman siya mukhang wanted, dahil sa katunayan nga niyan ay bagay na bagay siyang maging modelo. Modelo ng kojic soap, ang puti kasi niya tapos ang kinis din ng mukha. Mukha siyang baby face pero masungit. “What?” masungit niyang tanong. Noon pa man ay talaga

