THE EX-CON'S COUNTERATTACK – CHAPTER 61 AMARAʼS POINT OF VIEW Ang lawak nang ngiti ko habang naglalakad papasok ng mansion, bitbit ko ang dalawang malalaking paperbag na galing sa isang mamahaling store. Yes! Mamahalin! May tatak ng LV iyong isang bag na kinuha ko, at iyong isa naman ay C. “Maʼam, saan po namin ito ilalagay?” Lumingon ako rito. Ibinaba ko na muna ang suot kong sunglasses. "Oh, yeah! I forgot," sabi ko. "Paki lagay na lang doon sa living room, kuya." Tumango lang ito at sunod-sunod silang pumasok, bitbit ang bagong sofa, cabinet, isang flat screen na TV, at ang bagong chandelier na binili ko. "What's happening here?" Tumingin naman ako sa hagdan kung saan pababa si sir Barry, na mukhang kakagising lang. Wait? Kakagising? Hapon na, a? Wala ba siyang pasok? At saka, ba't

