THE EX-CON'S COUNTERATTACK - CHAPTER 60 AMARAʼS POINT OF VIEW Stress na stress na ako sa buhay ko. Ilang araw pa lang nang magsimula iyong klase, ang dami ng requirements na binibigay ang mga professor. Parang 'di pamilyang Pilipino mga 'to. Kung makapagbigay nang gawain, parang wala ng bukas, next month, at next sem. Isa pang gumugulo sa akin ay iyong balitang malaya na iyong pumatay sa mga magulang ni sir Owen at ni Mama. Gusto kong makita iyong lalaking iyon, tapos ako mismo ang kakaladkad sa kaniya papuntang kulungan. Ako mismo ang kakandado sa kulungan niya at lalagyan ko mismo ng kuryente iyong bakal para 'di siya makalapit. Hindi ko alam kung paanong nakalaya ang lalaking iyon. Sa pagkakaaalam ko'y hanggang kamatayan ang pagkakakulonh niya. Kaya ngayon, naaawa ako kay sir Owen d

