THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 47 AMARA’S POINT OF VIEW. Kanina pa ako rito sa kuwarto ko. Mag-iisang oras na rin yata nang pumanhik ako dahil sa kahihiyang ginagawa ko sa buhay ko. Nahihiya na nga akong bumaba kahit na kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Saka baka naroroon pa rin iyong babaeng naka-all white, sana all. Nahihiya ako sa itsura ko dahil maganda lang ako pero wala akong terno na katulad ng sa kaniya. Isa pa, kung titingnang mabuti ay talaga namang magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Pareho kaming maganda pero ‘di pareho ang buhay na tinatahak naming dalawa. Napabangon ako sa kama nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Hindi kasi puwedeng katukin iyong pader, ‘di ba? “Ma’am, pinapatawag po kayo ni Boss B,” narinig kong s

