THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 46 AMARA’S POINT OF VIEW “Maraming salamat nga po pala sa panlilibre at paghatid sa akin dito,” ani ko nang makarating kami sa kanto papasok sa mansion ni sir Barry. Dito ko naisipan na bumaba kasi feel kong maglakad-lakad habang tumitingin-tingin sa paligid. Maganda kasi iyong daan papasok sa kanto dahil puro mga kahoy iyong mga nandito at sa dulo ay ang gate ng mismong mansion ni sir Barry na ‘di ko alam bakit walang kabitbahay ang lalaking iyon. Hindi rin naman mukhang haunted house iyong bahay niya. Bagong-bago kasing tingnan at saka ang bago pa niya – este ng bahay. “Are you sure that you’ll going to walk from here?” Tumingin ako rito at lumabas na rin pala siya sa kaniyang kotse. Tumango lang ako at ngumiti. “Puwede nam

