Late na siyang nakatulog kagabi dahil ginagambala siya ng alaala nila ni Stefano. Simula nang mahiga siya ay dilat na dilat pa rin ang mga mata niya at kahit anong pilit ay hindi siya dalawin ng antok. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang magising siya ng tanghali kinaumagahan. "Oh, shoot!" napamura siya ng makita na alas nuebe na ng umaga. Late na para sa almusal ng kambal at tiyak niyang kakagalitan na naman siya ng mga ito or worst, magtatapon na naman ng tantrums lalo na si Heaven. Patakbo siyang lumabas ng silid at nagtungo sa kwarto ng mga ito ngunit nagtaka siya dahil wala roon ang dalawa. Sa halip ay malinis na higaan ang nadatnan niya na waring may nag-ayos ng kama ng mga bata. Kataka-taka dahil wala naman siyang helper at hindi rin kaya ng dalawa na maglinis ng ganoon kapulido.

