Pumunta sila sa farm kung saan siya una nitong dinala nang may magtangka sa kaniya. Hinanap nang mga mata ng dalaga si Lara ngunit hindi niya nakita ang paslit. "If you're looking for Lara, she's not here. Her mom bring her to Manila for a short vacation. Naroon kasi nagtatrabaho ang tatay ng bata, gusto siguro nilang magkasama-sama muna." sambit ng binata. Binuksan nito ang pintuan ng kubo na paglalagian nila habang naroon sila at inalalayan siyang pumasok. Wala siyang alam kung hanggang kailan sila sa farm ngunit may baon ring ilang pirasong damit si Stefano. "Thanks!" sagot niya. Inilagay niya sa lapag ang dala niyang backpack at naupo sa papag. "Ano'ng gagawin ko rito ngayong araw?" usisa niya. "Ihahanda ko ang tatrabahuin mo ngayon, I'll call you when it's ready, magbihis ka muna."

