Kinabukasan ay tahimik ang lahat, nang araw ding iyon ay maagang umalis sina Sebastian at Skye para pumunta sa mga farm nila para mag supervise. Hindi alam ni Harrieth kung isasama siya ni Stefano sa pagpunta sa farm nito o maiiwan siya at makikipagtitigan kay Greta buong maghapon. Simula paggising niya ay hindi niya pa nakikita ang dalawa kaya naman nauna na siyang nagpunta sa garden para sa kanyang almusal. Ini-enjoy niya ang kanyang green tea nang lapitan siya ni Rose dala ang hand carry lugagge nito. Akala niya ay tulog pa ang kaibigan, iyon pala ay nag-impake nito para sa balak na pag-alis. "Harrieth," tawag nito sa kanya. "Where are you going?" takang tanong niya habang nakatitig sa dala nito. "I've decided to go back to Manila, susunduin ako ni Briggs sa airport..." paalam nito.

