Chapter 16

1728 Words
NAGISING ako ng maaga at ginawa ang aking Daily routine. Matapos ay masayang bumaba ako at nakitang nagluluto si Mama kaya't agad kong niyakap ito. "Maaaa! Ang lambot mo hahaha!" yakap yakap na saad ko dito. Narinig ko naman na tumawa ito ng mahina at humarap ito sa akin at niyakap ako pabalik. "Asuus ang anak ko naglalambing, may masaya bang nangyari sayo Darling?" lintanya ni Mama at hinaplos haplos ang ulo ko. "Opo! Syempre gising na si Dad tapos nakikita ko na ulit na masaya ka pati si kuy–ay wait lang ma, Nasaan pala yung oppa ko?" nagtatakang tanong ko at sinilip silip pa ito kunwari sa sala. "Hoy ulan! Aga aga nag iingay ka! Natutulog pa yung kuya mong pogi eh!" saad nito. Napatawa ako ng malakas ng makita itong nakapikit pa at nakapogi sign. Magulo rin ang bagsak nitong buhok kaya't palihim kong kinunan ito ng picture. "Gosh, may pang black mail na ako sayo hahaha! Ipapakita ko to sa lahat ng fans mo!" napadilat naman ito at biglang tumakbo sa akin kaya't tumakbo rin ako ng mabilis. "Ulaaaan! Don't do this to me! Nakakahiya ang mukha ko dyaaan! Waaaah!" habol nito sa akin at nagkunwaring umiiyak pa. "okay lang yan Harry potter! Gwapo ka naman dito eh!" saad ko dito at humalakhak. Nang tinignan ko ang kuya ko ay nakita ko itong nakaupo sa damuhan at nakanguso. Napangisi ako dahil sa itsura niya. Gusto pa ata nito na picturan ko siya kaya't agad agad ko itong pinicturan at tumawa. "Hoy ulan! Anong tinatawa tawa mo dyan!" masamang tingin nito sa'kin. Dumila naman ako at pinakita sa kanya ang isa pang picture. Nakita kong lalong sumama ang tingin nito sa akin at naglakad ng siga papunta sa'kin. Agad agad naman akong tumakbo at pumasok sa bahay at sinaraduhan ng pinto. "RAINNEEEEE!" huling rinig ko dito at halos maglampaso na ako sa sahig kakatawa. Napailing naman si Mama ng nakangiti. ***** Kinabukasan, Matapos magbihis ng aking uniform ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at sumilip sa labas. "okay, clear. Walang panget na palakad lakad hehe." saad ko at tumatawa na mag isa. Dahan dahan akong lumabas at nag tiptoe pababa upang hindi makagawa ng ingay. Tumingin tingin ako sa paligid at napangiti ng wala talaga akong nakitang panget kaya napahinga ako ng malalim. Nagpaalam naman ako kay Mama at sinabing papasok na. Tinanong ko rin ito kung nasaan ang kuya ko at sinabing maaga raw umalis. Nagtaka ako ngunit isiniwalang bahala ko ito. ***** SOMEONE'S POV "Aba't ang aga naman ng ating bisita ngayon? Hahaha!" nakakatakot na halakhak ng lalaking medyo may edad na. Napatiim bagang ako. Gustong gusto ko na itong sapakin dahil sa kanyang inaasta. "Tapos ka na naman sa paghihiganti sa amin diba?! Tigilan mo na ang pamilya ko!" galit na saad ko dito. Hindi ko magawang sapakin ang kaharap ko dahil maraming mga lalaki ang nakapaligid sa kanya. Tumawa ito ng malakas kaya't lalo akong nainis. "Umagang umaga nang iinis ka? At bakit ko kayo titigilan?! Noong ako ba nakikiusap sa inyo, naawa ba kayo?!" galit na saad nito at hinagis ang baso na siyang pagbasag nito. "Mula sa Ama mo hanggang sa kapatid mong babae, hindi ko titigilan!" ngisi nito at tumawa ng malakas. "Huwag na wag mong papakealaman ang kapatid ko Gracias! Ako na lang saktan mo wag lang ang kapatid ko!" galit na sigaw ko dito. Sumugod ako dito ngunit may lalaking humampas sa akin kaya't napaupo ako. Nakita ko pang may tumulong dugo na galing sa ulo ko ngunit hindi ko pinansin ito. Gusto kong protektahan ang kapatid ko, ayokong mapahamak siya kaya't agad akong tumayo sinapak ang humampas sa akin. Dumura naman ako sa gilid ng lalaki na ngayon ay namimilipit na. Tumingin ako ng masama kay Gracias at agad na sumugod. Nagsitakbuhan naman ang mga tauhan niya papunta sa akin at halos manghina ako dahil sa mga natamo kong suntok. "Susugod sugod ka hindi mo naman pala kaya? Hahaha! Magmula sa Ama hanggang sa bunso mahihina!" napaubo ako at nagsuka na may halong dugo. "M-malakas ka n-na nyan? Hindi ka nga l-lumalaban eh!" tawang nakakainis na saad ko kaya't sa sobrang galit niya ay sinuntok niya ako ng paulit ulit. Nanghihina at nanlalabo na ang mata ko. At dahil sa sobrang panghihina ay siyang pagbagsak ko at unti unting kinain ng dilim. End of Someone's POV* **** Bago pumunta ng room ay dumaan muna ako sa Cafeteria upang mag take out ng pagkain. Habang hinihintay ko ang pagkain ay biglang may upo saking tabi. Paglingon ko ay si Angelica at Xandie pala. "Couz' pansin ko lang, si kuya Daniel hindi mo kasama ngayon?" takang tanong ni Xandie. "Yeah, I thought kasama mo ang handsome brother mo kasi you know naman diba, hinahatid ka niya and he always wait for you?" conyong saad naman ni Angelica. Kahit kailangan talaga hindi na natutong mag salita ng straight na tagalog to. Nagkibit balikat ako. "hindi ko rin alam, baka nagalit siya kahapon kasi kinuhanan ko siya ng picture?" alanganin kong sagot sa kanila. Nagtaka naman sila kaya pinakita ko sa kanila ang picture na kinunan ko sa kuya ko. "Oh my loves! Ang brother mo talaga napaka handsome! Pashare it!" manghang saad ni Angelica at agad agad kinuha ang kanyang phone. Napailing na lang ako sa kaibigan ko. Napakahilig kasi nyan sa mga gwapo, kahit kuya ko na wala pa ring patalo. "Pa share it din Couz, ipang bblack mail ko lang sa kanya para malibre niya ako hahaha!" lintanya ni Xandie. Natawa na lang ako dahil parehas kami ng iniisip. Pagtapos masend ay ang pagdating ng tinake out kong pagkain at sabay sabay naglakad papuntang room. ***** Habang nag didiscuss ang teacher namin sa English ay biglang may kumatok ng tatlong beses sa pintuan. Sinilip naman ito ng aming president at may sinabi dito. Maya maya lang ay lumapit ito sa aming teacher at may sinabi. Tumango naman ito at sinabing papasukin sila. Napasipol ang ilan sa mga lalaki dito ngunit hindi kasama si Adrian doon. Isinaksak niya ang kanyang earphone at pumikit. Napatingin ako bigla sa harapan ng magsalita ang babae sa harapan. Masasabi kong maganda ito. Magmula mukha hanggang sa katawan ay makikitaan mo ito ng kagandahan. Nakabrace rin ito dahil sa biglaang pag ngiti nito. "Hello Guys! I am Jenilyn Arquillo from section C. Naalala niyo ba yung biglaang meeting noon sa review room pero hindi natuloy? So ngayon naisipan namin na every sections na lang kami magmemeeting and hindi naman ito magtatagal." saad nito ng nakangiti. Nilibot niya ang kanyang panglingin at sumakto ito sa kinauupuan ni Adrian. Unti unting nawala ang masayang ngiti nito at napalitan ng pilit na ngiti. Kinalabit naman siya ng kanyang katabi na babae. Tinignan ko si Adrian at hindi siya nakatingin sa harap bagkus nakapikit na tila walang naririnig at nakikita. Nagtaka ako but somehow, napaisip ako at tumango tango. "A-ah anyway, itong katabi ko pala ay ang President ng buong Grade 10 sa Ating Campus. Siya na ang bahala magpa meeting sa inyo." nakangiting tugon nito at bahagyang gumilid. Nahuli ko itong sumulyap kay Adrian ngunit binalik niya rin agad ang tingin sa mga kasama. "Hello Section B, I'm Junelyn Endaya from section C. Jenilyn and I were classmates and isa rin siya sa may katungkulan sa buong Grade 10. Mamadaliin ko lang ang pag uusapan natin, lahat na ba kayo may club na sasalihan? Requirements ng buong Grade 10 iyon and at least 3 clubs ang sasalihan niyo." putol na saad nito. Nagkaroon ng bulong bulungan. May iba nainis dahil kailangan tatlo ang sasalihan na club. "bakit kailangan tatlo pang club ang sasalihan? Tsk" "ano ba yan! Pagod pagod tayo nyan after sa isang club next club naman!" "Guys wait!" pagsalita ng president na si Junelyn sa mga bulong bulungan. Agad naman tumahik ang paligid. "As you can see, marami ng grumaduate sa School natin at ilang months na lang ay may panibago na naman ga-graduate sa School natin. Hindi naman sila habang buhay na nasa mga clubs natin eh, at itong mga clubs natin like theatre club, Modelling club, Glee Club, Dance club at iba pa ay makakatulong sa Campus natin na lumago pa at sa atin rin. Familiar naman lahat tayo kay Miss Andrea Brillanchez?" tanong nito sa amin kaya't napatango kami. I know her, siya yung artista na magaling talagang umarte. Minsan Bida minsan naman kontra bida. "she graduated here at bago niya makamtan ang pagiging magaling na artista ay sumabak muna siya sa mga clubs natin. Kaya hindi na rin ito masama sa atin diba? May benefits din tayo dito at matutulungan natin ang ating Campus na lalong lumago at makahikayat ng mga papasok pa lamang sa ating Campus. So, ayun lang ang meeting natin. May ibigay kaming forms sa inyo and list down your Clubs na sasalihan niyo. Tomorrow, pumunta kayo sa SSG Office at may makikita kayong mga boxes doon and by sections yun. Doon niyo ilagay para hindi kayo mahirapan at kami." mahabang lintanya ng President ng SSG at sinenyasan niya ang lalalaking nakayuko. "A-ah Gerzon, idistribute mo na yang mga forms sa kanila ha? Salamat!" ngiti ng aming SSG president. Naalala ko na, siya yung may green na mata. At napansin ko lang, nakatingin si Junelyn dito at nakangiti. Namumula rin ang kanyang pisnge kaya't paniguradong may gusto ito dito. Napailing na lang ako at napangiti. Matapos ang pag bibigay ng forms ay nagkaroon ng pa meeting ang mga teachers kaya't maaga kaming pinauwi. Habang naglalakad kami kasama ang mga tropa ni Adrian ganun din ang aking mga kaibigan, including Caleb na panay tingin sa akin pero hindi ko man lang ito tinatapunan ng tingin ay siyang pagsalubong namin kay Timothy na prenteng naglalakad at nakapamulsa. Tila may hinahanap ito at saktong napatingin ito sa akin at kumaway. Kumaway din ako pabalik dito at magsasalita na sana ng may magtext sa akin. Halos manginig ako at manghina ng makita ko ang text sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya't napahawak ako ng mahigpit kay Xandie. Agad naman napatingin sa akin ang pinsan ko at takang nagtanong. "Rainne, anong nangyari sayo?" takang tanong nito at hinawakan ang kamay ko. Magsasalita na sana ako ng biglaang makaramdam ako ng hilo. Unti unting sinakop ako ng dilim at tanging naririnig ay ang pagsigaw nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD