Chapter 1
NAGLALAKAD ako ngayon dito sa hallway ng school namin. Hindi ko alam pero parang nalulungkot na ako ngayon.
Paano ba naman, Itatransfer na ako pero di ko alam kung saan School. Kaya ako nalulungkot kasi iiwan ko na itong school na ito. Marami pa naman akong magagandang memories dito. Pero wala akong magagawa, yun ang gusto ni Dad na ilipat ako.
Anyway, nandito na ako sa tapat ng dorm ko, I mean sa dorm namin ng mga friends ko. Hindi pa nga nila alam na magtatransfer ako.
Bubuksan ko na yung pinto ng biglang may humawak sa braso ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa taong humawak sa braso ko. Nasilayan ko ang maaliwalas na mukha ng bestfriend ko.
"Uhm, Ano bang ginagawa ko dito?" sabi niya at biglang ngumiti.
Isa na siya sa mami-miss ko. Lalo na ang mga ngiti niya na nakakagaan ng pakiramdam.
"Wag mo nga akong ngitian! Baka mainlove ako!" halos pabulong ko na sinabi yung huli.
"Tsk. Okay lang na mainlove ka sakin, sasaluhin naman kita eh." Biglang ngumiti tapos tumawa.
Halos natulala ako sa sinabi niya. Sinabi ko na nga 'yon ng mahina eh narinig pa.
Siguro kung nandito kayo baka makita niyo na yung mukha kong namumula. Sabihan ka ba naman ng ganon nang gwapong nilalang na ito.
"So tawa na ako n'yan? " Sabi ko tapos napangiti sa kanya.
"Hindi ka nga tumawa pero ngumiti ka naman! Ibig sabihi-" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya ng mag ring yung Cellphone ko. Agad agad ko itong sinagot.
"Hello po Dad?"
"Anak, kailangan mo nang pumunta dito. Ngayon ka na namin itatransfer."
"What? Akala ko ba bukas pa?"
Halos pasigaw kong sabi.
"Anak, napagpasyahan namin na ngayon na. Sinabi rin samin na hindi daw sila available bukas sa mga magtatrasfer kaya kung maaari ngayon na daw."
Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. "Sige Dad, uuwi na po ako." Pagwika ko sabay bitaw ng phone.
Nakita ko si Caleb na nakasandal sa pader. Lumapit ako sa kanya at hinila papasok sa dorm namin.
****
Nandito na ako ngayon sa bahay namin, nag-iisip kung anong mangyayari.
Nakakalungkot lang kasi wala akong magawa.
Anyway, nasabi ko na lahat kay Caleb at pati na rin sa mga kaibigan ko ang tungkol sa paglipat ko. Halos lahat sila pinipigilan akong umalis. Hindi lang rin pala sa school ako lilipat, pati ng bahay lilipat din kami. Kaya wala man lang kaming bonding moments.
Kung hindi biglaan, baka nakapag set pa ako ng araw na kung saan pwede kami magsaya muna. Sobrang mami-miss ko ang mga kaibigan ko.
Sabi pala ni Dad na matulog muna raw ako. Pumikit na ako at nag isip-isip. Bago hilain ng antok ay nasabi ko pa ito sa isip ko.
Mamimiss ko kayong lahat, lalo ka na Caleb. I just hope na magkita-kita ulit tayo.
**
Kringkring kringkring!
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Lagi naman akong ganito sa old School ko. Magigising ng maaga kahit mga 7:00 pa ang pasok ko.
Actually, kaninang 4:00 am pa tumawag si dad sakin. Pinaidlip lang ako saglit.
First day ko ngayon so kailangan maaga ako. By the way, I'm Daniela Leraine Martinez, 16 years old. Half Filipino and Half Korean.
Buti na lang nagparamdam yung mga kaibigan ko sakin kaya ayan, medyo sumaya na ako. Pero may kulang kasi eh. Si Caleb mukhang nagtampo sakin. Paano ba naman, hindi ko agad sinabi sa kanya.
So, heto na nga. Pagkatapos ng pag iisip ko ay tumayo na ako at naghanda na para pumasok. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na yung uniform ko. Ang ganda nga eh. Long sleeve yung pinakauniform ko at may vest na pula at necktie na itim. Sa pang ibaba naman ay black skirt.
Syempre nagpulbo lang ako at naglagay ng Lipgloss and then bumaba na ako para mag breakfast.
I saw may dad wearing longsleeve and of course black pants. Oo nga pala, meron nga pala kaming isang sikat na kompanya na talagang pinaghirapan ni Dad ng sobra.
"Dad? Sino po maghahatid sakin sa Academy?" I asked.
"Of course your handsome dad." Sabay wink. Ang hangin ng tatay ko oh. Pero okay na yun kaysa sa pa-humble.
"Ehem! Who told you that thingy handsome word mo dad?" I said. Sarap pagtripan 'tong tatay ko. Natigil ako sa pagtawa ng bigla siyang ngumisi. Naku! ayan na ang banat niya.
"Hindi na kailangan pang sabihin nila dahil daanan ko palang sila, laglag mata na!" Napairap ako sa sinabi ni Dad at napailing. Sinasabi ko na nga ba, babanat na naman ang aking ama.
"Bakit ang daming mahangin dito!"
Sabi ko ng palabas na kami ng bahay. Syempre tapos na akong mag almusal.
"Oh! Nakikipagtalo pa sakin eh! Support na lang anak!"
"Oo na nga dad. Ikaw na ang pinakapogi sa Pilipinas. Tara na po."
Sumakay na ako sa kotse syempre si dad ang magda drive ngayon para sakin.
"Pilipinas lang? Anak naman eh! Hanggang kalawakan ang kapogian ko noh!" Sabi niya with matching beautiful eyes.
Naku naman! Dada ng dada naman 'tong tatay ko. Akala mo babae eh!
"Opo na! Hanggang kalawakan na. Ikaw lang naman nakakaalam nun na hanggang kalawakan eh! Hindi ata nainform yung mga ibang tao eh!" Natatawa kong sabi.
Bigla nyang tinaas yung isa nyang kamay.
"Okay! You win." Sabi ni dad.
****
School
Nandito ako ngayon sa Pricipal's office kasama si dad. Kinakausap yung Principal ng Academy. Pagkatapos ng 123456 years, lumabas na kami ng Office.
"Dad! Sige po una na ako at baka malate ka po eh!"
"Raine, just call me if you need something or tell me what you want." Sabi ni dad. Tell me what you want.
"Dad. Doon na lang ulit ako sa old School ko!" Sabi ko ng nakangiti but he just pat my Shoulder.
"Anak, hindi nga pwede. Nilipat kita dito kasi kailangan."
Nalungkot naman ako doon. Pero napalitan din ng ngiti dahil ayokong ipilit yung gusto ko.
"Okay Dad, just kidding. Sige po."
Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad na. Papunta ako ngayon sa Bulletin upang tignan yung room na papasukan ko. Room 305.
Nagulat ako kasi nagkasabay kami ng bigkas nung babae. Nasa gilid ko siya at hindi ko namalayan yun. Bigla siyang ngumiti sakin at bigla akong niyakap.
T-Teka! Kilala ko ba 'tong babaeng ito?
"U-umm.. M-miss... Yung leeg ko." Sabi ko sa babaeng yumakap sa akin. Nakakaloka naman kasi diba?
"Ay! Sorry! Sorry! Naexcite lang ako kasi nakita kita, "
What? Kilala niya ako? Bakit siya naexcite? Ngumiti ako rito ng nag-a-alinlangan.
"By the way, I am Alexandria Chelsie Forteza, 16 years old. Pero next week birthday ko na. So punta ka ha?"
Sabi niya habang nakangiti. Infairness ang ganda niya. Pero nakakatuwa kasi parehas sila ng surname ng pinsan ko pati na rin ng birthday. Next week na rin. Actually, di ko pa nakikita yung pinsan kong babae. Gustong gusto ko na nga siyang makita eh, promise!
"I'll try. Sige tara na!" Sabi ko sa kanya. Ngumiti na lang siya sakin.
**
'Room 305' yan yung room namin pero dahil maaga pa, sabi ni Alexandria na mag-ikot ikot muna kami. So yun na nga.
Grabe! Ang lawak pala ng School na ito. Ang daming Malalaking buildings. Ang ganda pa ng kulay ng mga building. May daanan din sa likod ng mga buildings. Siyempre dahil curious kami kaya pinuntahan namin.
Wow! Garden pala.
Pwedeng tumambay dito ang mga studyante at mukhang pinagtatambayan na talaga ito. May mga upuan din na mahahaba. Syempre dahil nga napadpad kami dito, kailangan naming magselfie ni Xandie. Siya si Alexandria. Sabi niya na Xandie na lang daw itawag ko sa kanya.
Halos nalibot na namin itong mga building at sobra sobrang nakakapagod!
Brrrrrrruutttttt!
Nagkatinginan kami ni Xandie dahil sa narinig na tunog. Parehas kaming natawa dahil tunog ito ng aming tiyan. Parehas kami ng iniisip kaya't sabay kaming napasabi ng Cafeteria!
Natawa naman kami dun. Binilisan na namin yung lakad namin. Actually, sa sobrang lawak at laki ng Famous Academy ay kailangan pa naming hanapin ang nakakamanghang Cafeteria.
Matapos ang ilang minuto ng paghahanap ay sa wakas, nakita rin namin ang Cafeteria. Nakaka amaze talaga 'tong school na ito. Yung Cafeteria nila parang restaurant, may magseserve sa inyo at may mga menu pa.
"Alam mo Rainne, napansin ko lang. Ang mamahal ng pagkain dito. Eh kung araw araw tayo kakain dito baka mamulubi tayo nyan!" Nakasimangot na sabi ni Xandie sakin.
"Hahaha! Oo nga eh. Magbaon na lang kaya tayo ng pagkain? Ano sa tingin mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Tama naman talaga siya at baka naman maghirap kami nyan.
"Waaag! Hindi kasi ako marunong magluto eh." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Edi kumain ka na lang dito!" Saad ko sa kanya at naiisip kong asarin siya.
"Eh? Ang mahal kaya!"
"Edi huwag ka na lang kumain!"
"Hindi naman pwede yun noh!"
"Alam mo Xandie, ang gulo mo. Tsaka ang yaman yaman mo eh!" Sabi ko sa kanya. Ang gulo kasing kausap ng babaeng ito.
"Aisshhh! Oo na,sige na. Mag order na nga lang tayo." Napatawa ako ng malakas dahil sa tinuran niya. Bibigay din pala siya.
"Liibre mo ako ha?" Pang aasar ko ulit sa kanya.
"Wow! Bumili ka ng sarili mo. Ang yaman mo din kaya!" Nahinto ako sa pagtawa dahil sa panggagaya niya sa akin. Magsasalita sana ako ng may isang lalake ang sumulpot.
"Uhm, Excuse po mga Ma'am," Sabi nung parang waiter dito sa Cafeteria. Sabi ko na nga ba at mayaman itong Academy na ito.
"Ay! Sorry po. Dadaan po kayo?" Pinigilan kong matawa dahil sa kapilyahan ni Xandie. Hindi ko alam na may side palang ganito ito.
"Hala, Hindi po ma'am. Tatanong ko lang kung mag oorder po kayo?"
"Yup!" Maikling tugon ni Xandie at hanggang sa nagturo turo na lang siya ng mga maka kain namin. Pagkatapos naming kumain, naisipan na namin umalis sa cafeteria.
"Rainne, anong oras na?" Tanong sa akin ni Xandie.
"It's 6:48 am. Maaga pa naman. 6 pa lang eh."
"Teka, whaaaaat? Late na tayo!" Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ang alam ko 7am ang pasok eh." Saad ko.
"6:30 daw talaga ang klase." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. First day ko pa lang dito tapos late na agad?
"Tara na!" sabi ko at hinila na siya patakbo.
Ano ba yan! Late na kami. Paano na yan?
Hays. Kinakabahan na ako dahil baka mamaya strikto o mataray yung teacher ko.
Sa sobrang pagod namin kakatakbo ay napahinto kami.
"A-Ang dami ka-s-sing b-build-ding dito ka-y-ya tuloy a-ang hirap hanapin ng room natin" Hinihingal na sabi ni Xandie.
"Oo n-nga eh! P-Paano natin hahanapin yung room natin?" Sabi ko sa kanya habang hinihingal rin.
Nagpalinga linga ako sa paligid kung anong room na ba ito.
"Room 305? Oh my gosh, nandito na tayo!" Tuwang tuwa na sabi ni Xandie. Napailing na lang ako.
"Haay, tara na nga kahit na late."
Kahit na medyo kinakabahan kami ay pumasok na kami. Jusme! Mukhang strikto pa yung first subject namin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ma'am we're sorry for being late."
Nakayukong sabi namin ni Xandie dahil sa kahihiyan. Nasa kalagitnaan kasi ng klase kami nag transfer ni Xandie at nakakahiya dahil bago na nga, late pa.
"It's Okay but you need to Introduce yourselves." Nakangiting tugon ng teacher namin kaya medyo nabawasan ang kaba at takot ko.
"H-hello. I'm Alexandria Forteza.16 years old turning to 17 and nice to meet you all."
"I'm Daniela Martinez. 16 years old and please be nice to us.Thank you!"
"You may now take your seats Ms. Martinez and Ms. Forteza."
Agad agad kaming umupo kung saan may vacant seat. Nakita ko pa yung iba kong classmates na ngumiti sa amin.
**
Pagtapos dumaan ng maraming subjects ay puro Introductions lang para saming dalawa ni Xandie.
"Class dismiss."
Sabi ng huling teacher na pumasok sa amin. Grabe ang araw na ito. Nakakapagod at nakakapanglumo.
Nagpaalam na ako kay Xandie na uuwi na ako. She just smile and she said 'Tomorrow ulet!' kaya I smiled also and said okay.
Nang mawala na sa paningin ko si Xandie, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Dad na sunduin niya ako. Wala pang 2 minutes ay tumawag siya.
Agad agad ko naman itong sinagot.
"Yes Dad?"
"Uhm, sorry darling di kita masusundo, masyadong busy si daddy mo. So tinawagan ko yung driver natin. Siya na ang susundo sayo."
"Okay dad, I understand po. Ingat ka po."
"Yes darling. Hintayin mo na lang ang sundo mo. Basta 'wag kang magcommute. I'll hang up na. Bye."
"Bye dad." Call ended.
Napabuntong hininga sa thought na second day ko na bukas. Marami pa akong hindi alam sa school na pinapasukan ko. Masyado kasing pang mayaman eh. By the way, I already miss them.
May humintong sasakyan sa harapan ko at napatingin ako. Nandito na ang sundo ko. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob.
"Let's Go po Manong."
Pumikit ako ng naramdaman kong umandar na ito.
I miss them, I miss him. Ang tagal din ng pinagsamahan namin ng mga kaibigan ko sa old school ko. Tapos magugulat na lang ako na ililipat ako.
Ayoko muna mag isip. Sana, sana nandito sila sa tabi ko.