Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising. Dahil tinatamad pa akong maligo tutal maaga pa naman, naghilamos at nagtoothbrush muna ako pagkatapos ay bumalik ako sa higaan ko but this time nakaupo lang ako.
I checked my phone kung may nagtext ba pero sa kasamaang palad, wala.
Bakit ganun? Di man lang sila magparamdam sa akin. Ayoko naman magtext o tumawag sa kanila kasi gusto ko sila yung first na tumawag pero wala talaga.
Napabuntong hininga ako at napagdesisyunan na lang na mag-prepare for school. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para mag almusal.
"Dad, Good morning po." Sabi ko ng nakangiti.
"Good Morning din anak. Mag breakfast ka na. Kumusta sa new school?" Sabi ni dad. Huminto muna siya sa pagkain at tumingin sa akin.
"Okay lang po. May new friend na po and if you'll ask me about my classes yesterday? Sobrang boring!" I said and rolled my eyes. Nakita ko si dad na bahagyang tumawa. Parang may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. Siguro may problema ito pero mamaya ko na tatanungin.
"Masasanay ka rin diyan anak basta study first ha? Wala munang boyfriend ayokong masaktan ka ulit."
Napabuntong hininga ako. Pinaalala na naman kasi ni Dad. May naging boyfriend ako noon sa Maxxiana Academy.
(old school ni rainne kung saan nag aaral sina caleb)
Alam nila Caleb yun at nung nalaman niyang nasaktan ako ng dahil sa lalaking yun, Ayun! Binugbog niya. Pero past is past. Ayoko ng balikan pa yun.
Tumango na lang ako kay dad.
"By the way, May problema po ba? Tell me po." I said. Nakita ko si daddy na napatigil sa pagkain pero hindi nagtagal ay ngumiti ito.
"Nothing darling. Just thinking about...our... company but It's okay, I can handle it." then he smiled.
Napa 'Ahh, I see' at tumango tango pa.
"But dad! don't stress yourself. Magpahinga ka naman sa lahat dad. I can see in your eyes that you're tired." Sabi ko habang malungkot na nakatingin sa kanya.
Tumayo na kami at simulang naglakad patungo sa labas. He just laugh.
"Okay po mommy. Magpapahinga po ako paminsan minsan." And then he laughed again. Napasimangot naman ako sa inakto niya.
"Dad. I'm dead serious." And he laughed again.
"HAHAHA! yeah yeah! You're Dead Serious." At bigla na naman tumawa. And this time, napangiti ako at napailing sa daddy ko. Sana ganito na lang lagi si daddy, yung tipong walang pinoproblema.
"Dad? Ikaw ba maghahatid sa akin sa school?" Excited na tanong ko.
Tumango naman siya.
"Lets go?" Sabi niya and I nod.
**
Nandito kami ngayon ni Xandie sa Room kung saan hinihintay ang teacher namin. First subject pala namin ngayon ay Filipino.
"Hey, Rainne! Tignan mo yung lalaking yun sa may dulo oh! Nakatingin sayo." Sabi niya habang nakanguso at bigla siyang ngumiti. Alam mo yung ngiti niya parang kinikilig?
Napatingin naman ako doon sa sinasabi niya. Nagulat ako kasi sobrang titig na titig siya sa akin? Assumera na ako pero tumingin naman ako sa likod ko.
Napa 'Aray!' ako doon.
"Wala na nga palang nasa likod. Pader na pala hehe."
Napakamot ako sa ilong ko. Napatingin naman ako doon ulit sa pwesto niya at nakikita ng dalawa kong mata na ngumiti siya sa akin na parang natatawa? Yeah! Nagpipigil siya ng tawa. Hindi naman ako nainis sa kanya kasi nakakatawa naman talaga eh.
Nagulat ako ng tumayo siya at biglang naglakad papunta sa akin or let's just say sa pwesto ko. Bigla naman akong kinabahan sa ginawa niya. Parang nag iinit yung mukha ko. Nagulat din si Xandie.
"Hi! I'm Kyle Adrian Mendez and nice to meet you pretty!" He smiled and I saw his dimple on his right cheek.
Hinga! Hinga Rainne!
Ngumiti rin ako kahit alam kong namumula na ako sa kilig? Ang pogi niya shemay!
"H-Hello I'm Dan--" naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya.
"Daniela Martinez. Am i right?" And then he smiled again.
Oh Lord, please help me! Paano na si Caleb na bestfriend ko pero ultimate crush ko?
Bigla ko na lang pinitik yung ulo ko.
Ano ba naman tong iniisip ko! Dinamay ko pa si caleb sa kaharutan ko! And! He dont care naman kasi wala rin siya dito.
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may humawak sa braso ko.
"Are you okay Daniela? May masakit ba sayo?" Sabi ni Adrian ng may bahid na pag alala sa mukha. Kinilig naman ako sa kanya.
"A-ahh w-wala. Hehehe may naisip lang ako!" Sabi ko ng medyo pautal utal. Oo! Nag iisip ako, iniisip ko yung mga kaharutan ko!
"Ah sige, kita na lang tayo mamaya sa cafeteria. Treat ko!" Saad nito sa akin.
Ano papayag ba ako? Wow! Rainne! Choosy ka pa!
Tumango na lang ako sa kanya. May narinig naman akong mga nagbubulungan.
'Shemay! Ang haba ng hair ni Daniela!'
'Yieeeeeee!! Ang cute nilaaa!!'
'Tss. Mas pogi pa ako dyan kay kyle eh!'
'Hoy! Wag nga kayong ano dyan! Akin lang si Martinez at si Forteza!'
'Niyaya lang naman yan eh!'
Woah! Hindi ko alam na pati pala dito sa Famous Academy ay maraming mga chismoso't chismosa?
"Classmates! Nandyan na si Ma'am! Quiet na kayo!" Sabi ng classmate kong president sa room.
Lahat naman kami ay nagsiayos na. Yung iba naman ay bumalik na sa kanilang mga upuan kabilang na doon si Adrian pero bago yun ngumiti muna siya sa akin at nagwave ng kamay niya.
"Magandang Umaga sa inyong lahat!"
Sabi ng aming guro.
Wow! Ang lalim talaga ha?
"Magandang umaga rin po!" Saad naman namin. Nakakatuwa kasi yung mga iba kong kaklase ay iba't ibang lahi kaya medyo slang yung iba.
"Maupo na kayo. Since hindi pa kayo naka arrange ng upuan sasabihin ko na lang yung mga kapartner niyo." Sabi ng teacher namin.
"Ma'am, Para saan po yung mga partner partner na yan?" Classmate 1
"Ito ay para sa gagawin niyong banner. Alam niyo naman siguro yun diba?" tumango naman kami.
"Ito ay magiging proyekto niyo sa akin. Madali lang naman ito. Pagtulong tulungan niyong gawin yan at lagyan ng designs. Yung isusulat niyo naman dyan ay pang cheer sa mga Basketball Players ng school natin basta kayo ng bahala dyan sa isusulat niyo at pagandahan ng mga gawa. Kung sino ang may pinaka magandang gawa ay exempted na sa test."
Nagtilian naman yung mga kaklase kong babae. Yung mga lalaki naman ay mga nakasimangot. Oo nga pala, halos lahat ng mga classmates ko ay magkaka kilala na dahil nga magka classmates na sila noon pa. Bale nagtransfer ako dito ng sobra sobrang late na.
"Ma'am! Kailangan ba pati kaming mga lalaki magchecheer sa kanila? Kadiri naman yun Ma'am. Nakakabakla!" Sabi ng kaklase kong lalaki. Natawa naman ako doon sa sinabi ng classmate ko. Nagtawanan din ang iba. Napataas ang kilay ko ng makita kong tawang tawa si Xandie.
"Laughtrip ako dito Rainne! HAHAHAHA!" Halos mangiyak ngiyak na si Xandie sa kakatawa kaya binatukan ko. Kinindatan ko na lang ito ng samaan niya ako ng tingin.
Natahimik naman kami ng nagsalita si Ma'am.
"Ehem! Hindi kayo kasama sa magchecheer PERO kasama kayo sa magdedesign ng mga banner niyo. Kapartner niyo naman yung mga babae eh. Bale, lalake at babae ang magkakapartner. Sa friday na ito kaya kailangan simulan niyo ng gumawa. Okay na ba sa inyo yun?" Saad ng aming guro.
"Opo Ma'am!" Sigaw naming lahat.
"Okay. I will announce na yung mga magpapartner." sabay buklat niya ng kanyang Attendance Record.
"Allison at Arquez."
"Arce at Bruce."
Nagsabi pa si Ma'am ng mga partners hanggang sa umabot na sa akin.
"Martinez at Mendez." Tumango tango ako ng marinig ang apelyido ko at ng makakapartner ko. Hmm, Mendez, Mendez, Mendez? Biglang lumaki yung mata ko at napatingin kay Xandie.
"Huwag mong sabihing kapartner ko siya?" Sabi ko kay Xandie at namawis ang aking kamay. Tumingin ito sa akin at ngumisi.
"Yeah." Tipid niyang sagot pero nakangisi pa rin. Alam niyo yun, parang nang aasar pa?
Tumingin na lang ako sa harapan nagulat kasi nakatingin silang lahat sakin. Seriously? Pati si Adrian ngumiti sa akin tapos nagthumbs up pa.
Hay! Wala naman akong magagawa. Nandyan na, panagutan na lang. Kahit naiilang ako sa mga titig nila ay ngumiti na lang ako.
**
Pagtapos ng mahabang discussion ng teacher namin ay saka naman nag bell. Sa wakas at break time na.
Inayos ko na yung gamit ko at sinenyasan si Xandie na labas na kami. Nagreretouch kasi siya. Sinabi niya na hintayin ko na lang siya sa labas. Syempre ako naman si masunurin na sunod din sa kanya.
Aalis na sana ako kaya lang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Daniela! Hey!" Napatingin naman ako at nakitang si Adrian pala ito.
"Oh? Bakit pala Adrian?" Tanong ko sa kanya.
"A-ahh hintayin mo ako sa cafeteria ha? Pwede ba?" Napataas naman ang kilay ko.
"Bakit pa? Sabay ka na lang samin." Nakangiti kong sagot. Napakamot naman siya sa batok niya. Infairness, ang pogi niya pa rin kahit nagkakamot.
Maharot ka Rainne!
"Ano kasi eh, may pupuntahan muna ako sa gym."
"Ah okay. Hintayin ka na lang namin."
Ngumiti naman siya sa akin tapos pinisil pisil yung pisngi ko.
Naalala ko na naman si Caleb. Bwisit na Caleb yun! Siya yung pasimuno ng pagpisil pisil ng pisngi ko eh!
Napatigil naman siya tapos tumawa ng mahina ng makita niyang napanguso ako.
"Hahaha! By the way, pa hello na lang dun sa kaibigan mo ha? Yung si Forteza?"
"Ah, si Forteza yun. Tawagin mo na lang siyang Xandie at itawag mo na lang sa akin ay Rainne." Sabi ko ng ngiting ngiti.
Tumango na lang siya at nagpaalam na aalis na siya.
Kainis naman! Lahat na lang sila nang iiwan, kapag sawa na siya sayo o nakuha na niya ang gusto niya sayo, iiwanan ka na lang ng big----.
Bigla namang may kumurot sa akin sa pisngi..ulit.
"Tara na Rainne. Natulala ka na dyan!" Natatawang saad ni Xandie. Napasimangot na lang ako sa kanya.
**
Nandito na kami sa may Cafeteria s***h restaurant na pumipili ng kakainin.
"Rainne ang ganda mo." Nakangiti niyang sabi at nakapa halumbaba.
"I know, thanks." Nakangiti kong sagot. Siya naman hindi naapektuhan sa sinabi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ako nito binara. Pero nagkamali ako.
"PERO mas maganda ako." Ngisi ko itong tinignan mula ulo hanggang paa. Ang sarap lang asarin ni Xandie dahil ang cute niyang mainis at magalit. Katulad ngayon, iniirapan na niya ako at nakatitig na sa akin ng masama.
"Tara kain n—" Napalingon kami ni Xandie ng biglang may nagtilian. Kanina lamang ay napakahina ng tilian at ngayon, dumadagundong na sa loob ng Cafeteria dahil sa mga tilian ng mga students dito sa hinfi malamang dahilan.
'Omg! Nandyan na sila!'
'Waaaaaah! Ang pogi talaga ni Bryannn!!'
'Si Adrian oh! Lumabas na naman yung dimple! Omoooo'
'Pafame! Kainis! Nawalan na naman ako ng chicks eh!'
'Jamessss!! Akin ka na lanngg!!'
"Amiellll!! Why so attractive?"
"Ay! Si Mr. cold oh! Ang hot pa din!'
Napailing na lang kami ni Xandie sa mga tilian ng mga studyante. Hindi naman kasi talaga mawawala yung mga ganyan na scenario. Mga heartthrobs sa mga Academy. Pero teka, may narinig kasi akong name na Adrian na may dimples daw ito. Sino kaya 'yun?
Kumain na lang kami ni Xandie. Sinabi ko kasing nagugutom na ako. Napataas ang kilay ko ng makitang nakangiti na si Xandie at tila may nakitang anghel sa harapan niya. Napalingon ako sa tinitignan niya.
Kaya pala, may mga gwapo kasing mga lalake ang naglalakad sa gitna ng Cafeteria. Famous yang mga yan hula ko. Tinignan ko naman sila isa isa. Well, pogi lahat pero may nakaagaw ng atensyon ko. Nakatalikod kasi siya eh tapos parang may hinahanap. Bigla naman siyang napatingin sa pwesto namin at nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake kasama ang mga famous heart throbs.
Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko at tila ba sasabog ito. Caleb, nasaan ka na ba?