XANDIE'S POINT OF VIEW*
"So it's settled down. Class dismissed." Matapos magpaalam ang aming guro sa English ay siyang pagligpit ko ng aking mga gamit. Habang inaayos ko ang gamit na nasa desk ko ay siyang pagtingin ko sa katabing upuan. Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang pinsan ko na si Rainne. Mag iisang buwan na siya sa Ospital at wala pa ring malay. Napakagat ako sa aking labi upang mapigilan ang aking sarili na umiyak. I miss my Cousin so much. Parang may parte sa buhay ko na hindi kumpleto.
Nagmadali akong mag ayos ng gamit ng tinawag na ako nila Shiela.
"Punta tayo after class natin sa Ospital. I miss my friend so much. Hindi ko man lang nalaman na may nagbabanta na pala sa pamilya niya." malungkot na wika ni Shiela. Hinagod niya ito sa likod. Maski siya ay nalulungkot sa sinapit ng kanyang minamahal na pinsan.
"At hindi rin natin nalaman na may nagtetext na pala sa kanya na hindi niya kilala. Sa tingin niyo, siya kaya ang sumaksak kay Rainne?" tanong ni Desiree.
"Sa tingin ko hindi siya. Kasi nakita naman natin yung message sa kanya nung stranger diba?" pagsasalita ko sa kanila. Napaisip naman sila at tumango. Lumapit naman si Charmaine sa amin at nagsalita.
"Kay kuya Daniel ako kinakabahan eh,
Nakita naman natin na sobrang magalit yun noon ng may nanakit kay Rainne." bigkas nito sa animoy nag aalala.
Naisip ko na naman si kuya Daniel. Pagtapos madala ni Rainne sa Ospital nung mga oras na yun ay biglang may tumawag sa Mama ni Rainne. Halos mahimatay noon si Tita ng malaman na nasa Ospital si Kuya Daniel dahil sa sobrang bugbog nito sa katawan. Hindi ko rin alam ang gagawin ko noon at halos mabaliw dahil sa nangyari sa mga pinsan ko. Tumawag rin ako noon kay Mom and Dad para matulungan nila si Tita at mabantayan.
Matapos ang dalawang linggo na walang malay si kuya Daniel ay nagising na rin ito. Pinagpahinga muna siya ng ilang araw at ipinaalam sa kanya ang nangyari sa kanyang kapatid na si Rainne. Halos matakot naman ako ng sobrang nagwala si kuya Daniel noon dahil sa nangyari kay Rainne at humahagulgol ito sa iyak. Sobrang nadurog ang puso ko nun at hanggang ngayon nadudurog ang puso ko.
Matapos ang aming kwentuhan ay pumunta na kami sa Cafeteria upang kumain kasama ang BIA.
*****
Kasama ko ngayon sila Charm, Desiree, Shiela at Angelica na naghihintay dito sa Shed. Nasa loob pa rin naman kami ng Campus. Hinihintay namin sila Kyle na dumating dahil sasama rin daw sila sa pagbisita kay Rainne. This past few days, nakikitaan kong walang buhay ang mga mata ni Kyle Adrian. Dahil na rin sa nalaman niya ang nangyari kay Rainne.
"Guys ayan na sila Amiel." wika ni Charm kaya't tumayo na ako. Nagtama pa ang mata namin ni Amiel ngunit agad din akong nag iwas. Hindi na kami masyadong nagpapansinan kapag wala naman dapat pag usapan pero kapag tinatanong kami nila Rainne kung kamusta na kami ay palagi ko lang sagot ay Okay kami. Nang makalapit na sila ay nag umpisa na akong maglakad. I don't want to look at him kaya ako na unang naglakad. Sa kamalas malasan ay hindi ako nakatingin sa daanan kaya't may nabangga ako at napasubsob sa kanya.
Nanlaki ang mata ko kaya't agad agad akong tumingala at hihingi sana ng sorry ng makilala ko ito.
"Hala ikaw pala yan Lucas! Sorry hindi kasi ako nakatingin sa daan eh."paghihingi ko ng tawad dito. Tumawa naman ito ng bahagya at nakita pa yung dalawang dimples niya sa magkabilang pisnge. Ang sarap lang kurutin ng pisnge niya kaso lang hindi naman ako katulad ni Rainne na walang pake kung may nakatingin hahaha!
"okay lang yun gusto ko rin naman na nabangga ka sakin eh." ngiting saad nito kaya di ko mapigilan na mapangiti. Kung nandito lang si Rainne ay baka na batukan na niya ako.
Magsasalita na sana ako ng may humila sa akin.
"Pre, alis na kami. Tumabi ka." napalingon ako ng mapagtanto na si Amiel ang humila sa akin. Halos mag unahan ang t***k ng aking puso sa nakikita.
"Bastos ka Amiel ha? Nag uusap pa kami ni Xandie bigla mo siyang hihilain? Di porket sikat ka?" pagsasalita naman ni Lucas na animoy nag hahamon ng away. Lalapit na sana ako kay Lucas upang mag sorry ngunit agad akong hinila ulit ni Amiel sa tabi niya. Napairap na lang ako dahil sa inaakto niya.
Napaka pafall ng lalakeng to eh no! Iniiwasan ko na nga siya tapos lumapit pa?! Pag ako nahulog na naman sayo at di mo ko sinalo talagang mamamatay ka right now! Hmmp!
Pag kausap ko sa aking sarili.
"Ayoko ng away pre kaya padaanin mo na kami ni Xandie." mahinahon na wika niya.
"Bakit ba? Boyfriend ka ba niya kung umasta ka ng ganyan?!" pagsigaw ni Lucas kaya't napayuko ako. Kumirot ang puso ko ng mapagtanto iyon. Boyfriend ko nga ba siya kung umasta siya ng ganyan?
Aalis na sana ako ng humigpit ang hawak sa akin ni Amiel at nagsalita na ikinagulat at ikinabilis ng t***k ng puso ko.
"Oo, boyfriend niya ako." walang pag aalinlangan na sagot ni Amiel kay Lucas.
"P-pero diba sabi mo Xandie wala kang boyfriend?" takang tanong ni Lucas sa akin.
"A-ah w-wa–" naputol ako ng biglang magsalita si Amiel na ikinatili nila Charm na nakikinig pala.
"Meron nga kulit mo naman pre. Kakasagot ko lang sa kanya ngayon eh diba Sweetheart?" pag ngiti ni Amiel sa akin. Nagtilian naman ang mga studyante sa paligid at sobrang namula ang pisnge ko dahil sa narinig. Namanhid ang katawan ko at halos mapaupo na dahil sa panghihina.
Narinig kong padabog na umalis si Lucas kaya't halos lahat ng studyante ay nagtilian ng husto. Tumingin naman ako ng masama kay Amiel ng tumawa ito ng pagkalakas lakas.
"Yuhoo! Thank you brad naging Girlfriend ko si Xandie my sweetheart!" pag saad nito na tuwang tuwa at sumuntok pa sa hangin.
"Congrats brader Amiel! Binata ka na HAHAHA!" Pagtawa ni James at kumaway kaway pa.
"Sanaol sinasagot na HAHAHA!" Pagsigaw naman ni Bryan at tumatawa pa. Nagtakip naman ako ng mukha dahil sa kahihiyan na ginawa ni Amiel. Waaah! Ano ba tong pinasok ko?
Natanggal ang pagtakip sa mukha ko ng hilain ako ni Amiel at naglakad. Kumakaway pa ito sa mga studyante na animoy nanalo sa lotto.
******
Walang imik kaming dalawa ni Amiel habang naglalakad patungo sa kwarto ni Rainne sa Ospital. Hawak hawak niya ang kamay ko at ganun din ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya't tumahimik na lang ako. Naririnig ko pa siyang bumubungisngis kaya't napakagat ako sa aking labi upang iwasan na ngumiti.
Napaka bilis ng pangyayari. Ngunit napakatagal ng pag gising ng aking pinsan kayat bahagyang nawala ang ngiti ko.
Pumasok na kami sa kwarto at nakita si Rainne na nakahiga at wala pa ring malay. Namumutla rin ito. Napatingin ako kay Tita na namamaga ang mata. Maya maya ay nakarinig kami ng katok kaya't napatingin kami dito.
Bumukas ang pintuan at halos magsitayuan kami at manlaki ang mata ng makita namin si Tito. Ang Daddy ni Rainne. Nakaupo ito sa WheelChair at diretsong nakatingin kung saan nakahiga si Rainne. Umiiyak si tito kaya't tumulo din ang luha ko bigla. Hindi ko alam na humihikbi na ako ganun din sila Charmaine at iba pang babae.
"Darling anak. . . H-hindi kita na p-protektahan ngayon." iyak na saad ni tito. Lumabas naman ang ilang boys pero nag stay si Caleb. Sila Shiela naman ay lumabas din ngunit nag paiwan ako.
"Hon. . . Magpahinga ka muna okay? Kakagising mo lang kanina eh." nag aalalang sambit ni Tita kay tito. Umiling si Tito at niyakap si Rainne. Napabuntong hininga na lang si tita at pinagmasdan ang kanyang anak at asawa. Naririnig ko pa rin ang hikbi ni tito kaya't napayuko ako.
"D-dad. . ." Napatingala ako at nanlalaking mata na tumingin sa nagsalita. A-ang pinsan ko gising na!
Napaiyak ako sa tuwa ng makitang nakayakap siya kay tito at nakakita ng nanghihina. Si tita halos humagulgol na sa iyak dahil sa saya. Lumabas naman ako at tinawag ang mga kasama ko at sinabing gising na si Rainne. Halos nagmamadali naman silang pumasok at nakitaan ko pa si Charm na tumulo ang luha. Si Adrian naman ay halos namumula na ang gilid ng kanyang mata dahio sa pagpigil sa iyak. Tumakbo naman agad ako tinawag ang Doctor na naka assign kay Rainne. Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng saya at pagkaginhawa. Napangiti ako at bigla na lang tumulo ang luha ko ng sunod sunod. Sa wakas Rainne, nagising ka na. I miss you my Cousin.
"Magbabayad ang gumawa sayo nyan Rainne. It's your time para gawin na ang plano mo." wika ko sa aking sarili at ngumiti.