"Harry Potter! Paabot sa tabi mo ng Piattos. Thanks!" saad ko habang patuloy na ngumunguya sa kinain kong Nova kanina. Nakaharap ako ngayon sa TV at pinapanood ang Crash Landing on You na nasa Episode 6 na. "Oh!" Pagbato sa akin ni kuya Daniel ng Piattos na nasalo ko naman agad. Naalala ko, December 24 na pala. Nakahanda na ang mga lutong pagkain ni Mom para sa pagsalubong mamaya ng Pasko. Nasa ilalim na rin ng Christmas Tree ang mga regalo namin para sa isa't isa. Napangiti ako ng maalala ko ang ilang mga regalo pa na nakabalot ng pink na gift wrapper. Nakarinig kami ng pagtunog ng doorbell na hudyat na may tao sa labas. Tinignan naman ako ni kuya at nginuso ang labas na ikinairap ko. Saktong pumatak na ang isang minuto at alas diyes na ng gabi ng buksan ko ang gate namin na bahagyang

