Humikab ako at saka muling isinubsob ang ulo sa desk ko. Naalala ko yung kagabi. Kahit ako hindi makapaniwala na pinsan ko siya. Naikwento na rin niya lahat lahat ng Plano niya non.
Hay, nalaman ko rin pala ang mga Info about sa school na ito. School of Elites and no one can enter here a scholar students. Hindi nila pinapayagan ang mga scholar dito and I don't know the reason. Isa din itong sikat na school sa lahat kaya kilalang kilala ito. Kaya may mga Clubs dito like Music Club, Modelling Club etc. para lalong sumikat ang mga studyante dito.
Meron na rin ditong sumubok sa pag aartista at may mga artista na talaga. Kaya hindi na ako magtataka kung meron mang nakakakilala sa BIA. The Top 1 Famous Group here in Famous Academy. Actually maraming grupo din ang talagang sikat dito pero hindi ko na inalam. Kung bakit naging sikat sila? Dahil hindi lang pala sa gorgeous sila. Meron din na mga talents at Matatalino din sila. Nalaman ko din na kahit ordinary student ka dito ay Famous ka pa din. Umaabot ng libo libong likes ang mga studyante dito.
Nalaman ko din na hindi lang High School ang nandito kundi College din.
"Guys! Nandyan na si Ma'am! Upo na kayo!" Sabi ng Class President namin. Agad agad naman kaming umupo ng maayos hanggang sa pumasok na ang teacher namin.
Dahil sa masipag ako ay tumalikod muna ako at binuksan ang bag ko para kunin ang Filipino notebook ko.
"Class, meron tayong transferee hindi lang isa kundi lima! Pumasok na kayo at magpakilala." Rinig kong sabi ng teacher namin at dahil sa ako ay busy sa paghahanap ng notebook ko. Parang wala pa nga dito sa bag ko ang notebook kaya hindi na ako nag-abalang tignan ang mga transferees.
Sige lang Rainne hanapin mo lang diyan.
May mga narinig naman akong mga tilian pero mahina lang naman. Siguro gwapo o kaya maganda sila kasi may tiliang nagaganap eh.
Bigla namang may nagsalita.
"Shiela Mae. 16 years old. Nice to meet you."
Hmm, ang ganda ng name at pamilyar ang boses kaya lang busy talaga ako sa paghahanap ng notebook ko. Nasaan na ba kasi 'yon? Alam ko nilagay ko yun dito sa bag ko eh.
"Ehem, Deserie here. Nice to meet you Classmates!"
Nice name at pamilyar din ito ha? Saan ko kaya narinig yun? Napa yess! naman ako dahil nahanap ko na yung notebook ko. Ballpen naman. Hanap ulit ako.
Hindi ko pinansin ang pag tikhim ng isa kong classmate. Basta hanap ulit ng ballpen kasi kailangan ko talaga.
"Charmaine, 16 yrs old. Please be nice to me or else, I Will Kill You."
Napa woahh! Naman ang mga classmates ko. Seriously? Bakit Familliar ang mga boses nila? Napapitsik ako ng malamang wala na palang tinta ang ballpen ko kaya naisip ko si Xandie. Dahil katabi ko naman si Xandie ay kinalabit ko siya.
"My name is Angelica. Don't look at me like that girls and boys! Argh! I know that I'm maganda!"
Woahh! Ang taray at ang hangin nito pero kinalabit ko ulit si Xandie. Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka. Ngumiti ako ng matamis at nagsalita.
"Pahiram ng sign pen mo, pleasseeee! Naiwan ko sa bahay eh!" Sabi ko at nag puppy eyes. Tumawa naman siya ng mahina at kumuha na ng ballpen sa bag niya.
"Bilisan mo naman! Ang tagal mo magpakilala eh!" Rinig kong sabi nung mataray na transferee sa kasama niya.
Pero hindi ako tumingin.
"Oh eto na Rainne. Wag mo ng isauli. Nah!Nah! Nah! Don't mention it, your welcome. Sayo na yan. Wag ka na magpasalamat." Ngiting sabi ni Xandie.
Hala, May pa dont mention it your welcome! Pang nalalaman to si Xandie eh hindi naman ako magpapasalamat sa kanya. Napailing na lang ako.
At may nagsalita ulit.
" I'm 16 yrs old. Confidently Handsome with a heart. And My name is James Caleb."
Napahinto naman ako sa pagsusulat sa notebook ko. Seriously? James Caleb talaga? Hay, naalala ko na naman siya. Kung bakit kasi hindi sila magtext o tumawag man lang.
Dahil sa napagod ako sa kakayuko ay tumingin ako sa mga classmates ko.
Nagtaka naman ako kung bakit sila nakatingin sa akin. Bahagyang napataas ang kilay ko doon. Tumingin naman ako sa harap at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Mula sa unang nagpakilala hanggang sa huli, doon tumigil ang mata ko sa kanya.
Caleb.
Totoo ba 'to? Nandito silang lahat? Hindi ito panaginip? Nakita ko si Caleb na ngumiti sakin at naglakad patungo sa kinauupuan ko at parang nag slowmo ang lahat. Si Caleb ba talaga yan?
Parang nawalan ako ng hangin ng huminto siya sa harapan ko. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Muling nakita ko ang kanyang pag ngiti. Parang gusto ko ng umiyak dahil sa wakas makakasama ko na ulit sila. Siya.
Hanggang sa humakbang ulit siya ng isa at yumuko para mapantayan niya ang mukha ko. Hinawakan niya ako sa pisnge at hinalikan sa noo. Bigla na lang ako nakarinig ng mga tilian ng mga classmates ko. May narinig pa akong kinikilig habang nagbubulungan.
'Omg!! Nekekeleg sila! Ayieee!!'
'waaah! Magkakilala ata sila eh! Omoo! Bagay silaaaa!'
'Team Caleb na tayo!'
Nahiya naman ako sa mga sinasabi nila. Yung totoo, magkaibigan kami pero ang lakas ng impact niya sa akin. Nabigla ako ng bahagya niya akong hinila at niyakap ng sobrang higpit. Yung parang ayaw ka nang pakawalan. May mga naririnig akong bulungan, tilian, at iba pa. Pero ako, hindi maprocess lahat ng nangyari. Tulala in short.
Dahil sa sobrang drama na ng room ay narinig namin na nagsalita ang teacher namin.
'Jusko, Mga kabataan ngayon puro pag-ibig na lang ang alam. Tignan mo nga! Hindi na nakakatuwa ah! Excuse me Miss and Mister! May klase pa tayo! Wag muna kayong magloving loving dito! Kaumay!'
At dahil sa sinabi ni Ma'am ay natauhan ako at napahawak na lang sa pisnge ko dahil sa kahihiyan. Tumawa naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng teacher namin at maraming naghiyawan.
'Woooh! Ang sabihin mo Ma'am wala kang lovelife! HAHAHAHA'
'Magharutan nga tayo para di na magturo si Ma' am!'
'Bitter be likeeeee! Hihihihi!'
Napasapo ako sa aking noo dahil sa mga nasabi ng classmates ko. Tama bang ipamukha pa sa teacher na wala siyang lovelife? Hay. Tumingin ako kay Caleb at ngumiti.
"Mamaya na lang Caleb! May kasalanan pa kayo sakin! Tsk." Sabi ko sa kanila. Inisa isa ko silang tingin. Tinignan ko sila ng matalim. Nakita ko naman si Desiree na ngumiti at nagpeace sign.
Si Angelica naman ay hinawi niya ang buhok niya at dumila sa akin, si Charmaine naman ay kumindat lang at si Shiela, tumingin sa akin tapos nakita ko pang lumunok at umiwas ng tingin. Napailing ako. Wala ng ibang magawa yan kasi nagawa na nila Angelica. Hmmp, Explain ang gusto ko sa kanila.
Tumingin naman ako kay Caleb at nakita ko siyang nakahalumbaba sa desk at nakatingin sa akin ng diretso at ngumiti. Napalunok tuloy ako at nag iwas ng tingin. Anong problema ng isang 'to?
Narinig ko namang mag tumikhim kaya napatingin ako doon., Si Adrian ay nakatingin kay Caleb ng sobrang sama at hindi ko alam kung bakit.
"You." Turo niya kay Caleb at lumingon naman si Caleb kay Adrian.
"Bakit ganyan ka makatingin kay Rainne?"
Saad nito na tila naiinis sa paraan ng kanyang pagsasalita.
Tumili na naman ang mga kaklase ko at may iba naman na naiinis. Teka-bakit naiinis si Kyle?
Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Caleb at umiling.
"Oh ano, tumigil na nga kayo dyan! Hindi na ako nakapagdiscuss ng dahil sa inyo!" Natahimik ang lahat ng sumigaw si Ma'am dahil sa kaingayan namin. Matapos ang isang mahabang katahimikan ay naglesson na ang aming teacher.
**
Natapos ang klase namin ng maraming natutunan. Nauna na sila Caleb sa Cafeteria dahil nagpasama ako kay Xandie na pumunta ng CR. Habang naglalakad kami ni Xandie ay kakaliwa sana kami kaya lang may biglang humarang samin.
Syempre iniisip ko na baka nakasalubong lang namin ito kaya pwede na kaming umalis. Akmang aalis na ako ng naramdaman ko na may humila sa bag ko pabalik sa kinaroroonan ko kanina kaya natapakan ko ang paa ko dahil doon at napadaing ako ng bahagya.
Tumingin naman ako sa taong yun. Tatlong mga babae ang nakatingin sa amin ng masama or should I say, sa akin nakatingin ng masama. What's with them? Feeling ko ay mga nangangarap maging Queen bee itong mga 'to dito sa Famous Academy.
Katabi ko si Xandie at halata sa kanya na naiirita siya sa tatlo dahil sa maangas na pakikitungo nito sa amin. I look at them at medyo napangiwi ako dahil ang mga drawing na kilay nila ay nakataas sa amin.
"What do you need?" I said calmly at huminga pa ng malalim. Tumawa ang mga ito na akala mo'y hindi makapaniwala sa tanong ko. Nainis ako sa inasta nila kaya tumingin ako kay Xandie para sabihin na ikaw na magsalita.
Ngumisi naman siya at tumingin ulit sa mga babae.
"Are you crazy? Do you want me to pull you outta here and throw all of you to the mental hospital?" Xandie said while she's smirking as if she's really going to do it. Napangisi tuloy ako dahil inasta niya. Hindi ko alam na may pagka maldita din pala ang pinsan ko. Muli akong lumingon sa kanila at nagsalita.
"Ano bang kailangan ninyo?" Natauhan naman sila kaya tumingin sila samin ng napakasama sama. Mukhang iniisip nila na natatakot ako sa masamang tingin na ipinupukol nila sa akin. Akala siguro nila ay natatakot kami sa kanila.
"You know what? I want to slap you two!" Gigil na sabi ng isang mukhang clown habang nakaturo sa amin. Siya yung nasa kaliwa at yes, they look like a clowns from their make up.
"Oh? May ginawa ba kami sa inyo? Tsk. Give us a valid reason clowns."
Xandie said while her eyes widened and after that she smirk again. My cousin is cool. And one more thing. She called them a clowns too.
"Hey! Watch your words! We're not Clowns!" Sabi naman nung nasa kanan at gigil na gigil na siya dahil sa sinabi namin.
Nakita ko naman yung nasa gitna and I think siya yung leader nila. Yung pinaka Queen. Bakit ko nalaman? Dahil sa itsura pa lang mukha ng bee o bubuyog I mean Queen bee pala.
Parang pinapakalma niya yung sarili niya. Tumingin siya sakin ng matalim at nagsalita.
"You know what we want? Tsk. Stay away from the Famous boys. The BIA. Masyado kayong papansin at pasikat. Hindi naman kayo magaganda!"
"Chill ka lang bes, hindi ka rin maganda!" Sabi ni Xandie habang natatawa. Napangisi ako.
"And one more thing, hindi nga kami maganda pero lumalapit pa rin ang BIA sa amin. Sorry girls , I think sila mismo ang ayaw umiwas samin. You know hindi kami MAGANDA pero dyosa with a heart naman kami." Natawa ako sa sinabi ni Xandie. Grabe, may pagka mahangin din pala ito tong pinsan ko.
"Urghh! Nakakainis kayo! Bakit ba kasi kayo nang aagaw ng trono ko dapat? I am the Queen here so you better kneel infront of me!"
She's crazy. And what is the 'trono' that she wants? I think I know it.
"Trono? Hmmm?" Sabay lagay ng daliri sa baba ko. Kunwari ng iisip.
"Ahh! Sorry sa inyo ha? Sige sa inyo na trono niyo. Ayun oh!" Sabay turo sa CR ng girls.
"Pasok lang kayo dyan. Seat down and relax. The trono or lets just say the inidoro is yours now my QUEEN!" Sabay bow.
Tumalikod na ako sa kanila at nauna ng naglakad. Naisip ko yung mga pinag gagagawa namin ni Xandie kanina. Jusme! Natatawa ako sa ka epican ng mukha nila.
I heard Xandie's laugh so I look at her.
"You know Besh s***h couz' *giggles* Your cool! The inidoro/trono is yours now QUEEN! " Sabi niya habang ginagaya yung boses ko. Natawa naman ako sa kanya kaya napa pout siya. Cute.
Oo nga pala. I need to talk to my friends kaya dumiretso na kami sa Cafeteria.
I think I'm Happy and contented na. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
**
"Explain." Sabi ko habang nakatingin sa kanila ng masama. Nagtinginan naman ang mga kaibigan ko na babae sa isa't isa.
Now what? Huminga sila ng malalim at maya maya ay nagsalita sila na ikinagulat ko.
"SI CALEB! SIYA YUNG MAY KASALANAN! INOSENTE KAMI!" Sabay sabay na sabi nila. Nagulat naman yung mga studyante dito kaya nag sorry sila.
Tumingin naman ako kay Caleb. Umiwas siya ng tingin at lumunok.
"Caleb." Sabi ko sa kanya ng seryoso.
Umayos naman siya ng upo at tumingin sa akin.
"Gusto ka lang namin isurprise kaya ganun ang naisip kong plano. Mahirap kaya tiisin ang taong importante sayo pero ginawa ko yun kahit na mahirap. Alam mo bang miss na kita sobra." sabi ni Caleb.
Ako naman ay namula dahil sa sinabi niya at nahiya. Bigla na lang tumahimik sa table namin. Tumingin ako sa kanila. Maya maya lang sabay sabay kaming tumayo sabay yakap sa isat isa.
"Huhuhuhu! Kung alam mo lang Rainne, huhuhu! Hindi kita namiss si Caleb lang! Huhuhu! Aray naman!" Sabi ni Desiree. Binatukan ko nga. Kung ano ano kasi pinagsasasabi eh.
"Uy bes! Alam mo bang maraming chicks---- shutek! Ano ba yan Caleb! Nagsasabi lang ako---- arayyyyy!!" Si Angelica.
"Wag ka ngang ano dyan Ange! Kung ano ano pinagsasabi mo kay Rainne!"
-Caleb.
"Tsk. Basta beshy Rainne! Missyou naaa!! Uwahh!"
Natawa na lang ako habang yakap yakap ko sila. How i miss my friends.
"Well guys, namiss ko rin naman kayo kahit papaano." Kumalas ako ng yakap sa kanila at ngumiti. Naalala ko, nandito pala si Xandie.
"Mga besh. May ipapakilala ako sa inyo."
Hinila ko si Xandie sa may upuan dahil busy siya sa kakakain ng burger, fries, spaghetti at marami pang iba. OO MARAMI PA! Ang takaw ng babaeng 'to.
"Uy!Coush! Ji pa ubosh yung *burp* foodsh ko *nguya*" Napahawak na lang ako sa magkabilang pisnge ko. Kakaiba talaga tong pinsan ko.
"Oh! Nadyan pala *burp* yong mgo fronds mo , ang sarap talaga ng spaghetti Rainne!"
Pinakilala ko na sa kanila si Xandie. Pati na rin lahat ng nangyari sa akin nung mga nakaraang araw. Sila naman hindi makapaniwala na nakasama ko na ang pinsan ko ngayon.
Nag-uusap ngayon ang mga kaibigan ko at pinsan ko. Napatingin naman ako kay Caleb na kanina pa nakatulala. Parang may iniisip na malalim.
Tumayo ako at naglakad papuntang pwesto niya. Napatingin naman siya sakin.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko.
Magrereklamo pa sana ako kaya lang nagsalita na siya.
"Naisip ko lang na hindi talaga kumpleto ang araw ko at araw nila kapag wala ka." Huminto siya at tumingin sakin.
"Mangako kayo na kahit anong problema o pagsubok man yan, dapat lagi tayong nagtutulungan. Kung may away man sa ating magkakaibigan dapat matuto tayong umayos ng mga pagkakamali natin." Nagbuntong hinga siya at tsaka ngumiti.
Sana nga ganyan kami parati. Sana magkatotoo lahat yan.
"Tara na. Mas maaga mas maganda." Tumayo na siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin.
Ngumiti naman ako at inabot ang kamay niya. Kaya lang pagkaabot ko ng kamay niya ay hinila niya ako patayo at miyakap ako ng mahigpit.
Parang gumaan ang pakiramdam ko ng niyakap niya ako. Iba talaga kapag bestfriend mo. You feel safe. Niyakap ko siya ng pabalik.
**
*FAST FORWARD*
"So Class. Last week we discussed about the types of voices. For the boys, we have bass and tenor. I need two representative who will represent a bass and the other one will represent the tenor." My teacher said and she pause for awhile and she looked for the representatives.
When my classmate raise his hand, my teacher called him to come infront.
"Miss, I'll choose Tenor." Sabi ng classmate kong lalake. I think he's name is Christian.
May tumaas ulit ng kamay at si Joshua yun. Ang pinaka epic sa lahat ng classmate ko.
"Ano nga ulit gagawin miss?" Napahawak na lang ako sa magkabilang pisnge ko. Jusko, Ang slow talaga.
Nakita ko naman na binatukan siya ng katabi niyang lalake. Siya si Rlanz. Isa sa mga komedyante ng room namin. Balita ko famous daw yang si Rlanz. May apat na kaibigan siya na famous din. Bigla naman nagsalita ang teacher namin.
"Mr. Joshua you're not listening. As I said earlier, some of you will represent the bass and tenor. So, did you get it?"
"Ahh! Yes Miss!" Sabi ni Joshua na akala mo talaga alam ang gagawin. Hanggang sa nagbigay na sila ng examples and then pinaupo na sila.
"Okay class. You will be having a group activity. You can choose your members. Magpepresent kayo ng isang modern song at kailangan maipresent niyo ang ibat ibang voices like soprano, alto, bass and tenor. Did you get it?"
Lahat naman ay sumang ayon sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Sila na ang magiging kagrupo. Tumayo na ako at lumapit sa kanila.
**
*HALLWAY*
"Mga beh, Ayieeeee! May crush ako sa room! OMG! He's so pogi and hot! Yieee!" Sabi ni Desiree. Ganyan yan palagi kapag may nakitang kakaiba sa isang lalake.
"Oh? Sino dun? Yung lalakeng mukhang timang na hindi alam ang gagawin kanina?" Sabi naman ni Shiela na natatawa.
Natawa ako sa sinabi ni Shiela. Si Joshua yung sinasabi ni Shiela. Nakita ko naman na sinamaan ng tingin ni Desiree si Shiela.
Ngumiti na lang ng pang asar si Shiela.
Habang naglalakad kami, biglang tumunog ang bell. Tinignan ko ang oras sa relo ko kung time na ba para sa break time pero maaga pa.
Napatingin naman kami sa may quadrangle dahil may nagsalita doon gamit ang mic.
'ALL OF THE STUDENTS FROM GR. 7 TO GR. 10, KINDLY PROCEED TO OUR REVIEW ROOM AFTER YOUR CLASS. WE WILL HAVING A MEETING. THANK YOU!'
Pagkatapos na pagkatapos pa lang na sabihin yon ay marami na namang nagbulong-bulungan.
'Waaahh! Nakakatamad naman!'
'What the? May pupuntahan pa naman ako mamaya.'
'Ano ba yan! May date kami ng jowabels ko eh!'
At iba pang bulung bulungan. Ano kaya ang imemeeting mamaya?
"Wow naman! Bago lang kami dito may meeting na agad?"
"Tsk. Punta na lang tayo mamaya."
At lahat naman ng mga kaibigan ko ay nagsipag-ayon. Naglakad na lang ulit kami para bumili ng pagkain.
**
*FAST FORWARD*
Naalala ko. May group activity kami next week kaya kailangan paghandaan ang performance namin. Habang nakatulala ako at nag iisip about sa Activity na yon ay may pumisil ng pisnge ko.
Napatingin naman ako sa taong yun. Si Kyle pala. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.
"Hi Rainne! Ang cute mo kapag nakatulala."
Sabi ni Kyle na natatawa.
"Uy! Baka lumaki ulo ko niyan Kyle." Natatawa ko rin sabi.
Tumawa naman siya at napa iling na lang. Ang cute niya lalo na kapag ngumingiti. Lalong lumalabas ang dimple niya.
Landi mo Rainne!
"Ow! By the way, sali kami sa group niyo para mapakilala mo rin kami sa mga kaibigan mo." Sabi niya at ngumiti.
Tumango na lang ako sa kanya. Tumayo naman siya at pumunta na sa pwesto niya.
Oo nga pala, Inannounce ulit kanina na hindi daw tuloy ang meeting. Bukas na lang ng umaga. Marami ngang nagdiwang sa announcement ng President ng Student Council.
Actually hindi ko pa nakikita yung President ng SC. Sabi daw nila masyadong masipag yon. Maganda at Matalino rin daw.
Hmm? Ano kayang itsura niya?
Bumalik na lang ulit ako sa realidad at nagmasid sa mga kaklase ko.