Dumating na nga ang sumunod na linggo, ang lahat ay abala sa pagre-review ng kanilang mga notes dahil maya-maya lamang ay mag-uumpisa na ang midterm examination. Dahil may isang oras pa naman bago magsimula ang klase ay nagsama-sama kami nila Xandie at Caleb sa iisang bench dito sa labas ng building ng mga college students. Punuan rin ang ilang mga bench dahil na rin sa pagre-review ng mga studyante. May iilan rin na nag gu-group study at nagpapalitan ng kanilang mga reviewer. "Mga ayaw talaga bumagsak ng mga studyante rito," Sambit ni Xandie habang iniikot ang tingin sa mga studyateng puspusan na nag-aaral. Tinignan ko ang kanyang ginagawa at napasapo na lang ako ng noo. Paano ba naman ay iba pala ang pinagkaka abalahan ng pinsan ko. "Ano ba naman 'yan Xandie! Sinabing mag-review hindi

