“Wake up Les! Magkikita na rin tayo.”
Mula sa madilim na lugar ay napalitan ng maliwanag ang paligid kasabayan ng kung sino na boses lalaki ang tumawag sa akin. Malabong si Kentoy iyon dahil kilalang kilala ang kanyang tinig. Inilinga ko ang aking mga mata at puro puti lang naman ang aking nakikita.
“Sino ka? Nasaan ka ba? Wala naman akong makita! Nasaan ba ako ngayon?” Sunod-sunod na tanong ko sa taong hindi ko naman nakikita.
“Wake up! You're now safe with them/us. I’ll wait for you Les.” Muli nagsalita ang lalaki pero wala talaga akong makita.
“Safe na ako? Paano?” Mahinang tanong ko sa lalaki pero wala akong marinig na tugon o salita mula sa lalaki.
Ang maliwanag na paligid ay muling dumilim. Biglang bigla rin na hindi ako makagalaw at parang may tunog ng kung anong bagay akong naririnig.
“How was she Doc? It's been two days, pero tulog pa rin siya? Mapanganib ba sa pasyente kung hindi pa rin siya magigising agad. She's too young Doc.” May malamyos na tinig ang nagsabi noon na parang ubod din ng ganda ng kalooban at mismong pisikal na anyo.
Halatang halata rin na nagmamalasakit talaga ito at walang halong pagkukunwari. Kung sino man ang tinutukoy niya ay maswarte talaga, dahil may tulad nito na nag-aalala at nagmamalasakit para sa kanya.
“No! Wala naman pong kahit anong panganib ang nakaamba sa pasyente. Actually maybe today or tomorrow ay baka magising na siya. Kaya lang naman napahaba ang kanyang paghinga dahil sa mga gamot at anesthesia na mga ginamit namin sa kanya during mild operation dahil nga sa mga natamo niya na mga sugat partikular sa parte ng binti ng dalaga. Idagdag pa na bugbog na bugbog ang kanyang katawan.” Magalang at may buhay na tugon ng boses lalaki. Mukhang okay naman ang inaalala ng babae na tao.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit naririnig ko sila? Malapit lang ba ako sa kanila. Ibig sabihin ba ay nasa hospital din ako?
Sa isipin na nasa hospital ako ay tila nagising ng tuluyan ang aking diwa. Hindi naman pala totally madilim ang paligid dahil may ilaw naman na nakasindi.
“Thank you Doc! Sana manatiling lihim ang ipinagawa namin test sa kanya. We just want to make sure na hindi siya biktima ng alam mo na—!”
“Zionna, Doc! I think she's awake.” May panibago akong tinig na narinig. Kaya naman pilit kong iginala ang aking mga mata sa paligid.
Base sa amoy at aking mga nakikita ay nasa hospital nga ako. Doon ko rin agad napagtanto, na ang pinag-uusapan nila maging ang mga naririnig kong nag-uusap concern ay para sa akin. Mukha ring may ideya na ako kung anong ipinagawa nila na test sa akin.
“Oo nga Mr. & Mrs. Merani gising. A siya. Hija how do you feel? Nakikita mo ba kami? May kakaiba sa paligid mo? Tell me I’m your doctor.” Pinag-lipat-lipat ko ang aking tingin sa tinawag ng doctor na Mr. & Mrs. Merano. Masasabi kong may kung anong enerhiya ang humahatak sa aliny para sa mag asawa. Pero ng maalala ko ang mga tanong ng doctor sa akin ay sa kanya na ako tumingin.
“U-uhaw po. N-nakikita ko po kayo at medyo masakit lang po ang ulo ko at mata dahil sa sinag ng ilaw.” Magaspang ang pakiramdam ko sa aking lalamunan kaya nautal pa ako sa pagsasalita. Tumango naman ang doktor sa akin at ito pa mismo ang kumuha ng tubig at straw para makasipsip ako ng tubig. Matapos kong uminow at sinuri pa ako ng doktor bago nagpaalam.
“Hija patawarin mo kami kung na bundol ka ng sasakyan namin. Mahirap na kasing kabigin mas maraming mapapahamak. But we just want you to know that all of your expenses here and medication ay kami na ang bahala even your food and daily allowance is on us. Walang magiging problema ang mga magulang mo.” Mababa ang tono ni Mr. Merano ng kausapin ako. Kung tutuusin ako naman ang may kasalanan.
“What's wrong hija? Bakit ka na tahimik? Gusto mo ba tawagan na natin ang guardian mo? Hindi kasi namin alam kung sino ang tatawagan dahil ni ID wala ka. By the way anong pangalan mo at ilang taon ka na?” Malumanay naman na tanong ng babae sa akin. Para bang sensitive ako kaya dapat maingat siyang magsalita.
“W-wala na po akong pamilya. Ako po si Leslie mag lalabing anim na taon po ako ngayong taon. A-ang totoo po ay tumakas po ako mula sa nasa gubat na abandonadong gusali. M-maraming mga bata pa po ang naiwan doon. I-iyon po ang dahilan kung bakit ako tumatakbo ng walang direksyon. Ilang taon po kasi akong doon lang umikot ang buhay. Halos apat na oras po akong lakad takbo kanina. Sobrang natatakot po ako na mahuli nila ako, baka po kasi halayin at patayin na ako ng mga tauhan ni Tsang Anching. Tulungan niyo po ako Sir, Ma’am—!” Natigil ako sa pagsasalita ng biglang hawakan ng Ginang ang aking kamay. Lumuluha na ito ngayon kaya hindi ko na rin na pigilan ang maluha.
“Haidus do something! Maraming mga bata pa raw ang nandoon. Use your team and do not cooperate with the police. Hija we will help you. Leslie, ang bata bata mo pa para sa mga ganyang paghihirap. And dahil kami naman ang dahilan kung bakit ka naratay ka dito sa hospital; kaya kami na rin ang bahala sa’yo sa mga pangangailangan mo. Pwede ka rin sa amin tumira hija kung gusto mo. Pangako walang gagalaw sa’yo doon. You can go to school if you want. We will provide.” Mahinhin pa rin ang paraan ng pagkakasabi ng Ginang mv mga salitang iyon, pero halatang seryoso siya lalo sa sinabi niya sa kanyang asawa. Ito pa ang sinasabi ng kung sino sa panaginip ko?
“T-totoo po ba? Tutulungan niyo po ako kahit ‘di niyo po ako kilala. Kahit magiging pabigat po ako sa inyo.” Tanong ko sa kanilang mag asawa. Dahil sa aking mga tanong ay napahawak ako sa aking dibdib. May pamilyar na kirot akong naramdaman ng sabihin ko ang salitang pabigat. Naalala ko si Kentoy bigla. Sana lang ay ligtas din siya gaya ko.
“Oo naman! Hindi ba Haidus?” Magiliw na tugon ng Ginang sa akin at ang asawa naman ng Ginang ay tumango at ngumiti sa akin.
“Paano Leslie? Sasama ka na ba sa amin? Oo nga pala malayo na tayo sa Cainta. Nasa Quezon City na tayo at siguradong malayo ka sa kanila, at hinding hindi ka na nila makukuha sa amin. Pagaling ka agad hija.” Muling untag ng Ginang. Ang ganda ng ngiti niya nakakahawa ng sobra.
“Opo! Pwede po akong maging katulong sa bahay ninyo—”
“No! Hindi mo kailangan maging made namin. Basta pamilya ka sa amin.” Naging malalim ang naging baon ng mga sinabi ng Ginang. Hindi na ako tumugon ng salita pero sa kilos ko naman ay sobrang saya ang aking nararamdaman.
Nang tumahimik na ako ay yumuko naman ang Ginang. Sa una akala ko kung anong gagawin niya, ‘yun pala ay hahalikan ako sa noo.
“Nandito lang kami para sa’yo. Hintayin lang muna natin ang go signal ng doktor mo para mapapakain na rin kita agad.”
Tila may isang Ina akong nahanap mula sa aksidente na aking kinasangkutan. Wala rin akong nararamdaman na kapahamakan sa mag asawang ito dahilan para magdesisyon na rin akong tanggapin ang kanilang alok na tulong akin. Total ay kailangan ko rin naman talaga ng tulong mula sa ibang tao.
Ngunit dahil sa silaw pa ako sa liwanag ay pinikit ko muli ang aking mga mata hanggang antukin akong muli parang kulang na kulang pa rin ako sa tulog.