TAKAS‼️

2004 Words
SUNOD-SUNOD na sigawan ang narinig ko mula sa mga tauhan ni Tsang Anching. Maging pati ang iyakan ng ibang mga batang kasama namin sa lugar na ito mahabang panahon. Sa una iniisip ko lang na baka panaginip lang ito, ngunit ng maglagabugan na ay mabilis na napabalikwas ako dahil sa iba’t ibang lagapak ang mga naririnig ko na. Nang nakaupo na ako ay doon ko lang napansin na wala pala si Kentoy sa aking tabi ng mga oras na ito. Biglang may pumasok sa isip ko na scenario kaya agad ng kinilabutan ako. Siguro dala na rin ng matinding mga iyakan na aking naririnig ay mas nagatungan ang aking mga iniisip. Sandali pa akong natigilan pero ng maalala ko si Kentoy ay agad kong kinuha ang aking bag tsaka marahan na lumakad papunta sa pintuan. “Leslie kailangan mong maging listo at alerto!” Paulit-ulit na sabi ko sa aking sarili. Nang lingunin ko ang ibang higaan ng mga bata ay wala na rin pala sila doon. Siguro ay mas nauna silang nagising kaya umalis na rin agad. Nagpalinga-linga muna ako tsaka tinungo ang gawing kusina. Sa gilid lang ako dumaan para masiguro ko na hindi talaga ako mahahagip ng cctv. Sa mismong kusina naman ay walang cctv ayon sa sinabi ni Kentoy sa akin. “Tang ina! Ano ba ang nangyari at nagkagulo ang lahat? Planado ba ito ng mga bata?” Napahinto ako sa pag-usad ng lakad ng marinig ang gigil na gigil na mura at tanong ng isa sa tauhan ni Tsang Anching. Kumubli ako sa tambak ng mga karton para hindi nila ako makita. “Hindi naman siguro, sadyang idinaos lang ng mga ‘yan ang kanilang mga kawanglang-hiyaan. Pero marami ang makakatakim ng bugbog tiyak ako d’yan.” Tugon naman ng isang lalaki. Pigil ko ang aking hininga at paggalaw habang nakikinig pero ng makalayo na sila ay tumuloy na ako sa kusina. Pahina naman ng pahina ang sigawan at iyakan ng mga ibang bata. Marahan at hindi gumagawa ng ingay ang bawat hakbang ko. Nang marating ko na ang pintuan ay halos manginig na ang aking mga tuhod. Akmang bubugsan ko palang ang pinto ng kusa na itong bumukas. Mula sa labas ay bumungad sa akin ang lalaking isa sa nagpaparamdam ng kamanyakan sa aking katawan. “Saan ka pupunta? Tatakas ka no!” May kalakasan ang pagkakasabi noon ng lalaki kaya nasindak ako. “H-hindi—!” “Alam ko tatakas ka.” Putol ng lalaki sabay haplos sa aking balikat. Kung kanina kinilabutan ako sa takot, ngayon kinilabutan ako sa pandidiri sa ginawa ng lalaki sa akin kaya lumayo akong lumayo sa kanya dahilan para bumagsak ang kanyang kamay. “Alam mo ba na ‘yan ang gusto ko! Palaban at lumalaban. Gusto mong makaalis? Halika sumama ka sa akin. Isang dapa lang naman ito ay okay na, palalayain na kita.” Tila ba ulol na ulol na sabi ng lalaki. Kitang kita rin ang pagkahagom niya sa aking kabuuan. “Nasaan si Kentoy at Leslie! Punyeta! Tinakasan na rin yata tayo!” Halos mapapiksi ako ng marinig ang isa sa katiwala ni Tsang Anching. “Paano ba ‘yan? Mukhang hinahanap na kayo. Mukha ring iniwan ka na ni Kentoy at inunang iligtas ay ang sarili niya.” Dagdag pa ng lalaki na sabi kaya parang nawala ako sa sarili at inabot ang kamay nito. “Totoo ba na tutulungan mo ako? Kung hindi ka totoo mag paalam ka na sa buhay mo dahil mas paniniwalaan ako ni Tsang Anching—!” “Oo naman! Sigurado ako. Tara na palapit na sila.” Putol pa ng lalaki sa aking sinasabi. Nagpatianod ako sa paghila niya sa akin palabas. Malamig na hangin ang sumalubong sa amin ng makalabas na kami. Sa tingin ko ay madaling araw na rin at hindi na gabi. Mabilis ang naging bawat hakbang ng lalaki na panaka-nakang tumatakbo kaya naman ganun na lang din ang ginawa kong pagmamadali. Kabisadong kabisado ng lalaki ang bawat daanan kaya parang ramdam ko na ang paglaya ko. Umabot ng halos isang oras ang paglalakad at pagtakbo namin bago huminto ang lalaki sa isang sirang kubo. “Paano ba ‘yan? Sisingilin na kita.” Biglang sabi ng lalaki sabay kalas ng sinturon niya. Kahit sinabi nito kanina na iniwan na ako ni Kentoy ang lalaki pa rin ang naiisip ko na magliligtas sa akin. “Oh ba’t iiyak ka? Langya naman pahihirapan mo pa ako. Luhod bilisan mo. Bibig muna ang uunahin ko.” Galit na tanong at mando ng lalaki sa akin. Hindi naman ako kumilos pero napapikit ako dahil sa takot ng biglang dumaing ang lalaki. “Urghhh!!! Puta naman!” Daing ng lalaki kaya naman bigla akong napadilat. Nakita ko ang lalaki na nakahandusay na at patayo palang pero pinukpok na ulit ng lalaking kilalang kilala ko. “E-entoy, h-hindi mo ako iniwan.” Mahinang sabi ko. Huminto lang si Entoy sa kakapukpok sa lalaki ng mawalan na ito ng malay. Mabalis akong lumapit sa lalaki ay niyak ito ng mahigpit. “Arghh!” Daing ni Entoy kaya napakalas ako. “Entoy may s-sugat ka at dumudugo.” Utal na sabi ko sa lalaki na ngumiti lang sa akin. “W-wala to! K-kailangan na nating makalayo. Mas magiging madali ang paghahanap nila sa atin kung liliwanag na k'ya bilisan na natin. T-tandaan mo Badang kahit anong mangyari tumakas ka. Unahin mo ang sarili mo Babang ko. Tara na!” Titig na titig ako sa mukha ni Entoy na puno ng pawis. Halatang iniinda niya ang sakit ng sugat na tila galing sa isang punyal. Imbis na hayaan ako ng lalaking sumagot ay hinila na ako nito. Habang naglalakad kami tumutulo naman ang mga luha ko. Natatakot ako na mawala si Entoy. Nasa liblib pa rin kaming lugar kaya walang mga napapadaan pang sasakyan. “Ahhhh…Papahinga lang muna ako, Badang umuna ka na susunod ako—” “Ayoko! Sabay tayo dapat Entoy.” Kung kanina ako ang titig na titig sa lalaki ngayon siya naman ang nakatitig sa akin. “Gusto mong makatakas ‘di’ba! Sundin mo ako at wag matigas ang ulo. Mauna ka na susunod ako. Wag makulit Leslie!” Napapiksi ako dahil pagsigaw ang pagkakasabi noon ni. Entoy sa akin. Ni minsan hindi niya ako sinigiwan ng ganito. “Ayoko! Hindi kita iiwan Entoy. Kialangan mo ako ‘di'ba! Kaya dito lang ako sa tabi mo—” “Ang kulit mo! Lagi kang pabigat sa akin. Pabuhat ka lagi. Ilang taon na ba kitang inaalagaan? Ang tagal na Leslie! Alam mo kung hindi ko lang kayo nakita kanina baka hindi na tayo magkasama. Mabuti pa nga sana kung ganun. Iniwan naman talaga kita kanina doon sa bodega e. Iniwan kita kasi ganito ka nga! Pahirap at makulit!” Napaatras ako ng makita kong may galit sa mga mata ni Entoy habang sinasabi iyon sa akin. All this years akala ko ay bukal sa loob niya ang lahat, pero heto siya sinasabi niya ang nararamdaman niya tungkol sa padikit ko sa kanya. “E-entoy hindi ko alam. Akala ko okay lang.” “Puro ka akala! Bilisan mo na umalis ka na. Umalis ka na sa buhay ko Leslie dahil ubod ng malas ka!” Sigaw ng lalaki sa akin na lalong bumasag ng puso ko. Ngunit imbis na umalis agad ay yumakap muna ako ng pilit kay Entoy. “S-salamat at patawad k-kung pabigat ako. E-entoy humanap ka ng tulong ha! Malala ang sugat mo. Huwag kang mag alala kapag nakalaya tayo at magkasalubong minsan, kung ano man ang magagawa ko para sa’yo ay gagawin ko. Babayaran ko ang lahat ng atraso ko sa’yo. Pero ang sigurado ko lang mahal kita Entoy, mahal kita bilang kaibingan at Kuya ko. Aalis na ako.” Luhaan ako ng kumalas sa lalaki sabay talikod at takbo. Kahit ganun si Entoy malaki ang duda ko na tinataboy niya lang ako kaya siya ganun. Gusto niyang masiguro na makakalayo ako. “D’yos ko kung gising ka, nakikinig at hindi namimili iligtas mo naman si Entoy. Bigyan mo siya ng bagong buhay.” Piping hiling ko sa panginoon. Ngayon ko na lang muli siyang naalala mula ng mawala ang Nanang at Tatang. Pakiramdam ko noon nawala ang lahat sa akin at kahit ang D’yos tinalikuran ako dahil na punta ako sa pangangalaga ni Tsang Anching. Pinili kong baybayin ang ang damuhan na halos mataas pa sa akin. Pakiramdam ko ay safe ako doon mula sa mga humahabol sa amin. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya huminto ako sa paglalakad at mas piniling magtago ng maigi bago sumilip. Nakitang ko ang pamilyar na delivery truck na gamit sa bodega. “Yari tayo kapag hindi natin nakita si Kentoy at Leslie. Tiyak papatayin tayo ni Tomboy Anching. Tigang siguro sa tîtî ‘yun kaya galit na galit sa lalaki kahit konting mali patay agad.” Rinig ko na sabi ng tauhan ni Tsang Anching. May bumaba pa ma dalawang lalaki at nag-ilaw sa mga damuhan. Mabuti na lang at safe ang pinagtaguan ko. Nang umalis na ang sasakyan ay bumaybay sa kabilang kalsada ay nagmadali naman akong naglakad palayo. Halos tatlong oras ang ginugol ko bago marating ang bayan. Nabasa ko na nasa Cainta pala ako. 6:30 na rin pala ng umaga. Marami ng tao dahil parang ito nag sentro o pusod ng lugar. Hindi naman nagtagal ay may nakita akong paradahan ng mga jeep at tricycle pero ng makita ko ang pamilyar na truck ay nagtatakbo ako ng mabilis. Kung saan saang shortcut ako dumaan kaya hindi ko na malayan na ang dulo pala ng eskinita na binabaybay ko ay main road na. Huli na ng makita ko ang kotse na sasalpok sa akin. Alam kong mababangga ako dahil hindi na kakayanin ng kotse ang mag preno. “Dito ba ito matatapos?” Tanong ko sabay pikit. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang malakas na impact mula sa kotse na bumangga sa akin. *Blaaggsh!* Huling tunong na aking narinig ng tumilapon at magpagulong gulong na ako sa kalsada. ************************** Mula sa kotseng nakabangga sa isang babae ay nagmamadaling bumaba ang isang lalaki at Ginang. Kitang kita sa itsura ng mga ito ang gulat at pag-aalala sa babae. “Haidus sabihin mong buhay siya! Oh God! I think she's in a hurry or something” Bulalas ng Ginang na sabi sa lalaki. Agad na ginagap ng lalaki ang kamay ng asawa sabay masahe doon. “Calm down! She's going to be fine. We will do everything for her.” Alo naman ng lalaki sa Ginang na puno ng kasiguraduhan. Dahil may mga enforcers na rin sa lugar ay ang mga ito na ang nag-take over sa kumusyon. Sila na rin ang tumawag ng rescue sa isang pribadong hospital. Halos sampung minuto ang lumipas bago dumating ang ambulansya. Agad na tinignan ng mga medic ang babae. Nang magsiguro ang lagay nito ay tsaka nila sinakay sa stretcher para ikarga sa ambulansya. Malinaw naman sa mga police na dumating ang pangako ng mag asawang Merano. Sa hindi naman kalayuan may mga matang nakatingin sa babaeng isinakay na sa ambulansya. “Sabi ng medic na narinig ko 50/50 na daw si Leslie. Tiyak maliligtas na rin tayo kay Anching. Si Kentoy na lang muna ang hanapin natin.” Untag ng driver ng truck sa dalawang kasama nito. “Sige pero mamaya pasyalan natin ang hospital para masiguro ku g patay o hindi na magkakamalay si Leslie.” Tugon naman ng kasama nito sabay alis na rin sa umpukan ng mga Miron. “B-badang sorry hindi ko alam na aabot ka sa ganito. W-wala kasing mangyayari kung magkasama tayo. Mahal kita Badang hindi lang bilang kapatid at kaibigan kun’di higit pa.” Mahinang mahina na sabi ni Kentoy bago tuluyang bumulagta na rin sa sahig. “Yung lalaki hinimatay!” Agad na pinagkulumutan ng mga tao na nakikiusosyo rin ang lalaki. Mga tanod naman ng barangay ang nagrescue kay Kentoy at nagdala sa public hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD