Pagdurusa ni Rylie

1977 Words
Napagpasyahan ng umuwi nila Martha mula sa hospital, para makapagpahinga na din sina Andrew at Shiela. Kahit papaano ay kumalma na si aling Tessie sa nangyari kay Steven, na naging matagumpay ang pagamot sa natamo nitong saksak. Di nagtagal habang binabaybay nila Martha ang daan pauwi ay nakaramdam sila ng gutom kaya napagpasyahan nila na kumain muna sa dinaanan nilang gotohan. Sa kasamaang palad, sa kalagitnaan ng kasarapan sa kanilang pagkain ng goto ay di namalayan ni Martha na kulang na pala ang kanyang dalang pera. “kamalas naman oh! Buti na lang at malapit na lang ang bahay natin, o siya dito na muna kayo at kukuha lamang ako ng pera sa bahay” paalam ni Martha sa dalawa niyang anak. “bilisan niyo inay ha? Baka may balak ka lang na paghugasin kami ng pinggan nitong si Shiela para makalibre sa goto” pahabol ni Andrew sa kanyang ina. Isang malakas na batok ang natanggap ni Andrew sa kanyang ina na naging dahilan upang mapa-aray ito. “loko kang bata ka ah! Pagmumukhain mo pa akong kuripot dyan! Bilisan niyo na lang kumain diyan! Pagbalik ko dapat ubos niyo nayan ha?!” bulyaw ni Martha sa mga anak. Nangingiti lang si shiela sa napala ng kanyang kuya Andrew. ***pagpapatuloy sa nangyayari kay Rylie**** Laking gulat ni Rylie ng magpumilit ang kanyang tiyo Nestor na pumasok sa kanyang silid. “tsong? May kailangan po ba kayo? antayin niyo na lamang po ako sa labas, magbibihis lang po ako” kinakabahang pakiusap ni Rylie sa kanyang tiyo na tila may balak na masama. “hoy bakla! Napaka arte mo naman! Wag ka nang magkunwari, alam ko naman na gusto mo din eh” tugon ng kanyang tiyo Nestor habang inaalis ang damit pantaas nito at unti-unting lumalapit kay Rylie. “tsong? Lasing na lasing ho kayo, buti pa eh magpahinga na po kayo sa kwarto niyo” tugon ni Rylie habang lumalayo sa kanyang tiyo. Subalit mapilit talaga si Nestor sa kanyang gustong gawin kaya agad niyang hinawakan sa magkabilang balikat si Rylie at siniil ito ng halik. Gulat na gulat naman si Rylie sa ginagawa ng kanyang tiyo kaya mabilis itong kumilos para itulak ito palayo sa kanya. “tsong? Ano po bang nangyayari sa inyo?” takot na takot na sambit ni Rylie habang inaayos ang kanyang sarili. Tila lalo lang nagpursige ang kanyang tiyo sa binabalak nito at agad itong tumayo sa pagkakalugmok sa sahig at muling sinunggaban si Rylie. “Yan ang gusto ko! hahaha! masyado ka pang pakipot eh! Wag mo ng pigilan ang sarili mo! Alam ko naman na gustong gusto mo! Hahaha” sigaw ng kanyang tiyo at muli siyang pinaghahalikan si Rylie sa leeg. Labis na pagpalag ang ginawa ni Rylie kaya aksidenteng nasiko niya ang mukha ng kanyang tiyo na naging dahilan para huminto ito sa ginagawa. “aba! Lumalaban ka pang hudas ka ha!” bulyaw ng kanyang tiyo sabay bitiw ng suntok sa sikmura at sampal kay Rylie. Labis na sakit ang naramdaman ni Rylie sa kanyang natamo, gapos ang kanyang mga kamay ay naluha na lang siya sa mga halik na ginagawa sa kanya ng kanyang tiyo Nestor. Ngunit bago pa man ito tuluyang matuloy ay may di inaasahang boses ang umalingawngaw sa buong silid. “Anong ibig sabihin nito?!!!” bulyaw ng kanyang tiya Martha na halos gulat na gulat sa pangyayari. Agad na napabalikwas si Nestor at labis na nahimasmasan sa boses ng kanyang asawa. “tsang, tulungan niyo po ako” maluha luhang pagmamakaawa ni Rylie. “Martha, buti na lang at dumating ka, sinamantala nitong salot na ito ang pagkalasing ko at inakit ako” mabilis na depensa ni Nestor. Gulat na gulat si Rylie sa narinig na kasinungalingan ng kanyang tiyo Nestor ngunit bago pa man niya madepensahan ang sarili ay agad siyang sinugod ng kanyang tiya ng sampal at sabunot. “hudas ka talaga!!! SALOT!!! Walanghiya KA!! Pati ang asawa ko tataluhin mo??!! Wala kang kwenta!!! MALANDI!! Bakit nakulangan ka ba sa Steven na yon!!? KADIRI kA!! DEMONYO!!!! Lumayas ka sa pamamahay ko!!!” bulyaw ng kanyang tiya habang patuloy sa paghampas at pagsabunot kay Rylie. Pagdaing at iyak lang ang nagagawa ni Rylie habang kinakaladkad siya palabas ng bahay ni Martha. Labis itong nakapukaw ng atensyon sa mga kapitbahay kaya naglipana ang mga chismoso at chismosa. “lumayas ka na!! dapat pala ay noon palang ibinenta na din kita kasama ng kambal mo!! Wala kang kwenta!!!!Haliparot!!” bulyaw ni Martha at sa sobrang tindi ng tension ay bigla na lang itong hinimatay, na naagapan naman ng kanyang asawang si Nestor. Agad naman na dumating sina Andrew at shiela dahil sa kaganapang nangyayari. Di na nagdalawang isip pa si Rylie na pulutin ang kanyang mga nagkalat na damit at lumuluhang nilisan ang bahay na nagbigay sa kanya ng labis na pasakit. ***** SA ISANG MAGKALAPIT NA SECONDARYA AT UNIBERSIDAD******** Binabaybay ng isang napakagarang itim na sasakyan ang kalawakan ng eskwelahan sakay ang dalawang magkapatid na talaga naman na kilala sa buong campus dahil sa yaman at pagiging sikat na modelo ng mga ito. “kuya Brix, bakit mo naman tinanggihan yung producer na nag-aalok sa iyo? Sayang naman yun.” Tanong ng kanyang kapatid na babae na abala sa pag aayos ng buhok nito. “pwede ba Dianne? Kukulitin mo nanaman ako tungkol diyan, busy ako sa mga aralin ko at saka sa kumpanya natin para tumanggap ng maraming offer” nakukulitang tugon ni Brix na nanatiling focus sa pagmamaneho. “bakit ka galit? Nagtatanong lang naman, hmm… if I know dahil din yan sa girlfriend mong si Vanessa” pagmamaktol ni Dianne ni ikinataas ng kilay nito. “alam mo naman pala eh, nagtatanong ka pa, alam mo naman kung gaano kahigpit yun sa akin” tugon ni Brix habang abala pa din sa pagmamaneho. “hmph! Bakit di mo pa kasi hiwalayan yung babae nay un, hay nako speaking of the super devil, talaga nga naman.” Tugon ni Dianne na labis napataas ng kilay ng makita ang girlfriend ng kuya niyang si Vanessa na nag aantay sa bench kung saan malapit sa paparadahan nila. “hay nako, madaling sabihin, pero napaka hirap gawin” naging tugon na lang ni Brix kasabay ang malalim na buntong hininga. Pagkatapos mag park ay agad na bumaba ang dalawa sa kotse at talaga naman lahat ng mga estudyante na nandoon ay napapahinto at napapatingin sa kanila. Agad naman na tumayo si Vanessa sa kanyang kinauupuan at agad na lumapit kina Brix. “Your late” maigsing pambungad ni Vanessa kay Brix habang nakataas ang isa nitong kilay. “uhmm… sige na Dianne pumunta ka na sa building mo at baka maleyt ka na” utos ni Brix kay Dianne at dali daling nilapitan si Vanessa para lambingin ito. Napa ismid na lang si Dianne palayo sa kanila. Si Brix Dela Merced, 21 years old, 3rd year college sa kursong may kinalaman sa business. Di gaanong maputi pero alaga ang kutis at talaga naman na gwapo. May tangkad itong 5”11’ na talaga namang pang modelo ang dating. Di ganoong kalaki ang kanyang katawan pero masasabing alaga ito sa gym. Si Dianne Dela Merced, 17 years old, 4th year highschool, maputi, makinis, maganda na talaga naman na maihahanay sa mga nagagandahang artista at talaga naman na masasabing seksi ang katawan kaya naman isa din siyang sikat na modelo tulad ng kanyang kuya. Sa di kalayuan ay nakatanaw naman si Harajima sa naglalakad na si Dianne papuntang building nito. Halatang halata kung gaano niya ito minamatyagan. “pre, baka naman matunaw si Dianne, kung ako sa iyo liligawan ko na yan, pasado ka diyan sigurado, sa gwapo mong iyan” pang uudyok ng kaklase ni Harajima na nakikimatyag din kay Dianne. “oo nga naman pare, sige ka baka maunahan ka pa ng iba, isang taon lang naman ang agwat niyo eh” dagdag pa ng isa. “di bale mga pre, dadating tayo diyan, naghahanap lang ako ng tiyempo” tugon ni Harajima na abala pa din sa kakasulyap kay Dianne. Sa pagmamatyag ni Harajima, ay may napansin itong nagmamatyag din dito sa kalayuan na walang iba kundi si Koji at laking gulat pa niya ng kausapin ito ni Dianne. ******sa bahay nila Amy************ Maagang naghanda si Amy para kamustahin ang kalagayan ng kaibigan na si Steven sa hospital, ngunit laking gulat niya ng may makitang tao na nakahiga sa gilid ng kanilang gate. Di niya ito maaninag kung sino dahil sa nakatakip ang mga damit sa mukha nito kaya minabuti nalang niya na ito'y gisingin. “uhm… excuse me, sorry sa istorbo pero bawal pong matulog diyan” pasintabi ni Amy. Daha-dahan na bumangon ang natutulog na tao sa gilid ng kanilang gate at laking gulat nalang niya sa nakita. “OMG!!! Rylie? Anung ginagawa mo diyan? Anung nangyari sayo? Tumayo ka nga!” gulat na gulat na reaksyon ni Amy habang inaalalayang tumayo si Rylie. “Amy, pinalayas na kasi ako ni tiya eh” tugon ni Rylie at agad na napayakap ito kay Amy kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. “anu ba kasing nangyari? Nako, buti pa, pumasok muna tayo sa loob at sabihin mo sa akin ang nangyari” pagpapakalma ni Amy na agad naman sinang ayunan ni Rylie. Magsasalita pa sana si Rylie ng bigla na lang itong nawalan ng malay. **** SA ISANG BILIBID PRISON **** "Arevalo! may bisita ka!" sigaw ng guard matapos kalampagin ng batuta nito ang rehas. Agad naman na huminto ang isang payat na lalake sa pagmamasahe kay Arevalo na agad namang tumayo papunta sa gwardya. Agad siyang pinosasan at inihatid papuntang visitors area kung saan nag-aantay ang isang seksing babae na ang suot ay halos lalabas na ang kaluluwa sa sobrang ikli, hindi tuloy maiwasan na pagtinginan ito ng mga lalaki lalo na din ng mga gwardya na nandoon. Abot tengang ngiti na nilapitan ito ni Arevalo sabay halik ng may sobrang pagkasabik dito, di alintana ang ibang tao sa kanilang paligid. "my Precious, buti at napadalaw ka, kamusta ang mahal ko?" naglalambing na bati ni Arevalo. "nako Ramon! wag mo akong daanin sa ganyan! akala ko ba eh makakalaya ka na? grabe naman, ang tagal ko nang nag aantay! tuyong tuyo na ang mga kalamnan ko" pagtataray ni Precious. "Precious naman, kaunting araw na lang, lalabas na din ako dito sa pinaghaharian kong lungga, baka bukas makalawa eh magulat ka nalang na may sumusundot na pala dyan sa mga nanunuyo mong kalamnan" tugon ni Ramon. "siguraduhin mo lang Ramon na makakalabas ka na dito, sobrang inip na inip na ako sa kakaantay" inis na tugon ni Precious. "bago ka magtaray, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko? may nabalitaan ka na ba sa kambal kong anak?" tanong ni Ramon na naging seryoso. "inaasikaso ko iyon, sadya lang talagang makukupad yang mga tauhan mo" paliwanag ni Precious. "aba eh, anung ginagawa mo? kumilos kilos ka din, baka maistroke ka nyan, tandaan mo, kelangan kong mabawi ang mga anak ko" si Ramon. "hay nako, ano pa nga ba diba? kung bakit kasi naisahan ka ng Cecilia na iyon, di sana hindi tayo nahihirapan ngayon" pag angal ni Precious. "Precious my dear, dahan dahan ka sa pagbanggit ng mga pangalan na ayaw na ayaw ko nang marinig, alam kong alam mo kung paano ako magalit, basta gawin mo ang pinapagawa ko, gusto ko pagkalabas ko dito ay may pagkaabalahan ako, naintindihan mo?" pagbanta ni Ramon makahulugang tingin lang ang naitugon ni Precious kay Ramon.. ITUTULOY.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD