06

1679 Words
Dahan dahan na iminulat ni Rylie ang kanyang mga mata mula sa pagkakahimbing at agad niyang inilibot ang paningin sa kanyang paligid. Agad niyang nakita si Amy na naghahanda ng pagkain para sa kanya. “naku buti naman at gising ka na, kamusta na ang pakiramdam mo? Sino ba kasing may sabi sayo na matulog ka sa labas? Ikaw talaga.” Pagbati ni Amy kay Rylie sabay hatid ng mainit na sopas dito. “Amy pasensya ka na sa istorbo ha? Wala na kasi akong ibang malalapitan pa” tugon ni Rylie habang unti unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata pero pinapanatili pa din niyang matatag ang kanyang sarili. “wala iyon anu ka ba, that’s what friends are for, oh! di ba? English yun mare, napanood ko kanina sa TV, pero teka, ano ba kasi ang nangyari sayo? Tsaka saan mo ba nakuha yan mga pasa mo na yan? Minaltrato ka nanaman ng tiyahin mong bakulaw ano?!” tugon ni Amy na labis na ikinataas ng kanyang kilay. “Amy…. Kasi… pinalayas na ako ni tiya Martha…” tugon ni rylie na naging dahilan para siya ay mapayakap ng mahigpit kaya my sabay ng pag agos ng luha sa kanyang mga mata. Pinilit na kinalma ni Amy ang kanyang kaibigan at pinilit niyang alamin kung ano ba talaga ang nangyari. Walang nagawa si Rylie kundi isalaysay ang nangyari kung bakit humantong sa ganoong kalagayan ang lahat. “WHATTTT??!!! Eh baliw pala yang asawa ng tiya mo eh, grabe!!napakamanyak! Tiyak kong pag nalaman ni Steven yan baka sugudin niya yung demonyo na yun, take note ha? Kinampihan pa ng tiya mong buwang? Oh my goodness! Tapos ang nakakagulat pa din doon ay ang sinabi na may kakambal ka na binenta ng tiya mo? Nako! Dapat lang talagang umalis ka na sa impyerno na bahay na iyon” gulat na gulat na reaksyon ni Amy na talaga naman na nanlaki ang kanyang mga mata. “gusto ko ngang malaman yung tungkol sa kakambal ko eh, kung kanino siya ibinenta ng tiya, hay Amy, di ko na alam ang gagawin ko, sadyang napakamalas ko, pagkatapos ng nangyaring bangungot sa amin ni Steven ay sinundan naman agad ng panibagong problema” tugon ni Rylie Sabay ng malalim na hininga. “di bale, support kita diyan, dito ka nalang muna sa amin, payag naman yun si inay eh, tsaka para kahit papaano ay may makasama din kami, and speaking of Steven, super good news ang ibabalita ko, okay na yung kalagayan niya, yun nga lang hindi pa siya nagkakamalay, Sabi ng doctor baka matagalan pa daw ng ilang araw” Salaysay ni Amy. Labis naman na nakahinga ng maluwag si Rylie sa nabalitaan ukol kay Steven. “Ano? Bisitahin natin si Steven? Baka sakaling magkamalay yun pag naramdaman niya ang presensiya mo” pahabol ni Amy. “ikaw talaga, hilig mo magbiro, tsaka nakalimutan mo na ba na galit sa akin si aling Tessie? Tiyak kong hindi na ako papayagan nun na makita pa si Steven” Malungkot na tugon ni Rylie. “drama mu ha, anu ka ba? malay mo dala lang yun ng galit niya, okay naman na si Steven eh, tiyak kong kalmado na iyon, ano? Ligo ka na tapos gora na tayo?” pangungumbinse ni Amy. Wala nang nagawa si Rylie kundi sundin nalang si Amy, tutal ay gusto na rin naman niyang Makita si Steven. *********************************** Sa bahay nila Martha.... Tahimik na nag aaral si Shiela samantalang si Andrew naman ay hindi mapigil ang saya ngayon na wala na ang kanyang kinasusuklaman na pinsan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at agad may tinawagan, ilang sandal lang ay sumagot na agad ito. “hello pre! kamusta?” pagbungad ni Andrew sa kausap. “o bakit? May ipaparesbak ka nanaman ba?” tugon ng kanyang kausap. “wala naman, pinalayas na yung bwisit kong pinsan dito kaya okay na” masayang tugon ni Andrew. “ah, di mabuti, eh bakit ka nga pala napatawag?”tugon ng kausap nito. “gusto ko lang sanang magcelebrate, ayain mu na din yung iba pa nating barkada” si Andrew. “sige sige, diyan ba sa inyo?” tanong ng kausap nito. “oo, okay lang naman na dito, tsaka pasalamat ko na din sa ginawa niyong pagresbak sa akin, tiyak kong matututo na ng leksyon iyon Steven na yon, wala naman palang ibubuga” pagmamayabang ni Andrew. “sige, anytime, no problem, basta text nalang, madami pa kong gagawin eh” tugon nito. “sige Jonas,” pagputol ni Andrew sa usapan. Hindi lingid kay Shiela ang kanilang pinag usapan, kunwari ay patay malisya lang ito pero sa loob loob niya eh hindi na niya kaya pang ilihim ang ginawa ng kanyang kuya. “kailangan makausap ko si kuya Rylie, kailangan malaman niya ang katotohanan” sa isip ni shiela. ******************************** Sakay ng pulang sasakyan sabay na umuwi sina Harajima at Koji galing ng eskwelehan... “Insan, sabihin mo nga, matagal mo na bang kakilala si Dianne? Yung maganda na sikat sa buong campus?” pagsiyasat ni Harajima. “si Dianne? Yung modelo? Hindi naman ganun katagal, nakilala ko siya nung naging kaklase ko siya sa isang subject, nag extra subject ata siya nun” tugon ni Koji habang busy sa paglalaro ng PSP. “ganun ba, pero may komunikasyon naman kayo?” tanong muli ni Harajima. “oo, naging magkagrupo kasi kami noon eh, bakit mo naman natanong?” si Koji na busy pa din sa kakalaro. “wala lang, pero gusto ko sanang humingi ng pabor sayo eh” pag aalinlangan ni Harajima. Sa pagkakarinig noon ay na Game over si Koji sa kanyang nilalaro at labis na pagtataka ang bumuo sa kanyang isipan sa kung ano ang hihingiin na pabor ni harajima mula sa kanya. Si Harajima Matsuda, 18 years old, 1st year college, tulad ni Koji ay half Japanese din siya. Sakto lang ang puti at hindi din papahuli sa kagwapuhan. Simula pa lamang nung bata siya ay ang kanyang lola Yumi na ang nag alaga sa kanya at suportado ni Shiro sa mga gastusin para dito. Simula’t sapul ay hindi niya nakilala kung sino ang kanyang mga magulang, isa itong matinding katanungan para sa kanya. Si Koji Matsuda, 16 years old,3rd year high school, anak nila Cecilia at Shiro. Maputi, sakto lang ang kagwapuhan pero masasabing cute ito sa ibang aspeto, tahimik lang siya at mahilig lang maglaro bilang pampalipas oras. Matindi ang expectations sa kanya ng kanyang ama dahil sa siya ang susunod na hahalili dito sa kanilang mga negosyo. *********SA HOSPITAL************ Kinakabahan na tinatahak ni Rylie kasama si Amy ang lawak ng hospital kung nasaan si Steven. Kahit kasi sabihin na okay na si Steven ay alam niyang hindi pa din papayag si aling Tessie na magkita pa silang muli. “o girl, malapit na tayo, wag kang kabahan, isipin mo nalang na magiging okay ang lahat” pagpapalakas ng loob ni Amy kay Rylie. Isang matamis na ngiti lang ang tugon ni Rylie dito kahit na halata pa din ang pagkakaba nito. Ilang saglit pa ay narating na nila ang kwarto kung nasaan si Steven at laking gulat nalang nila ng nurse lang ang kanilang naabutan. “hello po, kamag anak po ba kayo ng pasyente?” tanong ng nurse. “mga kaibigan niya po kami, kamusta na po ang lagay niya?” tugon ni Amy. “stable na po ang condition niya, pero kailangan pa din po namin i-monitory yung katawan niya” paliwanag ng nurse. “ah ganun ba, wala po bang bantay sa kanya ngayon?” tanong ni Amy. “medyo kanina pa po umalis, may kinuha lang, pero baka pabalik na po ang ina ng pasyente” tugon ng nurse. “ah, sige po. Salamat” pagtatapos ni Amy ng usapan. Pagkalabas pa lang ng nurse ay agad na lumapit si Rylie kay Steven. Di maiwasan na mapaluha siya habang tinititigan ang maamong mukha ng himbing na natutulog na si Steven. “o girl, swerte natin at hindi natin naabutan si Aling Tessie, kitams, sabi ko sayo kakayanin ni Steven yan eh, sana magkamalay na siya sa madaling panahon” si Amy. “sana nga Amy, masaya ako dahil okay na si Steven, ang kailangan ko na lang gawin eh malaman kung sino ang mga taong humarang sa amin, kung sinong may pakana nun, para makamit man lang ang hustisya sa nangyari kay Steven” si Rylie habang patuloy na pinagmamasdan si Steven. “oo nga no, mukhang mahihirapan na tayong subaybayan ang mga kilos ng Andrew na yan, kelangan umisip na tayo ng paraan, hindi ka nanaman pwedeng bumalik dun sa tiya mo, at never ever mo na dapat gawin” si Amy. “hay, di bale kung tama nga ang kutob natin kay Andrew, iisip ako ng paraan, para kahit papaano ay makabawi ako kay Steven” tugon ni Rylie sabay hawak sa kamay ni Steven. Nagulat nalang siya ng bigla niyang naramdaman ang paggalaw ng daliri ni Steven na para bang tinugon nito ang paghawak niya dito. Subalit mas dapat pa ata niyang ikagulat ang pagbukas ng pinto ng kwarto at sabay ng pasok ni Aling Tessie. ************************************** Sa isang Airport..... Naglalakad ang isang babae dala ang maleta nito halatang sabik na sabik na masilayan ang bansang kanyang iniwanan ng matagal. Ilang saglit pa ay kinuha nito ang kanyang cellphone at may tinawagan. “hello, mama, how are you?” panimula ng babae. “hello, hija? Napatawag ka?” sagot ng babae sa kabilang linya ng cellphone na boses ni madam Yumi Matsuda. “I just want to surprise you that I’m finally home” tugon ng babae. “talaga hija? You really surprised me! Tiyak kong magugulat si Shiro niyan” nanabik ba tugon ni madam Yumi. “yes mama, and I will make sure na hindi lang si Shiro ang masusurpresa, pati na din ang malanding Cecilia na yun” tugon ng babae sabay bitiw ng malademonyong ngiti. ITUTULOY……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD