07

1716 Words
***** Sa hospital **** “ang kapal din naman talaga ng mukha mo! Di ba sinabi ko na sa iyo na layuan mo ang anak ko?! Di pa ba sapat ang kahihiyan na ginawa mo sa tiya Martha mo? Please lang, wag mo ng dalhin ang kamalasan mo sa pamilya ko!” pambungad ni Tessie sabay kaladkad kay Rylie. “gusto ko lang naman po na kamustahin si Steven, parang awa niyo na po aling Tessie” pagmamakaawa ni Rylie kahit pa nasasaktan sa paghila sa kanya ni Tessie. “wala akong awa sa tulad mo! mabuti ang kalagayan ni Steven nung wala ka sa buhay niya! Tsaka kung naghahanap ka ng awa try mong pumunta ng overpass baka makakita ka doon!” patuloy na pagkaladkad ni Tessie. Pilit man awatin ni Amy si Aling Tessie, ngunit sadya talagang walang makakapigil sa pagwawala nito, nakapukaw lang ito ng atensyon sa mga nurse at pati na din sa gwardya. “may problema po ba? Makakasama po kasi sa pasyente ang ginagawa niyo?” pagtukoy ng nurse sa ginagawang iskandalo ni Tessie na pilit pa din itinataboy si Rylie. “ayan ang problema ko! Wag na wag niyo nang palalapitin yan sa anak ko! Bwiset!!!” sigaw ni aling Tessie sabay pasok ulit sa kwarto kung nasaan si Steven matapos kaladkarin si Rylie. Agad naman na hinuli ng gwardya si Rylie para itaboy ito palabas ng hospital. “hoy bitawan mo nga ang kaibigan ko! Hindi mo na kami kailangan pang ipagtabuyan! Dahil kusa kaming aalis! Feeling mo! Di ka naman gwapo! Hmph!!!” pagtataray ni Amy sa gwardya. “Aba’t loko tong babae na to ah! Bilisan niyo at umalis na kayo sa hospital na ito! Nakakabulahaw kayo sa ibang pasyente!” tugon ng gwardya na uminit ang ulo sa ginawa ni Amy. Walang patumpik tumpik ay nilisan nila Amy at Rylie ang hospital. Puno man ng sakit ang kanyang damdamin ay pilit pa din niyang tinatagan ang kanyang loob. Labis na nalulungkot si Rylie na baka hindi na niya Makita pa ang kanyang kaibigan na si Steven. Dinamayan naman agad ito ni Amy dahil alam niya ang hirap at sakit na pinagdadaanan ng kaibigan. Ngunit bago pa man sila makalayo ay may di inaasahang tao ang tumawag sa kanila. ******* Sa Oishi Food Restaurant***** Abalang abala si Cecilia sa mga documents na kailangan niyang asikasuhin. Talagang focus si Cecilia sa kanyang negosyo at talaga naman na mababakas sa kanya ang dedikasyon para dito. Nagulat nalang siya ng biglang may pumasok sa kanyang opisina. “sorry po ma’m mapilit po kasi siyang pumasok eh” paumanhin ng secretary ni Cecilia. “very surprising, ano ang nagdala sa iyo sa lugar na ito Veronica?” pagbati ni Cecilia sa babaeng nagpumilit pumasok. “ang presensya mo ang nagdala sa akin dito my dear Cecilia, tignan mo nga naman, from being a w***e to a successful businesswoman? I don’t believe all of this!, magaling ka lang talaga sigurong manglandi ng mga customers” patutsada ni Veronica. “well open your eyes Veronica and Believe it, don’t you know the phrase ‘to see is to believe?’ and Veronica, di ko na kailangan gamitin pa ang ganda ko dahil utak ko pa lang ay sapat na” ñ pagbawi ni Cecilia. “nasasaiyo yan Cecilia, hold on to your beliefs, namnamin mo na ang lahat ng ito hanggat may panahon ka pa, babalik at babalik sa akin si Shiro, and by the way, before I leave, may regalo nga pala ako sa iyo, bulaklak pampatay, para sa nalalapit mong pagbagsak! Ahahaha!” tugon ni Veronica sabay alis sa opisina ni Cecilia. Labis na pagkainis ang bumalot kay Cecilia at pangamba na din sa nais ipahiwatig nito. *******Sa Palengke****** Abalang abala si Martha sa mga mamimili na bumibili sa kanyang paninda, di na kasi tulad ng dati na may kahalili siya sa pagtitinda. Paspas dito, paspas duon, sukli dito, sukli doon, mga eksena na parating ginagawa sa palengke na mag isa na ngayong ginagawa ni Martha. Di din alintana ang kumalat na tsismis patungkol sa pangyayari sa pagitan nila Nestor at Rylie, siyempre kung anu-ano na ang mga naidagdag doon, pero patay malisya nalang si Martha dahil ang mas importante sa kanya ay pera. Habang nagpapaspas ng langaw ay may di inaasahang babae na lumapit sa kanya, at talaga naman na ang suot nito ay sobra sa ikli, na akala mo ay sa may gilid gilid ng Makati pupunta para makapagbigay ng aliw. “ano po ang kailangan nila? Sariwang sariwa po ang mga tinda ko, pili lang kayo” pagbati ni Martha sa babae. “uhm, excuse me, may hinahanap kasi ako eh, dito daw yung pwesto niya (sabay palobo ng bubblegum sa kanyang bibig)” tugon ng babae. “ah, eh, sino po ba ang hinahanap niyo?” pagkadismaya ni Martha na hindi naman pala bibili ang kausap. “uhm, kilala niyo po ba si Martha Martinez?” (sabay luwa sa bubblegum at ibinulsa ito) “ako po yon, sino po ba sila?” pagtataka ni Martha sa kung sino ba ang taong iyon na naghahanap sa kanya. “wow, Jackpot! Ikaw pala yun, just call me, Precious, nice meeting you!” sabay lahad ng kamay na ginamit niyang pangkuha sa buublegum na ikinaasiwa naman ng mukha ni Martha pero nakipagkamay pa din siya. *****sa labas ng hospital***** Nagtatakang hinarap ni Rylie at Amy sa kung sino ang taong tumawag at dali dali itong lumapit papunta sa kanila. ‘wow ang pogi naman!! it's a papa-rapzi!’ sa isip isip ni Amy. ‘naku baka hulihin ako nito ah, kamalas malasan talaga’ sa isip naman ni Rylie. “uhm, pasensya na sa abala, ako nga pala si Officer Jaime Saavedra, at ako yung itinalaga para sa pag iimbistiga sa nangyari sa inyo ni Mr. De la cruz, di ba ikaw yung kasama niya nung gabi na yun?” pagbati ng pulis sabay bitiw ng kanyang killer smile na labis naman na ikinakilig ni Amy. ‘this is it! pancit! ang inaantay kong lovelife!!!’ sigaw ni Amy sa kanyang isip at agad na iprinesenta ang sarili. “yes officer cutie!!, itong friend ko nga yun, anything we could do for you?” nang aakit na tanong ni Amy. Nagtaka naman bigla si Rylie sa kinilos ni Amy kaya di niya na lang maiwasang matawa. “gusto ko lang kasi siyang tanungin tungkol sa ilang bagay, at siyempre para malutas na din ang nangyari sa kaso nila” paliwanag ni Jaime. “ganun ba, nako! tamang tama pala ang dating mo, sing bilis nang tama mo sa akin” tugon ni Amy. Labis naman na pagtataka ang bumalot sa isip ni Jaime, parang gusto na niyang isipin na nababaliw na ang babaeng kumakausap sa kanya. “ah, eh, wag mo nalang pansinin yung sinabi ko, ang mabuti pa eh magtanungan na tayo, pero kung pwede sa bahay nalang namin?” palusot ni Amy. “Amy anu bang nangyayari sayo?” bulong ni Rylie kay Amy. “Friend, may Steven ka na, ibalato mo na sa akin to, ha?” bulong din ni Amy. “ikaw talaga, puro ka biro, halika na nga” nasabi nalang ni Rylie at tinahak na nila ang daan pauwi kasama si Jaime. ******************** Sa isang studio.... Nagaganap ang isang photo shoot ni Dianne para sa isang billboard ng kilalang brand ng damit. “okay give some daring shots Dianne!” sigaw ng photographer at agad naman nag pose si Dianne ng mga daring but cute poses. “okay last shot!” sigaw ng photographer at natapos din ang kanilang pictorial. Agad naman na pumunta si Dianne kung nasaan ang kanyang kuya Brix na kakatapos lang din sa pictorial nito. Agad naman na niyakap ni Vanessa si Brix na daig pa ang isang linta. “ang gwapo talaga ng mahal ko, at super hot pa, napapaisip tuloy ako na mag model na din” pambungad ni Vanessa. Napataas naman ang kilay ni Dianne sa kanyang narinig. “if ever naman na may tatanggap sa iyo” pabulong na sabi ni Dianne sa sarili. “uhm, sis anu yun? May sinasabi ka ba?” paglilinaw ni Vanessa na bahagyang narinig ang ibinulong ni Dianne. ‘maka tawag ng sis ah, close?’ sa isip-isip ni Dianne. “ah, wala, sabi ko tiyak na madaming maghahabol sa iyo” tugon ni Dianne. ‘na aso’ pahabol ni Dianne sa kanyang isip sabay tawa. “Dianne tapos ka na ba? Let’s go na para makapag dinner na tayo” pag aya ni Brix na kakatapos lang mag ayos ng kanyang mga gamit. “okay kuya , ayusin ko lang to” tugon ni Dianne. “sunod ka na lang sa kotse, tsaka Dalian mo please lang” si Brix na papuntang kotse kasama si Vanessa. Habang nag aayos si Dianne ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone at dali dali naman niya itong sinagot. “hello, Koji? napatawag ka?”pagbati ni Dianne. “uhm, Dianne, kasi, pwede ba kitang yayain kumain sa labas? Tsaka may ipapakilala din kasi ako sa iyo eh” tugon ni Koji na medyo kinakabahan. “okay, kelan naman yan?” tanong ni Dianne. “uhm, bukas sana after class? kung di ka busy?” si Koji. “uhm, o sige, may 1 hour vacant naman ako eh, walang problema” tugon ni Dianne. “talaga Dianne? Salamat ng marami ha?” pagkagalak ni Koji. “sus! Wala yun, o pano ba yan bukas nalang? may gagawin pa ako eh” pagtatapos ni Dianne ng usapan. Hindi na bago kay Dianne ang mga nag aaya sa kanyang makipag date o ayain na kumain sa labas, madami na din kasing nakapag aya dito, may mga artista, producers, managers, kahit nga congressman at mga pulitiko, pero hanggang dinner date lang naman tapos wala na. siyempre kelangan din sa trabaho. ****sa isang bilibid prison***** “Arevlo!” sigaw ng gwardya sabay kalampag sa mga rehas ng kanyang batuta. Agad na itinigil ng payat ang pagmamasahe niya kay Ramon. “anong meron chief?” tugon ni Ramon habang papalapit sa gwardya. “magpaalam ka na sa kaharian at mga alipin mo, laya ka na” tugon ng gwardya sabay bukas sa selda. Abot tengang ngiti ang bumalot kay Ramon. “Sa wakas!!!” kasabay ng pagbigkas na ito ay ang malademonyo niyang ngiti. ITUTULOY…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD